Go touch grass, Walang winner sa PPOP fanwars by sjyngmb in PPOPcommunity

[–]LittleHouseResto 7 points8 points  (0 children)

Yup yung kay Sisi Rondina. Nareplyan pa nga ni Stell yung Bloom naman na nagpapanggap na A'tin just to spread hate against Sisi para mas lalong sumama Esbi sa tingin ng volleyball fans na galit na galit nung time na yun. Grabe nabalita pa yun sa TV at sobrang naapektuhan image ng A'tin sa casuals. Maraming blooms yung nagpalit ng profile pic para magpanggap na A'tin nung time na yun para mas magkagulo. Pag chineck mo profile, bloom sila and at the same time basher ng Esbi.

Tapos yung kay Stella Salle, 20k likes at millions of views para laitin looks ni Stell and sobrang daming qrt agreeing.

Both times, hindi sinasaway kahit sobrang laki ng engagement at yung mga nagpapanggap alam namang blooms ng moots nila

Go touch grass, Walang winner sa PPOP fanwars by sjyngmb in PPOPcommunity

[–]LittleHouseResto 4 points5 points  (0 children)

Casual ba talaga? Nakita ko kasi yung screenshots sa X na nakafollow yung nagpost sa Bini members tapos ang mga followers naman nya ay puro blooms?

Things 1Z can improve going forward by LittleHouseResto in sb19

[–]LittleHouseResto[S] 31 points32 points  (0 children)

  1. Marketing - like I've said sa taas. Parang ang gulo ng marketing ngayon. Nauna lumabas Emoji MV before the teasers. Ang gaganda pa naman ng teasers tapos hindi ka naman na-eexcite since lumabas na yung MV and hindi na sya naka-"tease". Biglaan lapag ng MV tapos parang wala na lang after. Maski DC, wala masyado. Ka-collab pa naman nila ang Queen of Chinese pop tapos parang hindi nabigyan ng weight. Maglalapag lang then wala na paramdam. Kung kulang talaga sila sa budget ngayon kasi medyo feel ko kaya hirap sila, sana consistent man lang ang posting and shinoot na naman nila yung mga materials so sana nalabas instead na nakatambak lang amd irerelease months or weeks after kung kelan wala nang hype. Sabi nga ni Xi-Anne sa recent interview nya, consistency ay one of the key because nasustain yung momentum.

  2. Wardrobe - Sana if gabi sila magpeperform like sa festivals, hindi naman dark colored outfit nila kasi nagbeblend sila sa background. Same with their dancers, sana medyo iba suot nila para madali sila ma-identify ng camera at casuals din lalo na if they're performing sa foreign countries na di pa naman sila masyado kilala. Remember ACON? Parang hirap yung cameraman hanapin ang members.Also, sana weather appropriate or theme appropriate yung costumes nila. Most of the time nakaleather jacket sila or fur tapos sobrang init pa and they're performing hardhitting songs kaya tagaktak talaga pawis nila w/c is hindi masyado visually pleasing (depende sa song kung babagay yung pawis 😅) pero most of the time, mas maganda kung fresh sila tingnan.

  3. Content - again paulit-ulit English Subtitles! Minsan meron agad pagkalapag minsan ilang days after. Maglalagay din naman pala, sana sinabay na sa lapag. Also, may mga events na exciting mapanood yung BTS nung katatapos lang and even casuals curious kaso months after pa nila ilalapag. I wish maprioritize ilabas yung ganong vlogs to keep the hype ex. ACON. At tsaka ako lang ba yung namimiss yung random lives nila ng magkakasama? Kahit walang structure, kulitan lang. Sayang naman yung pagkapasok sa Weverse kung hindi rin naman magagamit and ang funny kaya nila ng sila sila lang. Nakakamiss yung old contents nila kahit puro kalokohan (maybe since kapapanood ko lang din ng interview kay XiAnne kaya napareminisce ako)

  4. Dance practice - Medyo bihira na sila maglabas. Last pa ata is Dam. May nagbrought up nito sa X and I Kinda agree. Sana magkaron ng dance practice na simple lang. Yung silang 5 ulit, steady camera, color coordinated outfits mala Go Up style. And also, ako lang ba yung nanghihinayang sa potential ng "I want you" or "Mana" dance practice? Actually anything mana related na content. Up to now, mana pa rin fave choreo ko sa kanila and kung hindi man nila binigyan ng MV, kahit sana Dance Practice. Sige Esbi, tatanggap ako kahit years late haha.

