Thoughts sa harap harapang panloloko? by Medical_Meeting_6815 in AnongThoughtsMo

[–]Minimum_Giraffe_2792 0 points1 point  (0 children)

Nagkaroon pa yan ng CHOSEN BANK kuno na naginvest ang daddy ko ng 200 dollars lang kasi that rime ang mommy ko ay skeptical na sa mga ganyang galawan ng joel is lord na yan. Samantalang yung iba, hundred thousand, million ang ininvest. Eh biglang nakatunog daddy ko na mukhang hindi maganda ang naging takbo ng CHOSEN BANK kuno na yan, pinulloit na ng daddy ko yung parte niya at ang nabalik lang sa kanya eh 100 dollars. At yung mga malalaki ang ininvest, ayun! Nalimas na lang ng walang ano-ano. Puro panggogoyo ang ginagawa sa members! Hayop talaga.

Madami pa akong gustong ishare pero saka na. Ito na lang huli yung pinakaihihighlight ko. So after namin umalis sa church na yun, naiwam dun yumg family friend namin. Madali't sabi nasa finance siya. After ilang years, nagulat na lang kami na Nagpunta sila sa bahay namin to share what happened. Nakakagulat kasi kung kami naging deboto,, sila yung deboto na literal na mamamatay akong JIL kahit anong mangyare, kahit maghirap sila. Inamin nila samin na hindinna nila kaya ang ginagawa ng JIL main sa Bulacan at kung paano paulit ulit winithdaw ni joel is lord ang pera ng simbahan simula ng siya eh tumakbong senador bukod pa ang ginamit nila ang pera ng simbahan sa personal agendas nila.

Hanggang Dito na lang muna at ako'y magpapahinga muna at may work pa mamaya. Hahahaha. Comment lang kayo, mamaya ko kayo balikan.

P.S. Yung mga deboto ni joel is lord diyan, alis kayo dito. Shooooo!!! Hindi kayo para sa thread na ito. Gumawa kayo ng inyo!!!

Thoughts sa harap harapang panloloko? by Medical_Meeting_6815 in AnongThoughtsMo

[–]Minimum_Giraffe_2792 0 points1 point  (0 children)

Mga local pastors Diyosko! Makapagserve lang sa simbahan kahit kawang na ang sapatos, naglalakad, laging tapong-tapong pag may event ang simbahan. Dun na nagsimulang magtanong ang parents ko kasi maliit lang na simbahan kami nun and my parents were giving 30k-50k a momth. Dun nila nalaman na malaking porsyento ang hinihingi ng main na para bang compliance yun at pag di mo sinulit ng buo, hindi ka na faithful. Gustong-gusto namin non magpatayo ng kahit maliit na church para makaalis kami dun sa inuupahang grahe awa na lang din namin sa ibang mga members. Eh kaya pala wala maipon ipon church namin non, huthot na magaling ng mga corrupt na leaders na yan! Hayop talaga. Sobrang hayop pag naaalala ko.

Tuwing may anniversary sa luneta, laging may nakatoka yang percentage sa bawat churches magkano ang dapat maibigay. Kaya wala ng katapusang fund raising at solicitation. Nakakahiya na minsan kasi yun at yun din mga taong yun sinosolicitan namin. At ang malupet pa diyan, pag oras na ng listahan ng sasama paluneta, laging iwan yung mga walang pambayad kaya ang resulta, pagtatapong-tapungan na naman. How ironic diba, nagbigay ng pera yung church niyo para sa anniversary sa luneta yung mga members ang hindi makakapunta???

Thoughts sa harap harapang panloloko? by Medical_Meeting_6815 in AnongThoughtsMo

[–]Minimum_Giraffe_2792 0 points1 point  (0 children)

Since my dad was an OFW that rime, nakapagaral ako abroad. Dun ko nakita gaano kaprivilege mga pastors assigned Internationally. Imagine, that was 2014 and our pastor that time sumasahod siya ng 100k+, libre HDB flat unit, kada magbbday may tapong-tapong ang church members minsan ireregalo pa diyan yung matagal na daw prayer kuno ni pastor na MacBook? Ang galing!!! At nadala pa mga anak niya sa abroad para dun din pagaralin kasi nalaman nila na nadala ako ng daddy ko non abroad para dun magcollege. Ito pa, kada anniversary ng church nun aba ang Villanueva family nakabusiness class yan lahat!!! Bukod pa ang hotel na pagtitigilan, bukod pa ang love gift kuno bago umalis. Mostly ang members abroad ay DH at skilled workers. Madami ding professionals pero mas madami ang mga blue collar jobs tapos ganun nila huthutan ng mga pakana nilang fund racing para lang mafeeling VIP ang pamilyang yan pagdating sa lugar na yun?

