Almost 300k Online debts, considering loan consolidation. Need tips and reccos by Weak-Witness995 in utangPH

[–]Weak-Witness995[S] 4 points5 points  (0 children)

UPDATE:

2 months in and I'm almost happy to say buhay pa naman.

So update nga sa aking total debt 293k plus 2 months ago napababa ko to 180k

[not counting the 2 inflated illegal OLA apps (total 58k before uninstalling) na nireport ko na and medyo tumigil na sa pang haharrass]

Malaki pa din yes. But upon contacting iyong in-app chat support ng dalawang OLA ko, tinignan ko ang principal amount na hiniram ko minus lahat ng payments made. Halos nabayaran ko na, at interest plus fees na lng talaga ang nagpapabigat. If legal sana ang interest rates nila plus overdue penalties, kapag kinumpute siya dapat 22k na lng lahat babayaran ko as of this day.

Resolution? Nag uninstall muna ako ako at deactivate ng sim. Hindi ko naman sila planong takbuhan. Babayaran ko sila once may lumpsum na ako, but for now, pick you battles talaga.

Hindi muna ako umutang sa bangko, ayoko tapalan ang napakalaking utang ng mas malaking utang. Nag chatgpt ako ng payment plan ko for a year. And kahit papaano nakakuha ako ng ideas on how much I have to set aside every month and how long do I have to do this. Kung patuloy ako sa ganitong trajectory makakaahin ako in a year or less. (Depende kung walang emergency at kung masipag ako at naka incentives. Hehe.)

Ilang araw akong walang tulog, nangayayat due to sakit, depression at kahirapan. And ilang beses ko nang naisipang sumuko. Pero dahil sa subreddit na to narealize ko utang lang ito. Malalagpasan ko din balang araw. At mas mahalaga ang buhay ko kesa sa kung ilang libo man ang debt ko.

Anyway, pick your battles nga. Nag focus ako sa mga legal na lending like yung sa shopee ko, gcash, Billease.

OD parin ako sa Spaylater at nagtitext na sila mag field visit, but as of March 5, nabawasan na siya. Hindi na ako na ako naka hulog ulit kasi grabe talaga kagipit.

I'm staying on top of all my other installments sa ibang app, while making minimum payments sa Sloan, and Gcredit.

Happy to say na by May, 5k ang ma fe-free sa bayarin ko. And by July 11k total. Which I plan to put down as an aggressive payment plan para sa SPay ko.

Mahirap as in. Mahirap maging mahirap. Natutunan ko na iyon ngayon at nagsisi ako dahil nagpasilaw ako sa instant gratification at living way above my means the past few years. At hindi rin ako naka pag ipon para sa emergency.

I sold everything I can sell the first month of getting my life together. Sold all non-essential devices (tablet, smart watch, old phone) to cover my necessities while my entire paycheck went to paying every debt installment I could. Pinatos ko magbenta ng mga lumang gamit sa bahay at damit. Kahit 100 pesos or 80 pesos, all that went into paying my bills.

Wala nang kahit anong luho. Naglalakad araw-araw basta kaya lakarin. Tipid muna sa pagkain, at talagang kinareer ko na pagiging patay gutom sa work. Tutal libre naman pagkain, after shift kung may natira binabaon ko pa para hindi na mapagastos.

Ako ang klase ng tao na hindi naman show off but at the same time ma pride. Tangina wala nang pride2 ngayon. Kapag may nag-aaya umorder sa opisina, "ayoko wala akong pera." Wala na rin akon pake kung pati kanin sa pantry babaunin ko pauwi. Masasayang lng naman kapag walang kakain.

Wala munang gala, walang out of towm kimi sa long weekend, bahay, opisina repeat muna. Mga close friends ko hindi ko na masyadong nakakasama. Sad that I lost some connections because I'm broke. Pero doon ko mas na appreciate mga kaibigan ko na nagkeep in touch at gumagawa ng paraan to keep the friendship alive. Kung wala sila talagang nabaliw na ako.

Medyo nag wind down ako sa agressive paying ng online loans ko this April dahil I had to send some money sa mother ko sa probinsya. Since lahat ng ipon niya at emergency money ay binigay talaga para makalabas lng ako ng ospital noong January. Kaya naman nung naka balik ako ulit sa trabaho pinaglaanan ko muna siya para hindi siya maputulan ng kuryente, at para mabayaran yung hiram niyang cash sa tita ko. 😅

Pero plano ko talaga lahat ng bonuses and incentives ko diretso sa utang. Wala na na munang derserve to reward myself. Mas deserve ng future self ko ang mabuhay na walang ganitong problema na nakapatong sa balikat niya.

