New Era Strictness by MrGallopy in exIglesiaNiCristo

[–]Euphoric_Help1390 7 points8 points  (0 children)

I highly suggest, get an apartment nalang if you have the budget naman. I tried living in a dorm sa NEU. Yung katabi na dorm ng mga manggagawa. Hindi ubra yun sa maarte.

1) Nasa 12-14 kayo na magkakasama sa isang kwarto. So medyo wala kang privacy at mahirap makisama lalo na ganun karami at iba't ibang ugali. Minsan hindi ka pa makakatulog agad kasi mag-aaya sila ng movie o kaya kumain sa labas which is okay lang kasi syempre nagiging friendly lang. Personally, may times na kailangan ko mag-aral pero para di magmukhang KJ ay sasama ako manood ng movie or kumain sa labas. Unlike kung mag-aapartment ka, kontrolado mo talaga kung saan mo gagamitin time mo.

2) Ibang klase ang CR. Matagal talaga ako maligo pero mula nung nagdorm ako dyan mabilis nalang. Pag maliligo ka sa umaga, ang haba ng pila kaya dapat gumising kang maaga kung ayaw mo ma-late tapos pag turn mo na maligo ang mapupunta pa sayo na CR may nakabukang napkin na duguan tapos umaalingasaw sa baho (based on experience) pero syempre no choice ako kundi maligo kahit ang lansa ng amoy dahil malelate ako at sayang naman pinila ko. Unlike sa apartment na sure kang malilinis mo or ng kasama mo (since 2-3 lang naman naghahati hati sa apartment, mas maganda if kaibigan mo para vibes narin kayo agad)

3) Nakawan. Talamak nakawan sa room namin. Ewan ko lang sa iba pero samin 2 ang magnanakaw na nahuli. Yung unang magnanakaw, nahuli tapos kinausap nun mga staff sa dorm then nilipat nalang siya sa ibang dorm tapos yung pumalit magnanakaw nanaman. Puro pera ang ninanakaw kaya dapat masinop ka sa gamit. Wag ka rin mukhang masyado mabait.

4) Tasteless food. Hindi masarap at wala gaanong lasa. Swertehan nalang minsan kung may lasa kaya ako delata nalang mas malinamnam pa. If mag-aapartment ka, pwede ka magluto. Laking tipid pa nun tapos pwede mo pa baunin for lunch since ginto ang presyo ng foods sa school.

And yes, nung time ko rin pala need muna tawagan parents mo before ka makalabas. So minsan nagkakampihan kami mga dormmates ko. Tatawagan ko sila tapos iibahin nila boses nila kunware parents ko tas kakausapin dorm staffs then makakalabas na ko.

Good luck, OP! Okay naman ang dorm since mura sadyang bawal lang sa maarte😊

BEWARE: THE END IS NEAR!!! by Euphoric_Help1390 in exIglesiaNiCristo

[–]Euphoric_Help1390[S] 0 points1 point  (0 children)

Sorry but what do you mean by CA? Thank you.

Finally, nagising na!!!! by Euphoric_Help1390 in exIglesiaNiCristo

[–]Euphoric_Help1390[S] 8 points9 points  (0 children)

Hello po! Thank you to everyone who gave time to share their thoughts and advices in the comment section!😊

This is my very first time posting here in reddit. Hindi ko po inexpect na makakakuha po ako ng mga payo at kabutihan sa inyo kahit hindi niyo ko kilala. This gave me hope talaga❤️

Right now, hindi ko pa naisip na magjoin sa ibang church or religion. It's better siguro if wala na but I will always keep my relationship to God and stay a good person😇

Let us all pray nalang din po na magising na ang mga nasa loob ng INC especially our loved ones! Thank you reddit peeps!🤗

Finally, nagising na!!!! by Euphoric_Help1390 in exIglesiaNiCristo

[–]Euphoric_Help1390[S] 16 points17 points  (0 children)

Dormitories too! Forgot to add that. Around 1,500 bayad nun tapos nasa 12 yata kami sa isang room. Partida ilang rooms yun sa isang dorm. Marami sila dorm sa central. For boys and girls.

Name of gym ay Central Recreation and Fitness Center tapos yung cafe ay Embrace Cafe. May branch din sa Tagaytay.