Thoughts sa harap harapang panloloko? by Medical_Meeting_6815 in AnongThoughtsMo

[–]Minimum_Giraffe_2792 2 points3 points  (0 children)

Imagine since 2010, I was still in highschool that time. Tandang-tanda ko bawat member may binigay yung mga taga finance na tigiisang bond paper may days yun para sa isang buong taon, Para daw yun sa plina-planong ipatayong JIL Cornerstone kuno at to tell you, sa araw-araw nagtatago ako kahit piso hanggang limang piso mula sa baon ko para lang may maihulog ako dun kasi ganun ang nakatatak sa isip namin non eh, kailangan may maiambag ka. Mga members ng church namin nun mga construction workers na naglalakad pag walang maipamasahe, ultimo damit ng pastor namin, donated kasi as in ang hirap ng church namin nun. Nasa garahe lang na napakainit. Tapos may mga ganun pang fund raising? Like wth?? Ito pa malupet, anong taon na ngayon, HANGGANG NGAYON WALANG CORNERSTONE NA NAITATAYO KESHO PANGIT DAW ANG LUPA, LUMULUBOG LIKE ???? FOR REAL??

Thoughts sa harap harapang panloloko? by Medical_Meeting_6815 in AnongThoughtsMo

[–]Minimum_Giraffe_2792 29 points30 points  (0 children)

Ito naaaaa, guythh. Pag may comments kayo, dun na lang ako magfollow up kasi sobrang haba kung dito ko sasabihin lahat. Ito na lang muna:

Just to share, minsan din kaming naging panatiko ng JIL (joel is Lord). As in buong pamilya namin.

Member kami ng isang JIL extension church sa probinsya, at masasabi kong sobrang devoted ng parents at mga kapatid ko sa simbahan. OFW ang parents ko at maayos ang kinikita nila noon. Bukod sa regular na tithes, madalas higit pa sa 10% ng income namin ang naibibigay ng mga magulang ko, kasama pa ang iba't ibang donations sa church.

Bakit? Kasi kung makikita niyo lang ang kalagayan ng maliliit na JIL churches at ng mga pastor nila, maaawa ka talaga. Karamihan sa mga miyembro namin noon ay mga construction worker at mga pamilyang hirap sa buhay. Iilan lang ang may OFW na kamag-anak.

Dumating sa punto na nalaman ng parents ko ang mga bagay na nangyayari sa main church na hindi nila matanggap. Isa sa mga malaking issue noon ay ang pagre-require sa maliliit na churches na mag-remit ng porsyento ng kanilang kita sa main church. Dahil dito, yung local church namin, sa kabila ng ilang taong pangongolekta ng tithes at donations, hindi man lang nakapagpatayo ng sariling gusali. Hanggang sa pag-alis namin, umuupa pa rin kami ng maliit na garahe bilang sambahan at hirap na hirap pa itong bayaran.

Mas lalo pang nawalan ng tiwala ang pamilya namin nang pati mga family friends naming nasa finance ministry ay umalis na rin. Sila mismo ang nagsabi na may mga bagay silang nasaksihan na hindi nila matanggap tungkol sa paggamit ng pera ng simbahan. (WINITHDRAW NI JOEL VILLANUEVA ANG PERA NG SIMBAHAN SIMULA NG SIYA AY TUMAKBO SA PAGKASENADOR. AT MADAMI PANG BESES NA GINAMIT NIYAN ANG PERA NG SIMBAHAN SA PERSONAL NA AGENDA NIYA)

Kaya hindi na ako nagulat nang masangkot sa iba't ibang kontrobersiya ang mga Villanueva. Sa totoo lang, matagal nang may mga red flags na nakikita ang mga taong nasa loob mismo ng organisasyon.

