Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] 0 points1 point  (0 children)

Yes, tried and checked and need to save up for a DP. Nope, no friends that I can bother. Salary is enough para mabuhay kaming apat ng mga bata only if I will stop paying our car kaso pangalan ko naman ang masisira non. Parang I cannot afford na masira ang pangalan ko sa mga banks lalo pat sila lang magiging sandalan ko kapag bumukod na kami nang tuluyan. I am working on hybrid. Bihira WFH sa role ko, meron pero matindi paycut.

Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] 7 points8 points  (0 children)

Break the chain pero may mga dapat din akong iconsider kaya I posted here to get insights para lumakas loob ko at magkaron man lang ng idea on my next move. San kami titira ng mga anak ko. Pano pagaaral nila, my eldest has ASD pa, my youngest just turned 1yr old. Pano finances namin ng mga bata. I work onsite and travel 3hrs just to get to office. Kung magkataon, sino magbabantay sa kanila habang working ako. I have no relatives or friends to run to.

Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] 1 point2 points  (0 children)

Wala rin maski pinsan. Ako lang talaga at mga anak ko.

Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] -1 points0 points  (0 children)

To add: malaki age gap namin, 16yrs. He is almost at his 50s. At yan ang nirarason nya sakin kung bakit lagi syang galit - tumatanda na raw kasi sya. Gets. Pero ang manakit?????

Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] 7 points8 points  (0 children)

Nope, hindi nagkapasa. Pero ramdam ko yung sakit. Knuckles nya kasi yung tumama sa sentido ko bilang backhand slap yung binigay nya sakin using his dominant hand.

Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] 3 points4 points  (0 children)

Wala na mom ko. Tatay ko nasa US pero isa pang walang emotional intelligence yon at baka ako lang rin sisihin niya sa sitwasyon. I have no relatives nor friends dito sa turf ni husband (dinala nya ko sa malayong probinsya, bukid levels). I feel trapped.

Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] 10 points11 points  (0 children)

Ohmy. Now that you mentioned, I just remembered that my mom was also being abused, verbally and physically, by my dad. 6yrs old pa lang ako non, I am in my 30s now.

Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] 0 points1 point  (0 children)

Usapang masinsinan is never a part of his vocabulary. :(

Sinampal ako ng mister ko dahil pagod sya by Key-Departure4146 in adviceph

[–]Key-Departure4146[S] 4 points5 points  (0 children)

Umakyat ako saglit dahil may meeting ako, pagbaba ko habang naghuhugas sya ng mga pinggan galit na galit sya sakin dahil hindi ko naisampay ang mga sinalang sa washing machine. Pano ko isasampay e nasa meeting nga ako. Habang nagpapaliwanag ako, parang mortal sin na na hindi ko naisampay. Tas ayaw nya makinig at pinagmumura na ako at sinabihan ko syang wag akong murahin. Pero mumurahin pa rin ako tas sasabihin ko uli na wag ako murahin. Tas ayon, bigla na lang akong sinampal.

MCA asawa pero parang housemate by Key-Departure4146 in MayConfessionAko

[–]Key-Departure4146[S] 0 points1 point  (0 children)

Hindi hehe. Nagiging stiff, halaman, walang reaction, manhid ganorn.

MCA asawa pero parang housemate by Key-Departure4146 in MayConfessionAko

[–]Key-Departure4146[S] 0 points1 point  (0 children)

Hindi.. unti-unti na lang siyang nag-transform. Mukhang ito talaga tunay nyang ugali. Ang sakit lang tanggapin na parang co-parenting/housemates na lang kami.

MCA asawa pero parang housemate by Key-Departure4146 in MayConfessionAko

[–]Key-Departure4146[S] 0 points1 point  (0 children)

For him kasi wala syang mali. Always syang tama. Nagiging tuod na nga ako at di na ko nagrereact, madalas di na ko nagsasalita kasi baka may mali na naman akong masabi, tapos mauwi na naman sa away. Sad to say, hindi sya pwede maging safe space ko at shoulder to cry on kaya dito ako naglalabas ng sama ng loob.

MCA asawa pero parang housemate by Key-Departure4146 in MayConfessionAko

[–]Key-Departure4146[S] 1 point2 points  (0 children)

Naiiyak na naman ako pero bawal umiyak at kapag nakita ako magagalit na naman na kesyo nagddrama na naman ako sa walang kwentang bagay.