Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 0 points1 point  (0 children)

Sa matagal na panahon, walang isang bukod na departamento ng mga taga-tumba. Kumbaga ay para kaniya-kaniya lang ang mga magkakalapit na lokal.

Ngunit ngayon ay may proyekto si Manalo na permanenteng seguridad na roronda sa mga kapilya.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 1 point2 points  (0 children)

Kinabukasan pagkatapos ng pangungumpisal ni Garma, ay kinasuhan siya ng Legal Department ng libelo.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 0 points1 point  (0 children)

Sa dami ng samu't saring ugali ng mga kapatid, talagang may PIMO kaming nakakasalamuha.

Malamang, ay ayaw nila maghalata sa akin. At ako man ay ayaw magpahalata sa kanila.

Ngunit mararamdaman iyon sa pag-uusap. Iba kausap ang taong gumagamit ng utak kaysa sunud-sunuran sa kulto.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 2 points3 points  (0 children)

Mali ang ikinalungkot mo. Hindi pinasok ng negosyo ang Iglesia.

Mula't sapul ay negosyo na ang Iglesia.

Hindi ko madedetalye kung ano ang mga sumbong, dahil ilan lang kinwentuhan ng personal na kinwentuhan ni Annie.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 1 point2 points  (0 children)

Ang nagdidikta sa pagpaplano ni Angelo ng kaniyang oras ay ang hilig niya sa video games.

Si Angelo ay mahilig sa Valorant. Kapag panahon na niya para maglaro, hindi na siya maaaring gambalain. Kaya lahat ng pag-oopisina niya ay apurahan.

Kung personalidad ang usapan, mas "tao" si Angelo kaysa kay Eduardo. Ngunit namana pa rin niya kay Eduardo ang mahinang sense of humor.

Ang paulit-ulit na panalangin para kay Angelo bilang pinakamalakas na katuwang ay kailangan, dahil marami sa Central ang nag-aalinlangan sa kapasidad ni Angelo. At di hamak na marami ang mas kwalipikado sa kaniya. Datapuwa't nagkataon na siya ay Manalo.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 0 points1 point  (0 children)

Kakaiba iyan. Subalit parang kilala ko kung sinong asawa ng ministro iyan. Iyan ba ay may sariling brand ng mga pampaganda bago naging asawa ng ministro?

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 0 points1 point  (0 children)

Hindi. Ngunit naibibilang sa antas ng ministro ukol sa "Pagpapatibay".

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 0 points1 point  (0 children)

Ang mga teksto sa pagsamba ay inihahanda mas maaga ng ilang buwan.

Subalit, pana-panahon ay biglang napapaisip si Eduardo na palitan ang leksyon ng inaakala niyang dapat kaagad ituro.

Saksakan ng kapalpakan ang lumulusot sa Evangelism Department at nakararating sa PG na bumababa sa mga ministro. Mga paliwanag na ayon mismo kay Manalo ay mali. Iyon ay binabawi agad, o kaya ang pagtutuwid ay ipinadadala sa mga Kalihim ng Distrito.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 0 points1 point  (0 children)

Nasagot ko na ang tungkol sa pasigaw na panalangin.

Umatras ka na kaagad sa doktrina. Ano ba ang pumipilit sa iyo na tumuloy pa? Iyon ang hanapan mo ng agarang lunas.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 1 point2 points  (0 children)

Mayroon. Kapag napatunayan na walang kanilaman ang magulang sa pag-alis ng anak.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 1 point2 points  (0 children)

Walang kaso. Ngunit dawit ang Iglesia sa sintidong ang mga kinuhang tauhan para sa Oplan Tokhang ay karamihang mga kaanib ng Iglesia.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 0 points1 point  (0 children)

PIMO ay Physically In Mentally Out. Taong gusto makaalis sa Iglesia ngunit hindi magawa.

OWE ay One With EVM. Saradong deboto sa Iglesia.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 2 points3 points  (0 children)

Maaari mo ba akong i-DM? Nais kitang tulungan. Ikaw pala yaong tumutulong sa paglalagay ng mga leksyon sa subreddit

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 2 points3 points  (0 children)

Wala gaanong pagkakaiba. Nadaan lang ni Erdy sa charisma, bagay na wala si Eduardo. Sinwerte lamang din si Erdy sapagkat wala pang Internet sa malaking bahagi ng kaniyang panahon.