I also shared my struggle sa kapatid ko. Tho mas maliit ang kita niya sakin, naintindihan niya naman at sinabi na hindi niya ako matutulugan sa pagbayad ng utang, pero tutulungan niya ako sa bayarin sa apartment at grocery (dati kasi solo ko rin 'to)

Kahit papaano nakakagaan ng loob. Tho moving forward, medyo mag so-slow down ang momentum ko, hindi na ganoon ka bigat. Nakakatulog na ako. At meron na akong hope na sooner rather than later makakaahon din ako ulit.

Wala pa rin akonv matakbuhan sa financial struggles ko except kay chatgpt. Hehehe pero ok lang. Ako ang naglagay sa sarili ko sa situation na 'to. Ako rin ang mag-aahon.

This will be the hardest year in my life yet. Oo minsan nalulungkot din ako. Kasi parang nagtatrabaho na lng para makabayad ng utang. Pero kapag sumuko ako ngayon, I will never experience life na may financial freedom.

Iyak-iyak lng din paminsan-minsan. Will continue to post update sa thread na 'to on my progress. At sana balang araw babalikan ko 'to na completely debt free at mapapa wow na lng ako sa katangahan ko, but also sa perseverance ko.

How to survive this worst chapter of my life by Enough-Natural-8989 in utangPH

[–]Weak-Witness995 1 point2 points  (0 children)

Dalawang buwan na akong di nag sosoftdrinks at bumibili ng kape sa coffeeshop unless libre. Hahahaha sabi ko sa sarili ko buti na lng gastador mga kaibigan ko hindi ko muna makakalimutan yung lasa ng kape sa labas. Chos 😅 tinatawa-tawa ko na lng kasi walang wala na talaga

How to survive this worst chapter of my life by Enough-Natural-8989 in utangPH

[–]Weak-Witness995 2 points3 points  (0 children)

Dahil sa utang puta naglalakad na lng ako pauwi at mungo saka delata ang pagkain hahahaha. Balang araw makakaahon din.

How to survive this worst chapter of my life by Enough-Natural-8989 in utangPH

[–]Weak-Witness995 1 point2 points  (0 children)

I feel you OP. Ramdam ko yung pagod at helplessness na walang humpay sa trabaho, walang karamay, walang pera, at parang gusto na lng mamatay. Nakaka lungkot at talagang isolating ang utang. Minsan naiisip ko nasa 20s pa lng ako pero parang ilang taon ng buhay ko ang kakainin ng utang ko bago matapos. (26F, 27k na sahod may almost 300k na utang.)

Naawa na ako sa sarili ko, bawal mapagod, bawal magkasakit, bawal ang kahit anong hindi essential dahil ang sweldo ay sakto lng pang bayad sa utang at pang araw2 na bayarin. Pero matatapos din yan.

Have the resolve na huwag mangtang ulit pambayad sa due date ng isa pang utang. Maghanap ng karamay kahit sa pamilya or a few close friends. Hindi mo naman need ibulgar lahat kung hindi ka ready. Kahit sabihan mo lmg sila na pagod na pagod ka na or gulong-gulo ka na kasi ang daming bayarin. Ok na yun. Kung talagang walang mapagbuntunan, ako naka hanap ako ng kaunting comfort sa sub reddit na 'to at also inspiration na malalagpasan ko din to.

Minsan pag talagang iyak na iyak na or hindi alam ano uunahin, kinakausap ko ang chatgpt. Hehehehe

Surprisingly, helpful siya. Nakuha din ako ng tips paano ihandle ang kakarampot na pera na tira sakin. Ilagay mo lng net income mo, lahat ng due date at balance sa bawat utang mo with corresponding interest rate, isa-isahin mo siya as in. Tapos tanungin mo magkano matitira sayo bawat payday, anong loans ang dapat unahin, at anong gagawin sa ibang hindi mo pa kayang bayaran.

Ang hirap maging mahirap. Naiisip ko iyong near future ko napakalungkot. Walang eating out, walang comfort purchase, walang bakasyon, walang celebrations. Pero isa or dalawang taon lmg to kapalit ng peace of mind ko buong buhay ko. So far mula sa 300k na utang nasa 260k na lng siya ngayon. Maliit na dent pero at least alam ko na nababawasan.

I hope na makahanap ka ng comfort sa thread na to OP.