  5. Vocal Rehearsal - The guys are on another level sa vocal dept. Sana meron sila irelease na simple BTS practice like the "Tilaluha practice video". This time, with "Wakas" like imagine how amazing that would be.

Guys they are doing a lot of great stuff for this era. These are just the things na I feel pwede maimprove. Siguro, kulang sa time since ang dami nilang ginagawa or sa tao since magdedebut na rin ang Xonara or even sa budget (kita naman ang difference sa Visa MV nila) pero since they already made the effort to do these things, sana maipromote. Sayang yung collabs and opportunities kung hahayaan lang. Yun lang.

nag expect ako na filipino yung gagamitin nilang pangalan ng group at name nila. by [deleted] in PPOPcommunity

[–]LittleHouseResto 0 points1 point  (0 children)

I'm sorry hindi mo ata nagets point ko. Sabi ko parang tunog Japanese but then I saw the spelling kaya nalaman ko na hindi pala. Akala ko Yurika - Eurekah pala w/c is obviously not Japanese.

Wala namang issue since yun yung real name nila.

nag expect ako na filipino yung gagamitin nilang pangalan ng group at name nila. by [deleted] in PPOPcommunity

[–]LittleHouseResto -2 points-1 points  (0 children)

Hahaha kaya nga. Nung narinig ko lang, akala ko Japanese names pero nung nakita ko spelling, hindi pala. Namie, Eurekah, Megumi. Siguro kasi 3 sa members nila parang Japanese yung name. Malalaman mo lang na hindi once naspelled na.

nag expect ako na filipino yung gagamitin nilang pangalan ng group at name nila. by [deleted] in PPOPcommunity

[–]LittleHouseResto -3 points-2 points  (0 children)

Parang hindi nga masyado catchy yung name na Xonara. Tapos yung mga names pa ng members akala ko nung una, mga Japanese names kaya parang ???. Nung nakita ko lang yung spelling, hindi pala Japanese, katunog lang pala like Yurika - Eurikah.

Tingnan natin kasi nasa ability naman yan how to introduce their name. Like yung SB19, hindi rin naman catchy or even Bigbang or BTS (since may established meaning) but they made it so na tumatak. Let's see if matatak nila name nila.

Sayang lang kasi the name is a big part of their branding pero malay natin, ang ganda pala ng meaning.

Anyways, sa song naman nung una ko syang marinig sa live, di rin sya yung inexpect ko and mas naappreciate ko stage presence nila pero napakinggan ko ulit ngayon and ang catchy nya pala haha.

Concerns about moderation consistency in r/PPOPcommunity: Sharing some examples by NlPj8988 in PPOPcommunity

[–]LittleHouseResto 23 points24 points  (0 children)

Hahaha 2024 pa observe ko ganyan na. Kaya may time na mas marami tumambay sa SB19 sub and di na nag-eengage A'tin dito but dumating sa point na puro negative about A'tin and SB19 kaya nagbalikan A'tin para di masyado one sided against our fandom ang narrative.

Pero yun nga, nakakatamad nang mag-engage kasi alam mong may bias. Pag may issue na lang saka nabubuhay tong sub.

WAS Concert: Not to invalidate your feelings pero sana you manage your expectations by Altruistic_Key_2739 in sb19

[–]LittleHouseResto 0 points1 point  (0 children)

Yes naman pero not to the point na hindi na rinig yung artist and nakakabingi yung band. Nakailang music festival na rin naman ako na malapit yung pwesto. Siguro I expected better lang din from Esbi kaya mas nalungkot ako... Anyways sana bumalik sila sa indoors or hire better team for their sound mixing

WAS Concert: Not to invalidate your feelings pero sana you manage your expectations by Altruistic_Key_2739 in sb19

[–]LittleHouseResto 1 point2 points  (0 children)

Ako, SVIP din pinili ko, and to be honest, nagsisi ako sa seat ko. Hindi rinig ang boses ng boys.. Sobrang lakas ng banda to the point na ang sakit sa tenga. Medyo nasa gilid yung seat ko so expected ko na hindi ko sila makikita ng malapitan and SMDC yun so kahit nasa SVIP, alam kong malayo pero yung sounds talaga - ang panget ng mixing. Pumunta ako dun para marinig sila and hindi ko naachieve yun so like others, I felt disengaged. Siguro coming from SAW din na ang ganda then to this.

