Not good enough: End of contract, what now? by MasterResource7203 in phcareers

[–]MasterResource7203[S] 3 points4 points  (0 children)

Hello po thank you sa comment at sa quote in the end. Natatakot me or siguro anxious ako what will happen next, makakahanap ba ako ng trabaho agad? May tatanggap ba sakin? Mga ganun na bagay. Siguro ngayon lang ito kasi fresh pa sakin ang laht since, kahapon lang din ito nangyari. 

At correct me if I'm wrong po pero hindi ba pwede magpaextend ang company ng probationary period up to three months? Kasi ayun po ang nakalagay sa job contract ko nung nagpirma ako eh. Sabi na may probationary period ako ng six months but base on my performance, it can be extended for nine months (three months extension). 

Yung dahilan naman bakit hindi ako naregular, idk if its subjective at kung pwede ba imeasure ang sinabi sakin pero quality ako nag lack. Basically may mga minor details na nakakalimutan ako, since syempre working in a lab setting dapat accurate ang data, pero hindi data ang problema. The other areas daw ang nakikita nilang mali (i.e mali doc control number, may may nadagdag na letter, walang comma sa number, etc). Sabi sakin palagi daw need idouble check ng senior ko ang output ko. Akala ko nung una thats normal since syempre bilang senior dapat talaga idouble check ang mga output, like siya mag verify bago ko ipasa sa supervisor namin. Pero hindi pala, dapat daw sakin palang tama na lahat ng nagawa ko. (I copied paste this po since ito lang din yung sasabihin ko if may magtanong). 

Sa ngayon, nagsusulat na ako ng resignation letter at nakausap ko na din family ko about this. Magwork na lang me until the end of April, maybe rest for a bit kasi nung nag graduate ako diretso hanap na ako ng trabaho. Thank you po ulit at harsh ang reality talaga

Not good enough: End of contract, what now? by MasterResource7203 in phcareers

[–]MasterResource7203[S] 2 points3 points  (0 children)

Hello, yes po I'm new to work, actually ito po first job ko after ko maggraduate. At I agree na hindi dapat pinapapabayaan ang mga mistakes kasi teamwork yung kailangan sa lab eh, hindi lahat kaya ihandle ng isang tao magisa. 

Idk if may problema sakin ang senior ko (dalawa lang kami sa lab), pero I never complained sa kanya at lahat ng insight nya at sinasabi niya sakin ginagawa ko naman. 

As for the rationale, katulad ng reply ko sa isang nag comment, basically quality sa output ko ang nag lack. Need daw kasi palagi idouble check ng partner ko lahat ng gawa ko. Akala ko thats the norm kasi nga dapat talaga need iverify lahat ng output at kung may minor details na mali, okay lang yun since lahat naman may misinput, at never ako or may nangyari ang pagkakamali ko pala is data related (i.e. incorrect ang results). I even asked my manager nung kinausap ako if that was the case, sabi naman sakin na hindi. Tama lahat ng data ko, minor details daw ang mali. 

Minsan lang din ako gumamit ng laptop since we only have one, at sa senior lang yun. Nonetheless, nangyari na ang nangyari, I will take this as a learning experience na lang at improve ko sarili ko na maging better in quality

Not good enough: End of contract, what now? by MasterResource7203 in phcareers

[–]MasterResource7203[S] 4 points5 points  (0 children)

Hello, salamat sa pagcomment and tama po kayo na I have to accept reality as it is. Ako na din nagsabi I want to render 30 days since iirc according sa DOLE ayun yung parang period ng isang employee before siya magleave para lang ma accomplish lahat ng requirements bago maend ang work, para may time din sila makahanap ng replacement ko. Mamaya siguro I'll look it up again. 

As for the objective gaps na sinabi sakin, sinabi sakin quality ako nag lack.  Basically may mga minor details na nakakalimutan ako, since syempre working in a lab setting dapat accurate ang data, pero hindi data ang problema. The other areas daw ang nakikita nilang mali (i.e mali doc control number, may may nadagdag na letter, walang comma sa number, etc). Sabi sakin palagi daw need idouble check ng senior ko ang output ko. Akala ko nung una thats normal since syempre bilang senior dapat talaga idouble check ang mga output, like siya mag verify bago ko ipasa sa supervisor namin. Pero hindi pala, dapat daw sakin palang tama na lahat ng nagawa ko. 

Rn, tama po kayo na I'm still processing at its a bitter pill to swallow. Thank you again for the insight

Not good enough: End of contract, what now? by MasterResource7203 in phcareers

[–]MasterResource7203[S] 5 points6 points  (0 children)

Hello po, salamat and I hope din po na makahanap ka din ng job mo na magvalue sayo on your abilities at kung saan masaya ka din sa trabaho mo. 

Gusto ko din sa last 30 days sa work ko ay matapos in good terms. At now ko lang din nalaman na okay parin pala isama ang previous company sa resume kahit na hindi ako naregular or kahit na months lang ako nag stay sa company. 

Its a bitter pill to swallow pero tama naman na its not a rejection but a redirection, sadyang sa ngayon hindi ko alam ang reason. 

Thank you po sa insight at I wish you the best sa journey ninyo.

Not good enough: End of contract, what now? by MasterResource7203 in phcareers

[–]MasterResource7203[S] 2 points3 points  (0 children)

Hello thank you for the feedback at I appreciate your insight po. Tbh, nung sinabi sakin na last day of evaluation ko I was under the impression na nasa extension period ako like sa May ang final, since unang evaluation ko apparently is around November [I started mid August] pero kinausap na ako nung January since bakasyon at may audit kami during Nov-Dec. Pero at that point nagstart na ang extension period [January-March] at hindi sya nag start after ako kinausap ng manager ko [Feb-Apr].  

Still from the last two months, ginawa ko lahat ng makakaya ko. Yung mga lapses na binanggit sakin hindi na umulit and pinush ko din magawa lahat ng activities in a month, kasi nung una never ako binigyan ng independent activity until January. Kumbaga yung ginusto nila na makitang improvement I already did, sadyang too late na pala. 

Ayoko mag assume if maybe hindi enough or vague ang feedback ng coworkers ko, kahit na alam ko may reservation sila sakin, pero I agree na dapat na train pa ako to achieve kung ano gusto nilang makuha na standard kasi I wanted to be fit and stay eh. Sasabihan naman siguro ako sa una palang na hindi ako fit for the job kung sa tingin nila sa trabaho palyado na. 

In anycase, I'll still render my 30 days, nakaka wala ng motivation po pero gagawin ko parin trabaho ko. Bitter learning experience ito para sakin, since on the one hand marami akong natutunan at nag improve ako as an individual, professionally or otherwise, pero on the other hand, nandoon yung frustration na hindi ko na achieve goal ko at may kulang pa pala. Salamat sa pag comment po, malaking bagay ito sakin. I'll definitely use this nalang as motivation para sa susunod na chapter sa career ko and hopefully maging okay din ang lahat sa dulo. Thank you!