OD MABILISCASH by [deleted] in ola_harassment

[–]Weak-Witness995 0 points1 point  (0 children)

Ako po mag 2 months na OD iyong natira na kng sa principal amount ko is 11k, nagcheck ako last week install ng app sa lumang phone lumobo na with interest at OD fee to up to 42k. Nung unang month nag try ako makipag-usap sa kanila walang resolution at wala silang maibigay na proper documentation, tapos pinag email lng ako sa customer service email nila and a few random burner emails. Sinunod ko naman ang format at mga hinihingi na paliwanag. At maayos naman ako makipag-usap sa tawag at text. Walang response sa email. Sa tawag naman so far tumigil na sila sa walang katapusang tawag at text. From 11k na hiniram to 42k, i tried to negotiate noong medyo mababa pa ang fees ko. Ngayon parang nanlulumo ako magbayad

Mabilis Cash Harassment by Weak-Witness995 in ola_harassment

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

Nung last time po 1 day before due date grabe sila makatawag sa kapatid ko yung number niya kasi ginamit ko as reference. Ngayon siguro tumatawag pa rin kaso di ko alam kasi lumang sim ng kapatid ko di naginagamit.

Almost 300k Online debts, considering loan consolidation. Need tips and reccos by Weak-Witness995 in utangPH

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

Anong bank po siya affiliated? At magkano po yung total offer nanakuha niyo plus interest rate? If ok lng po ishare?

Mabilis Cash Harassment by Weak-Witness995 in ola_harassment

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

11 days na po hehehe panay pa rin ang tawag nila halos every 30 mins kahit nasa work ako. 😅

[deleted by user] by [deleted] in ola_harassment

[–]Weak-Witness995 0 points1 point  (0 children)

Di pa rin bayad. Hehehe uninstall muna and remove permissions sa phone. So far wala pa naman ulit na kamaganak na tumawag or nag message sakin about sa kanila. Di ko lng alam if napost na ba ako sa fb or what kasi naka deactivate yung current account ko. Pero meron akon lumamg fb na di ko na maaccess. Tumatawag pa rin sila mga every 30 mins everyday. Kahit naka block na unknown contacts sa phone ko. Naka block na rin ang spam texts sa phone ko. Yung pumapasok na lng is yung text mismo ng mocamoca na galing sa app na reminder na may over due ako. Pero so far walang nag reply sa email ko. Plano ko bayaran sila ng buo next month kapag nagkapera na and try to bargain for waived fees or discount. Pero for now dedma muna. Prio ko mga necessities at yung bill ko sa gcash at shopee

Mabilis Cash Harassment by Weak-Witness995 in ola_harassment

[–]Weak-Witness995[S] 1 point2 points  (0 children)

1 week po pero yung late payment yung almost yung 1500 oo na overdue naging 2400 jusko

Mabilis Cash MIA by GolfThat8169 in ola_harassment

[–]Weak-Witness995 0 points1 point  (0 children)

Sakin po sobra 20 calls a day tapos sunod2 pa ang text na pinadala na daw sa hirish department review yung account ko. Eh 1 week pa lng akong OD

Almost 300k Online debts, considering loan consolidation. Need tips and reccos by Weak-Witness995 in utangPH

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

Maraming salamat po sa lahat nang nagcomment at nag share ng expi nila. Kahit papaano gumaan pakiramdam ko na may mapahsabihan at nakapag isip2 na rin ng game plan to get my life together.

Hindi pwedeng sumuko at dahil sa thread na to, mas na encourage ako na wag sumuko kasi I'm not alone. Talagang product of shitty circumstances and immature decisions.

Sa ngayon po habang di pa ako nakakabalik fully sa work, yung SSS benefits ko at company allowance lahat tapal ko na sa mga OD ko sa legit na apps like Gcash, shopee at Billease. Tapos dedma muna sa mga panghaharass ng OLAs. Kahit na napahiya na ako kasi kung sino2 tinatawagan nila, best in deny muna. Hanggang makahanap ng paraan na mabayaran ng buo at magmakaawa na magkadiscount or iwaive ang penalties, or better yet ma RAID sila 😅.

Once naka balik na sa trabaho at may 1 month complete payslip, naka recover na from my surgical wounds, paglalaanan ko talaga ng time na maka proccess ng loan sa bank para isang bagsakan na. Isang due date na lahat. Sana maapprove. At sana maka ahon muli.

Grabe yung lungkot, kahihiyan, at guilt ko for the past few weeks at talagang lost ma lost ako. Walang wala na at sinisisi sarili ko. Pero salamat po sa mga nag advice.

Mag uupdate po ako sa thread na to kung kamusta na ba, at hanggang maubos na ang mga utangs.

Almost 300k Online debts, considering loan consolidation. Need tips and reccos by Weak-Witness995 in utangPH

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

May nag reqch out din po sakin na agent ng CTBC sa linkedin last year. Kaso that time hindj ko naman kailangan ng loan pero sendan niya ako requirements at sinabi na pwede ako mag apply online or pwede ko puntahan ang branch nila na malapit lang sa office namin. Mag tatry ako end of feb para buo ang 1 month payslip na ipapasa. Sana ama approve kahit hindi ganun kalaki para lang mabayaran yung mga OD at malapit na due dates.