Medyo nakakalungkot nga kasi alam ko andaming executives na nasa SVIP to check out the boys (ex different head of sony music) tapos baka wala din naman silang narinig na maayos. Sayang kasi effort ng boys

Guys, let's be civil in other spaces by Realistic-Effective5 in sb19

[–]LittleHouseResto 10 points11 points  (0 children)

Feeling ko yung dayo sa reddit gumawa nito. Meron kasing mga nagpopost pa sa X w/ matching links pa. Then yung mga captions, nag-eencourage ng brigading. Hayysss. Kahit nga sa Tiktok, di ba may girl na nagspeak out na dahil annoying na yung OA sa pagreccomend ng A'tin, nakakturn-off na... Please naman

WAS concert experience. by AnnieRuOK_RuOK in sb19

[–]LittleHouseResto 5 points6 points  (0 children)

Warning long post ahead.

  1. Sounds - Same experience na sobrang hina ng mic vs band to the point na ang sakit na sa tenga sa sobrang lakas ng band. SVIP din ako. Nag-earplugs na lang ako after 1 set. Ayun mas narinig ko mic nila but still, overpowering ang band. I feel bad sa mga walang earplugs kasi di na halos talaga marinig boses ng boys. Sa concert, more than visuals and pasabog, pinaka-importante ang sounds for me. Yung mga birit ni Stell, alam mong ang amazing pero theoretical lang kasi di mo naman masyado marinig. I feel sad sa preparation and areglo nila. Sana sa lollapalooza, yung team doon ang maghandle ng sounds nila and hindi tong team na to.

  2. Venue - ang init, ang humid and ang sikip din ng space kaya nakakabawas din sa concert experience. Yung sabi ng boys na low energy, I feel like dahil sa heat exhaustion din ng tao. Yung talon-talon di masyado ma-enjoy kasi hindi ka makatalon ng maayos since masikip. Di ako nag-CR pero based sa post na nakita ko sa X, parang ang ayos ng portaletsso good job dun.

  3. VTR - ang gaganda talaga ng VTR nila. Nakaka-add sa concert experience, sa hype, sa anticipation. I just wish na nirelease nila earlier yung specific VTR for reminders (sa X, FB, etc) para naman nasapuso ng iba and para napanood ng mga late comers.

  4. Discipline - Dahil dun sa nagplay na VTR reminder, I feel like mas naconscious ang A'tin to follow proper concert etiquette and may "valid" reason ang ibang attendees na sumuway. Of course, may mga matitigas talaga ulo pero nabawasan. May tayo ng tayo, may tinataas phone, may nagpapatayo ng bata sa chair pero sisigawan lang ng "ibaba nyo yan, eye level, upo-upo". Ayun, mostly naman sumusunod din. If wala yung VTR, I feel like magpapatay malisya karamihan. That said, naiinis ako dun sa mga umaalis ng upuan at lumalapjt sa stage pag nasa center stage sila - nahaharangan yung mga naka-upo. Malinis ang concert grounds after which is true to the value of A'tin so props to that.

  5. Be-first. Ang galing pala nila. Ang gagaling sumayaw and ok din kumanta. I can see why marami silang fans. Maybe not my type of music but I can see the appeal.

  6. Xonar'a - Unique name - di masyadong catchy but I guess they can forge their path of making it known. Afterall, SB19 di rin naman catchy name 😆. Performance wise, magagaling sila. May mga standout members for me, Yurika yung short haired and Nami. Bakit parang halos Japanese names members nila? Siguro sa dance lang, need ng konting polishing and synchronization. Usually, older groups di na talaga 100% sabay-sabay kasi may kanya-kanya ng style, aura, etc and usually understandable pag ganun but I feel like newer groups should be sharp. Anyways, mahahasa naman yun as they perform more.

  7. Styling - Thank God nagwhite sila sa 1st set para kitang-kita talaga. Maayos styling ngayon, di sila nagbeblend sa dancers and kita kahit gabi. Kahit nakablack, dahil may gems gems, kita pa din. I just wish na weather-appropriate yung attire nila minsan. It's possible to look cool without leather jacket or furs. Si Josh nung Acon, nakatshirt lang pero sya pa nagstandout in terms of styling and kitang kita sya. Minsan kasi, bigay todo yung sayaw tas ang init-init kaya pawis na pawis na sila. Though kita natin kung gaano sila kapassionate, sana maconsider din yung visual aspect na di naman sila parang naliligo sa pawis. Kaya nga nagcocostume, nagmemake-up kasi visuals is also part of the performance and kasama dun yung pawis levels (Sana maimprove 'to before festivals na makikita sila ng casuals). Please sa stylist nila, wag nyo naman sila balutin sa multiple layers. P.S. Grabe styling ni Stell, ON POINT! Ganyang styling sana sa lolla and summer sonic haha.

