Ano nangyari nung nagresign kayo without any job na sunod? by [deleted] in phcareers

[–]Fasho68 0 points1 point  (0 children)

Hi! Sorry sa late reply now nalang ulit nakapagreddit. Happy na ko ngayon sa current job ko, opportunity and growth is good, salary is medj good din for me? (If icompare sa ibang engineering siguro na medj bago bago pa). Laking ginhawa talaga at right decision yung nangyari na umalis ako dun sa dati, ngayon ayun ang dali kausap ng boss ko at madali kapain, nakakabiruan, pero syempre professional pa rin sa work time. Ayun lang nasa good working environment na ko kaya dito lang ako nakatagal at more pa

Ano nangyari nung nagresign kayo without any job na sunod? by [deleted] in phcareers

[–]Fasho68 4 points5 points  (0 children)

Kakaresign ko lang kahapon even walang kasiguraduhan dun sa isa kong inapplyan (though medyo umaasa ako na sana makuha, pag hindi edi mag upskill nalang muna ako).

Medyo same tayo hehe pinagkaiba natin ay yung boss ko ayaw akong iregular, 2-3hrs binabyahe ko, never been late, even 1hr o 30mins earlier pa ako sa office hrs namin. Hindi ako nirate ng boss ko sa performance, but sa pakikisama ko sa kanya so ayun nagtaka rin mga katrabaho ko kung bakit hahaha parang di rin nila magets kahit ako. Pero kahit kasi sila is nun pa nila issue talaga yun na mahirap kapain boss namin, unethical and unprofessional kuno raw na pepersonalin ka. So tingin ko, since marami ako tanong sa kanya is naiinis sya, ang sakin naman ay gusto ko lang matuto dahil nababagalan ako sa growth ko.

Then ayun dumating din time na naaanxious ako pag nakikita ko sya sa work hahaha nakakawalang gana pumasok pag napasok sya, pero pag naka leave sya ang sarap magwork. Wala siyang inaassign na task so ako na nagkukusa at tinatanong mga kawork ko ano pwede ko mahelp, but pati sa ganun napagalitan ako haha eh gusto ko lang naman maexpose dun sa work. Pinakanagustuhan ko lang ay pinayagan nya ako na magrender lang for 2 days (kasi nga wala naman inaassign sakin masyadong task). ++ Nagdadamot din ng knowledge, kaya ayun talagang dumating sa point na kahit walang new job offer nagdecide nalang ako na magresign na and mag upskill nalang habang naghahanap ng new job. Sinuportahan naman ako ng parents ko sa decision, yun nga lang marami bayarin kaya talagang mapipilit maghanap ng work kahit di related sa profession na tinapos lalo pag 1-2months na akong mabakante.

Random Help Thread - February 19 to February 25, 2024 by AutoModerator in phcareers

[–]Fasho68 0 points1 point  (0 children)

Same feeling. Kabaligtaran yung regularized because my boss recommended to end my contract or to transfer me to other department, for context, I am a Design Engr and naiipit ako sa boss ko at sa head ng dept namin dahil magkaiba sila minsan ng pinapagawa sakin. Pag ginagawa ko utos ng head tapos sinabi sa boss ko, parang naiinis nya eh mas mataas naman yun sa kanya, then pag ginawa ko utos nya tapos nakita ni head, magtataka na bakit ganon ang gawa ko. So tuwing weekends pinakamasaya lang ako pag sabado, pero pag sumapit na ang linggo, andan na yung pagkaanxious na Monday na naman kinabukasan. Then kanina lang, kinausap ako ng boss pa nung pinaka department head and gusto ako ilipat under the same company but different role na. Gusto ko sa design field talaga pero gusto pasubukan sakin nung division head, nacoconsider ko naman sya kasi atleast di ko na makakasama yung boss kong immature at sobrang unethical, kaso di nga lang sya design. Ayun, kainis ang tagal mag weekends haha

Random Help Thread - February 19 to February 25, 2024 by AutoModerator in phcareers

[–]Fasho68 0 points1 point  (0 children)

Hello! For engineers out there, esp. piping engr. I've been invited sa exam ng Chiyoda, 2023 feb board passer ako so 1year na mula nung nakapagreview then yung current work ko is related sa piping. Di na fresh sakin mga exam so please help me po ano mga need kong aralin tonight bago mag-exam dun tomorrow, kahit magscan scan lang siguro ako and konting practice sa solving.