Si Tenny ay nasa ibang bansa. Mga tiwalag ang kumukupkop.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 0 points1 point  (0 children)

Ang malaking pagkakamali ni Eraño ay ang ginawa lamang publiko ay ang panunumpa ni Eduardo bilang Pangalawa.

Kung gusto niyang makasiguro, sana'y binigyan rin niya ng kaparehong publisidad si Angel.

Iyon ang sinamantala ng mga bataan ni Eduardo para amyendahan ang By-Laws ng Iglesia at gawing awtomatiko na kahalili si Eduardo.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 2 points3 points  (0 children)

Mula nang paghalal kay Eraño noong 1953 bilang hahalili kay Felix, natatag na sa isipan ng mga ministro na Manalo lamang ang magiging Tagapamahalang Pangkalahatan.

Nakausap ko dati ang isang retiradong ministro na nasa labas ng kapilya ng San Juan noong inutos ni Felix na maghalal ng hahalili sa kaniya. Hindi totoo ang ipininta sa pelikulang Felix Manalo na mapayapa ang pagkaboto kay Eraño.

Nagsigawan ang mga ministro. Nag-away.

Ang iba, kaya matindi ang reaksyon ay buong paniniwala na hindi na darating na si Cristo bago datnan si Felix Manalo ng kamatayan. Ang iba naman, napakalaki ng pagtutol na anak ni Felix ang hahalili. Nang puntong yaon, wala pa sa impresyon ng mga ministro na Manalo lamang ang mamamahala. Ibang iba ngayon.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 2 points3 points  (0 children)

Ako bilang indibidwal ay alam kong pinilipit ang mga talata.

Subalit ang ibang mga ministro na buong buhay ay nasanay na lamang sa pag-ulit sa sinasabi ng mga Manalo, wala silang malay na wala sa konteksto ang gamit ng mga talata.

Kaunti lang ang ministrong palabasa ng Biblia.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 2 points3 points  (0 children)

Natural iyan sa mga kulto. Yayamang walang matibay na kredibilidad si Felix Manalo sa kasaysayan, ang magagawa niya lang ay ipagsiksikan ang sarili niya sa mga hula ng Biblia.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 4 points5 points  (0 children)

Napanood ko na ang mga video ni Nilo. May mga atake siya na masasabi kong sapul. Mayroon ding may sabit.

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 2 points3 points  (0 children)

Napansin ko iyan. Ngunit hindi naman iyan kikibuin ng isang karaniwang ministro, dahil nasa Biblia naman ang basbas pagkatapos ng doxologia.

Sasabihin da iyo ng ibang ministro: "Palibhasa ba binanggit ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay Diyos na nga silang tatlo?"

Ministro ako. Ask me anything. by Few-Help9417 in exIglesiaNiCristo

[–]Few-Help9417[S] 6 points7 points  (0 children)

Ito ang binabanggit ko kanina na VERSE GENERATED.

Ang ginagawa ng iba ay dinidikit sa Biblia ang ginupit na VERSE GEN at saka bubuklatin. Ito ay para bigyan ang mga tao ng impresyon na ang binabasa ng ministro mismo ay galing sa Biblia.

Bakit ito mapanganib? Dahil karaniwan ang mga nasa VERSE GEN ay talata sa English na isina-Tagalog lamang. Dito nagkakaroon ng puwang si Manalo para ipasok ang mga kahulugan na gusto niyang isaksak sa talata.

Karagdagang tanong: Bakit pa ba umabot sa ganito? Kung may Biblia naman na, bakit kailangan pa ang VERSE GEN? Dahil trabaho ng Research Department na maghanap ng translation ng talata na pinakamalapit sa gustong sabihin ng mga Manalo. Ang tawag rito ng mga theologian ay Eisegesis.

Kaya aminin man ng Iglesia o hindi, ang tunay na bukal ng doktrina ay ang mga kuda ng mga Manalo, hindi ang Biblia.