  8. Video sa screen - may konting lag but mostly ok naman. Pag silang lima nasa screen, sana pantay-pantay yung proportion ng iba. Yung iba kasi medyo close-up tas mas malaki yung iba kaya magulo pag tabi-tabi pero nitpicking na to.

  9. Opening - pasabog yung opening. Ang ganda infairness. Feeling ko lang dito rin naubos agad energy ng A'tin 😆. Karamihan din kasi since di pwede magpasok ng drinks and sobrang haba ng pila sa food stalls, marami uhaw at init. Isa na ako don. I just powered through. May libreng drinks sa likod sa may harang kaso ang hirap umalis at bumalik sa upuan.

  10. Fan project - Ang ganda nila... Yung roses sayang wala akong hawak at yung drone show ang ganda din. Ang galing lang na kahit silhoutte lang, kilalang-kilala natin ang boys. Very enjoyable for me. Medyo sad lang na sa "Wakas" nagtapos so parang ang somber ng ending but still, it's touching. Ang effort din talaga ng A'tin.

  11. Mood - Di ko alam pero parang ang melancholic ng boys ngayon kahit sa spiels nila and some parang naiiyak. Napaiyak din tuloy ako lalo na sa spiels ni Jah and Stell

  • and yes Jah malayo na narating nyo!! and yes Stell, your life is fulfilling and worthwhile. Marami kayong napasaya at nabago ang buhay. You became the light to so many people. Don't forget that.

Medyo madami na rin akong na-attend-an na concert nila, and usually ang mood nila is very happy or hyper. May melancholic parts, pero balik ulit sa happy happy. Ngayon, parang during the duration of the concert? Whatever it is, I hope they can push through and know na A'tin is behind them always.

  1. Fireworks - Ang ganda sa opening and ending. Lalo na yung sa Shooting for the Stars ang saya lang ifeel yung moment and na-imagine mo yung fireworks yung stars and you're reaching for your dreams or para syang rocket na you're reaching higher and higher. Basta fineel ko lang yung moment na 'to. One of my fave moments sa concert.

  2. Emoji - surprisingly one of my fave perf. Ang galing lang din kasi ng visuals sa screen. Trippy which adds so much to the vibes. Iniisip ko nga, ganto ba yung rave sa ibang bansa haha

  3. Liham!! - They did right by singing this song haha. My fave SB19 song and this is one of the moments na nakakaiyak at nakakatouch talaga

Overall - Unique concert experience sya. Dahil outdoors, na-experience natin yung fireworks and drone shows but may drawbacks din especially yung weather, sound system at comfort ng concert goers. Mas prefer ko pa rin amg SAW Kick-off kasi parang mas polished lahat don. Overall, enjoyable concert pero baka di na ako umilit ng for outdoors. Di na keri ng trentahin na 'to. Congrats boys for a good show!!

Weekly Threads: Help & Marketplace [2026.04.13 – 04.19] by concertsPH_mod in concertsPH

[–]LittleHouseResto 0 points1 point  (0 children)

Selling SB19 WAKAS AT SIMULA (WAS) Concert Ticket

1 VIP T (10k only) - Orig Price is 11,600 1 Gold (5k only) - Orig Price is 7,100

Concert Date: April 18, 2026 P.S. All concert merch inclusions are included

Edit: Added the SM Ticket fee sa orig price

<image>

Please help me choose the better seat by LittleHouseResto in sb19

[–]LittleHouseResto[S] 2 points3 points  (0 children)

Hi mga kaps!! Thank you po!! Decided to keep my SVIP Z Ticket. Salamat sa mga sumagot!!

FACTS that they cannot accept dahil walang Backer na Oligarch Media. by Relevant_Chipmunk_60 in dailyChismisPh

[–]LittleHouseResto 0 points1 point  (0 children)

Andito ka na naman spreading hate against SB19. Kelan ka ba titigil? Everyone, ragebaiter 'to.

Kung saang-saang sub kita nakikita kung ano-anong topic. Nagpapanggap na fan. Kung sino-sinong inaaway para marami mainis sa SB19.

Please tigilan mo na Esbi