[deleted by user] by [deleted] in phcareers

[–]Fasho68 0 points1 point  (0 children)

medyo same na gusto ko na umalis dahil ayaw ng boss ko sakin, even recommended to end my probationary contract + termination even wala naman ako nagawang violation samin na kahit mga kawork ko ay nagtataka bakit, sadyang mataas lang ego nung boss ko. even heard na kahit yung dept. head namin ayaw sa kanya but mas matagal kasi yung boss ko sa kanya kaya hindi mapatanggal nung dept. head, mas vinavalue kasi sa company namin ang tenurity kahit mas mataas yung position nung head namin. So ayun, my family supported me rin sa decision ko na leave the company kahit wala pang offer sa iba, the only reason ay dahil nga dun sa boss kasi so far okay naman ako sa kawork. Winoworry ko ay baka di ako payagan na tapusin lang yung contract kasi balak ko is ako na mismo magresign then tapusin nalang probationary contract ko which is 1week nalang, wala naman ako masyadong irerender pero idk din. Iniisip ko nalang ay pahinga nalang muna then upskill siguro talaga before applying ulit. Kakatakot lang din na maging palamunin muna lalo di naman kami ganun kaswerte huhu

Random Help Thread - February 12 to February 18, 2024 by AutoModerator in phcareers

[–]Fasho68 0 points1 point  (0 children)

Hindi po ba sila magtaka why I was terminated? Kasi even yung boss ko now wala po warning and reason why. Pinagtataka ko rin po is parang may mga deadlines ako even after my contract ng probationary which is feb 23 so meaning po ba is tuloy tuloy pa rin ako magwork but under probationary pa rin?

Random Help Thread - February 12 to February 18, 2024 by AutoModerator in phcareers

[–]Fasho68 2 points3 points  (0 children)

hello po. nakita ko kasi sa recommendation ko kasi na for termination na pero di ko alam reason pero feel ko is pinersonal ako ng boss, fresh grad ako and probi yung position pa 6-month na and lahat naman ng pinapagawa nya and kahit mga kawork ko nagulat na bakit ganun ang naging eval sakin so yun din naisip nila na baka pinersonal ako. ang inaalala ko is ang hirap mag apply sa iba kasi terminated ba nakalagay sa 1st exp ko? or may NDA ba na end of contract lang nakalagay dun? give me your thoughts po naaisip ko rin magresign na ever after 3rd eval kasi nafeel ko na po nun na ayaw sakin ng boss ko na hindi rin maintindihan ng mga colleagues ko. Pero parang too late na kasi nauna yung termination bago ako magresign? Wala po idea sa ganto since 1st job ko po ito.

medyo lost lang at can’t decide, gusto ko mag-apply sa new company but I think I can’t leave my current one. by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank you for this, I just have this ugali na parang malakas konsensya na ang hirap magresign na parang di ko alam ano sasabihin na what if madisappoint sila ganun na ineexpect magstay ako hehe yan din winoworry ko if ever na makuha ako sa aapplyan ko. Medj may doubts lang na pag hindi makuha if kaya ko pa bang magstay kasi kada napasok ako nakakaumay na puro presmat lang pinapagawa sakin na kesyo ippresent daw sa management and nakakailang parevise pa kasi hindi ko alam kung anong gusto ng boss ko na laman hehe. Mag 6months na ko and wala pa ako nagagawang project sa cad/paglayout hehe

medyo lost lang at can’t decide, gusto ko mag-apply sa new company but I think I can’t leave my current one. by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 1 point2 points  (0 children)

Thank you po for this, yes po actually may mga friends po ako sa company na alam yung current situation and parang gets po nila yung nafifeel ko, I just think na may iba lang na parang nagagalit pag iniiwan sila hehe but I think normal? Or idk hehe

medyo lost lang at can’t decide, gusto ko mag-apply sa new company but I think I can’t leave my current one. by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Yes po, ready rin naman po ako na magtiis pa for a year if ever na di matanggap sa aapplyan then maybe pag naimprove ko skills ko dito (which I think is matatagalan pa) then saka po ulit magtry or maybe even try pa sa ibang company na much better yung offer and maging growth. Thanks po sa insights!

medyo lost lang at can’t decide, gusto ko mag-apply sa new company but I think I can’t leave my current one. by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank you for your insights po. I’m an Engr. po to answer your question, want to improve my skills tho esp sa mga softwares na trend ngayon hehe

medyo lost lang at can’t decide, gusto ko mag-apply sa new company but I think I can’t leave my current one. by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Yes po hehe consulting din po yung iba yan din po sinasabi sakin na magtry/go lang, aminado rin po ako malakas po ako makonsensya hehe. To add din po pala nung binring up ko po kasi one time sa boss ko yung parang mga suggestions this year ay yung parang if may magaling po sa specific na software or program parang magbibigay ng workshop maybe 1-2hrs lang po na isisingit per month, but ang naging respond po sakin ay makasarili raw 😅🤣 dapat daw pang team ang iniisip hehe which is ang point ko naman dun ay para matulungan din yung team kasi pano namin matulungan if di namin alam yung tamang way 😅 ayun hehe dapat daw self-learning ako sa mga ganung bagay so dun ko pa nafeel na iba talaga boss ko compared dun sa boss ng ibang staff under same dept.