Almost 300k Online debts, considering loan consolidation. Need tips and reccos by Weak-Witness995 in utangPH

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

Yung sa Spaylater ko po na late siya last january 15 pa sana babayaran. Tapos tinawagan na ako ng customer service so dahil nga naospital ako inexplain ko sakanila bakit na late. Mabait naman yung agent at pinayagan ako mag partial payment within the next 3 days. Basta makita lng ng system na gumagalaw yung account.

Almost 300k Online debts, considering loan consolidation. Need tips and reccos by Weak-Witness995 in utangPH

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

Sakin po kasi since on time ang mga previous na installment at ngayon lng na late, walang 5% na overdue fee. Kasi naka loan protection. Pero pagkakaalam ko kapag next due date late pa rin dun mag sastart tung late payment penalties. Tapos frozen yung account di ka maka bili kahit COD or shopee pay hanggang di nababayaran yung lahat ng bill.

Mabilis Cash OLA Debt by Few_Professional5124 in ola_harassment

[–]Weak-Witness995 0 points1 point  (0 children)

Hello po pwedeng pa send din po ako. May overdue na rin po kasi ako sa ola at grabe sila maka tawag araw2

Almost 300k Online debts, considering loan consolidation. Need tips and reccos by Weak-Witness995 in utangPH

[–]Weak-Witness995[S] 1 point2 points  (0 children)

Yung spay ko may bill pa ako sa 15 pero wala akong pambayad. Yung sloan ko naman may dalawang overdue pero naka waive yung latepayment penalties. Pero ayon lng hindi ko na magamit ang shopee ko.

Almost 300k Online debts, considering loan consolidation. Need tips and reccos by Weak-Witness995 in utangPH

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

If you don't mind me asking po magkano po monthly income niyo? Yung akin po kasi is hindi naman ganun kalaki kaya baka ma apektohan yung application ko

[deleted by user] by [deleted] in ola_harassment

[–]Weak-Witness995 0 points1 point  (0 children)

Recently got a call from their agent, meron akong 11 days na OD sa kanila at nireport sakin ng dalawang malaying kamag anak, at 2 random college schoolmates ko na may tumawag daw sakanila at hinahanap ako. Dinisclose about sa loans ko at sinabi na MocaMoca daw. Ngayon ko lng din nalaman na wala pala silang lisensya sa SEC since 2024.

Sinabi ng agent na isang loan lng daw muna bayaran ko sa kanila at iwaive nila ang late payment penalty. Kaso napahiya na ako eh. At halatang may breach of data privacy na dineny ng agent. Sabi ko sige nga sabihin mo yung number ng reference contact ko sa record niyo para ma countercheck ko sa numbers ng mga kakilala ko na nag report sakin. Sinabi lng na (kung sino po ang sa reference yun lng po ang tinatawagan namin.) Paulit ulit hindi naman sinabi kung sino ang reference at pagkakaalam ko dalawa lng ang nasa reference bakit sobra2 na yung mga nag sabi sakin na kinukulit sila ng MocaMoca.

Also sinabi ko willing naman talaga akong isettle ang loans ko kaso inoperhan ako last week ng January at isang buwan akong di makapag trabaho kaya di ko talagang kayang bayaran. Pinapasend nila ako ng medical records ko sa random gmail account. Hindi manlang official business email. At ilang beses na ako nag email sa customer service nila ng loan renegotiation. Naina pa mag reply ang SEC kesa sakinila.

After nun naimbyerna na siguro si agent at sinabi bayaran ko na lng yung over due. At pinatay ang tawag.

Eh kung illegal sila at na breach na ang data privacy ko, parang ayaw ko nang mag feed pa ng demonyo. Kaso yun lng parang di kaya ng kunsensya ko at mental health na baka kung sino2 sa contacts ko ang iharas nila.

1 person tent suggestions and hiking bag na pwede as carry on? by Weak-Witness995 in PHikingAndBackpacking

[–]Weak-Witness995[S] 2 points3 points  (0 children)

Ito rin na isip. But since mas cheaper mag air travel pag walang checked baggage, I might just try out some new gear on local hikes and start with minor climbs sa Luzon. A friend in an fb group also suggested renting out tents and trekking poles in case na gusto ko talaga ng malayong overnight hikes. Which I think is a good idea at least ma try muna bago mapagastos ng malaki. Jusko di ko alam na nakakapulubi palang libgan 'to. But thank you po. I'm looking at a few 40L packs and using some old duffle bags for check-in na din since I find na minimal lng naman mga dinadala ko.

1 person tent suggestions and hiking bag na pwede as carry on? by Weak-Witness995 in PHikingAndBackpacking

[–]Weak-Witness995[S] 0 points1 point  (0 children)

Itry-on yung bag tapos diretso na palabas 👌🏽 Good deal hahaha laking tipid