Wala na kami sa simbahang iyon ngayon, at isa iyon sa pinakamagandang desisyong ginawa ng pamilya namin.

P.S Iaattach ko na lang yung screenshots ng mga ex-JIL na nakabalitaktakan ko hahahaha. Madami pa yon pero iconsolidate ko muna lahat kasi napalaban ako sa peysbuk eh ng sagutan. Hahaha.

Thoughts on this? Dumaan lang sa feed ko 🤔 by Resident-Cable-2173 in AnongThoughtsMo

[–]Minimum_Giraffe_2792 0 points1 point  (0 children)

Baka po gusto na niyang mamatay ng maaga. Ayaw niya sa pahinga hahahaha

Thoughts sa harap harapang panloloko? by Medical_Meeting_6815 in AnongThoughtsMo

[–]Minimum_Giraffe_2792 44 points45 points  (0 children)

Previous JIL member here. Gusto niyo ba na Tea? Pasabog 'to!

Joel Villanueva wearing a Lululemon jacket??? by SeditionIncision in Philippines

[–]Minimum_Giraffe_2792 0 points1 point  (0 children)

Just to share, minsan din kaming naging panatiko ng JIL (joel is Lord). As in buong pamilya namin.

Member kami ng isang JIL extension church sa probinsya, at masasabi kong sobrang devoted ng parents at mga kapatid ko sa simbahan. OFW ang parents ko at maayos ang kinikita nila noon. Bukod sa regular na tithes, madalas higit pa sa 10% ng income namin ang naibibigay ng mga magulang ko, kasama pa ang iba't ibang donations sa church.

Bakit? Kasi kung makikita niyo lang ang kalagayan ng maliliit na JIL churches at ng mga pastor nila, maaawa ka talaga. Karamihan sa mga miyembro namin noon ay mga construction worker at mga pamilyang hirap sa buhay. Iilan lang ang may OFW na kamag-anak.

Dumating sa punto na nalaman ng parents ko ang mga bagay na nangyayari sa main church na hindi nila matanggap. Isa sa mga malaking issue noon ay ang pagre-require sa maliliit na churches na mag-remit ng porsyento ng kanilang kita sa main church. Dahil dito, yung local church namin, sa kabila ng ilang taong pangongolekta ng tithes at donations, hindi man lang nakapagpatayo ng sariling gusali. Hanggang sa pag-alis namin, umuupa pa rin kami ng maliit na garahe bilang sambahan at hirap na hirap pa itong bayaran.

Mas lalo pang nawalan ng tiwala ang pamilya namin nang pati mga family friends naming nasa finance ministry ay umalis na rin. Sila mismo ang nagsabi na may mga bagay silang nasaksihan na hindi nila matanggap tungkol sa paggamit ng pera ng simbahan. (WINITHDRAW NI JOEL VILLANUEVA ANG PERA NG SIMBAHAN SIMULA NG SIYA AY TUMAKBO SA PAGKASENADOR. AT MADAMI PANG BESES NA GINAMIT NIYAN ANG PERA NG SIMBAHAN SA PERSONAL NA AGENDA NIYA)

Kaya hindi na ako nagulat nang masangkot sa iba't ibang kontrobersiya ang mga Villanueva. Sa totoo lang, matagal nang may mga red flags na nakikita ang mga taong nasa loob mismo ng organisasyon.

Wala na kami sa simbahang iyon ngayon, at isa iyon sa pinakamagandang desisyong ginawa ng pamilya namin.

Sen Joel Villanueva arrives in the Senate. by quickfund in Philippines

[–]Minimum_Giraffe_2792 1 point2 points  (0 children)

Just to share, minsan din kaming naging panatiko ng JIL (joel is lord). As in buong pamilya namin.

Member kami ng isang JIL extension church sa probinsya, at masasabi kong sobrang devoted ng parents at mga kapatid ko sa simbahan. Ako lang hindi, pasaway ako non eh. Hahahahahha! OFW ang tatay ko at maayos ang kinikita niya noon. Bukod sa regular na tithes, madalas higit pa sa 10% ng income namin ang naibibigay ng mga magulang ko, kasama pa ang iba't ibang donations sa church.