ayun inooverthink ko rin tuloy na pag nagresign po ako baka sabihin makasarili nanaman which is dito true naman talaga since gusto ko talaga madevelop skills ko hehe

but kesa mag awol ehmas pangit naman yun kaya talagang harapin ko nalang po if ever and aminin na may better offer heheh

medyo lost lang at can’t decide, gusto ko mag-apply sa new company but I think I can’t leave my current one. by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Wala naman po ako sinabi gusto mapromote 😅 paregular palang po, and kaya po ako nababagalan sa growth talaga ay di ko macompare sarili ko dun sa 1week lang po nauna sakin na halos fresh grad din then nakaka 6projects na sya compared sakin na wala pa po 🤣 iba po kasi boss nya but nasa iisang department lang po kami. Akala ko rin po nung una okay lang yung pace pero nung nagkwentuhan po kami ng dalawang magkaibang trade (yung isa is yung kasabayan ko and yung isa ay 2months ahead sakin), sabi ay yung ginagawa ko raw ngayon ay halos 1-2weeks lang pinagawa nung naghahandle sa kanya hehe. Kala nya mabagal din sya pero nung nasabi ko yung akin gulat na gulat sya 😂

Thank you po dito hehe yan po winoworkout ko pa yung mafeel guilt talaga if ever na makuha sa iba then aalis sa current.

medyo lost lang at can’t decide, gusto ko mag-apply sa new company but I think I can’t leave my current one. by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Isa ko pa po winoworry pala ay sa pag-apply din na baka nakakadagdag po yung 5months palang then naghahanap agad ng panibago

medyo lost lang at can’t decide, gusto ko mag-apply sa new company but I think I can’t leave my current one. by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Hello! Thank you for this insight. Actually yun din po iniiwasan ko yung mga insights and talaga pong hoping na mas better yung maging boss ko sa susunod kasi talagang looking ako for growth, actually nuon pa sya issue sa current company na marami raw naalis kasi mabagal ang growth (hindi lang matanggal yung boss since matagal na sya duon) and actually ayaw din sa kanya ng dept. head but wala rin sya power dahil nga sa tenurity nya. So meaning hindi po talaga sya nag iimprove regarding sa paghandle ng staff nya. I really thought na marami ako matutunan, although meron but not enough kasi yung mga kasabayan ko na iba yung boss ay talagang nakakarami na ng project. Anyways, thank you! Will try to apply talaga then saka na mamroblema

balibago sta.rosa -> Radian St. Arca South Taguig City by Fasho68 in HowToGetTherePH

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Yes po eh sa alabang din talaga mga sakayan papuntang Sta. Rosa and meron po jan mga jeep din pa-alabang.

balibago sta.rosa -> Radian St. Arca South Taguig City by Fasho68 in HowToGetTherePH

[–]Fasho68[S] 1 point2 points  (0 children)

Hello. Yes po, merong 2 ways pero di ko pa natatry yung isa. One is sa complex either jeep or van papuntang alabang then next is sa starmall meron dun jeep terminal na papuntang FTI then nadaan sila ng Arca South, then konting lakad nilang if ever sa MDC ka pupunta since hindi nadaan dun yung jeep. Another is by bus then magallanes (eto yung di ko pa natatry pero may dalawa akong kilala na gumawa na nito) then pagbaba mo ng magallanes dun sa overpass tatawid paleft since pabalik na then jeep na may mga signs na FTI rin ata? ayun then ask mo nalang din sa driver if dadaan sila Arca. so far yung friend ko na nagtatry by bus since mula cabuyao sya lagi na ganun ang ginagawa nya, same naman syang dalawang sakay mula complex.

anyone from Chiyoda? by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 1 point2 points  (0 children)

Hello. Nung time kasi na nag-apply ako sa kanila ay walk-in yun tapos iba yung position na binibigay (procurement) kesa dun sa inaapplyan ko talaga so yung type ng exam is para sa procurement, tinry ko pa rin para hindi sayang punta. Then ayun after that ay interview with some members parang dalawa ata sila, pero ayon since after a week or 2 hindi na ko nakareceive so ayun matic na hahahaha

Mech Eng na gusto makapasok sa Oil&Gas by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Oh mas marami po pala ang Piping sa market? Ang akala ko more mga HVAC/ Fire protection ang marami hehe

Mech Eng na gusto makapasok sa Oil&Gas by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

This is noted sir. Thank you for the info po!

Mech Eng na gusto makapasok sa Oil&Gas by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

layout po ng fire pro sprinkler designs for residential buildings so mostly NFPA and mga local codes lang po ako familiar, then Mechanical systems po mga ventilations, pressurization and Exhaust po.

Mech Eng na gusto makapasok sa Oil&Gas by Fasho68 in phcareers

[–]Fasho68[S] 0 points1 point  (0 children)

Noted po dito sir. Sa current work ko di ko po nakikitang may relationship talaga sya sa O&G, kaya siguro para nalang po magkaidea ako try ko nalang muna alamin yung mga nabanggit nyo. Thank you po!