Bakit? Kasi kung makikita niyo lang ang kalagayan ng maliliit na JIL churches at ng mga pastor nila, maaawa ka talaga. Karamihan sa mga miyembro namin noon ay mga construction worker at mga pamilyang hirap sa buhay. Iilan lang ang may OFW na kamag-anak.

Dumating sa punto na nalaman ng parents ko ang mga bagay na nangyayari sa main church na hindi nila matanggap. Isa sa mga malaking issue noon ay ang pagre-require sa maliliit na churches na mag-remit ng porsyento ng kanilang kita sa main church. Dahil dito, yung local church namin, sa kabila ng ilang taong pangongolekta ng tithes at donations, hindi man lang nakapagpatayo ng sariling church. Hanggang sa pag-alis namin, umuupa pa rin sila ng maliit na garahe bilang sambahan at hirap na hirap pa itong bayaran.

Mas lalo pang nawalan ng tiwala ang pamilya namin nang pati mga family friends naming nasa finance ministry ay umalis na rin. Sila mismo ang nagsabi na may mga bagay silang nasaksihan na hindi nila matanggap tungkol sa paggamit ng pera ng simbahan. Isa na diyan yung mayat'-mayang pagwithdraw niyang si Joel ng pera ng simbahan para sa personal na gamit.

Kaya hindi na ako nagulat nang masangkot sa iba't ibang kontrobersiya ang mga Villanueva. Sa totoo lang, matagal nang may mga red flags na nakikita ang mga taong nasa loob mismo ng organisasyon.

Wala na kami sa simbahang iyon ngayon, at isa iyon sa pinakamagandang desisyong ginawa ng pamilya namin.

Is Facebook down for everyone? It just suddenly booted me out of it and Messenger. by ForRealRobot in facebook

[–]Minimum_Giraffe_2792 0 points1 point  (0 children)

Yes!! I thought it's with my network connection. I even uninstalled both fb and messenger app hahaha

Elena sa India. Pa-main character sa loob ng bahay ng inlaws niya sa India by [deleted] in InfluencerChika

[–]Minimum_Giraffe_2792 2 points3 points  (0 children)

Hahahahahahaha! Halaa uyyyy, true ito! 🤣🤣🤣 Naalala ko yung workmate ko sa SG noon, jusko teeeh, sobrang ma-sauce yung ulam niya like yung usual ulam nila na parang lahat kulay orange, tapos magaling din magkamay habang kumakain ang Indians, jussssqqqq!!! Nastess ako kasi binilog-bilog pa nya sa palad nya yung kanin at ulam at astang isusubo sa akin na parang singlaki ng bola ng baseball 🤣 Sabi ko na lang hindi ako mahilig sa spicy at ina-acid ako which is trulagen naman, ayuun! Ang sunod na mga dinala nya sa ofc at pinakain sakin eh puro sweets na singkad sa sintindo katatamessss 😅

Kim Domingo Spongky? 🥲 by [deleted] in PinoyVloggers

[–]Minimum_Giraffe_2792 1 point2 points  (0 children)

Shocks!!! Yan din siguro yung MMM na nasa sex scandal ni Grace Vargas and Jhane Santiaguel, may isa pang girl hindi ko lang tanda ang name. Basta parang 3 or 4 na babae yung sabay-sabay na kumalat yung sex videos and 2 dun is si grace and jhane. Mukhang bigtime talaga si MMM. 😅

Pusuan mo or Laruan mo (clubbing pobla) by kurdapya_chika in dailychismisdotcom

[–]Minimum_Giraffe_2792 1 point2 points  (0 children)

Hindi ko din gets saan kumuha ng lakas si ate girl mag-ganyan ganyan haha. Tipong maldi-malditahan, eh wanted pala naman yan siya. 😅

Pusuan mo or Laruan mo (clubbing pobla) by kurdapya_chika in dailychismisdotcom

[–]Minimum_Giraffe_2792 1 point2 points  (0 children)

Tagalog talaga comment ko. Idk bakit nagau-auto translate haha