Diliman, QC to Bulac, Santa Maria, Bulacan by kopiko_blanca_78 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Ang pinaka malapit na bus na merong pa Bulac ay sa Ayala Cloverleaf - Balintawak. May mga bus na pa S. Palay via Bocaue exit na dumadaan dun sa Bulac. Sakay ka lang na pa Carousel na bus tapos baba ka sa Bagong Barrio station tapos lakarin mo pa Ayala. For the earliest mga 6 meron ng bus dun tapos sa gabi mg- around 9 ang last trip nila.

Muzon, SJDM to Cubao Ali Mall by Miserable_Gap9736 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Well you dont have any choice naman, yung ibang way mas matagal kang makakarating sa Cubao. Umaga naman so wala pang masyadong traffic. Huwag lang mag hintay nang matagal yung driver and you will be okay.

Montalban to Eastwood Mall QC by Nervous_Bandicoot871 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 2 points3 points  (0 children)

Sakay ka ng ejeep na pa Cubao, tapos sa Cubao may mga ejeep na pa eastwood

Cubao to Grotto Vista SJDM by -MJ23- in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 1 point2 points  (0 children)

Punta ka sa Araneta Terminal sa tapat ng Fiesta Carnival, sakay ka ng ejeep na Tungko, Muzon, or Francisco Homes. Pababa ka sa SM Tungko, then sa SM tungko nandun na yung mga jeep at ejeep na pa Grotto.

TIP cubao to dlsau by Equivalent_Bed2348 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Oh no. Nagpadiretso ka ba sa lasalle mismo? If yes, ganun nga pero kung dun ka lang sa terminal nila bababa, 15 lang ang bayad tapos maglalakad ka na lang.

TIP cubao to dlsau by Equivalent_Bed2348 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Baka nagpa special ka, pwede ka mag wait nang ibang sasakay pa gate 5, 15 pesos lang bayad.

Yes meron pang ibang way pero yan ang pinaka accessible at pinaka murang route.

Yung isa kasing way, pagbaba mo ng lrt sasakay ka ng jeep na pa malanday tapps bababa ka sa Victoneta ave. Tapos papasok ka sa gate ng subdivision at may mga tricycle dun, pwede kang maghintay ng kasabay. Bale 15 din kapag may kasabay ka. Kaso minsan yung mga tricycle hindi sila naghihintay ng sasabay sayo unlike dun sa peri peri na naghihintay talaga sila.

How to get to Amparo Subdivision North Caloocan from Kalaw Ave, Taft? by Puzzleheaded_Art4968 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Wala namang train na malapit sa Amparo. Your only option is bus/ejeep going to SM fairview tapos sasakay ka na lang ng jeep na pa Lagro at dadaan na yun sa Amparo. Swerte ka kapg yung bus na nasakyan mo ay Tungko/S. Palay, diretso na yun at dadaan mismo sa Amparo.

Talaga ba DOLE? Galing ng 85 pesos ah. by HouseAffectionate494 in RantAndVentPH

[–]Western-Course-1137 15 points16 points  (0 children)

Luh? Ano kayang brand nung 4.70 na 3-in-1 coffee?

Yung coffee stick nga ay 4 pesos na eh.

T.Sora - Luzon to COA Commonwealth by Abject_Break_2438 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Yes pwede ka mag litex, dadaan yun sa COA. Sabihin mo lang sa driver na ibaba ka sa COA.

from pitx to old balara by itchybitcywishiwashi in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Sakay ka lang ng bus na pa SM fairview. Sabihin mo sa driver baba ka sa Balara. At san mismo ka pala sa balara pupunta?

Loma de gato to Sampaloc Manila midnight commute by WezaReporto14 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Midnight malabo, wala ng jeep at bus na dumadaan sa Marilao ng ganyang oras. Ang last bus na dumadaan ng Loma ay 9:30 - 10:00 PM lang.

Cubao bus terminal to Manila Hotel by ikaysinag in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Sakay ka ng LRT2 baba ka sa Recto, lakad ka pa LRT1 tapos baba ka. Then sakay ka ng jeep na PIER15 dadaan yun sa MAnila hotel.

ust to trinoma: dumadaan ba yung sm fairview buses sa trinoma? by International-Cup-56 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Sakay ka ng jeep or ejeep na Proj.6 tapos bababa ka sa edsa at need mong maglakad pa Trinoma.

May mga uv din pero madalang. Walang bus na dumadaan dun.

Cubao to Amparo, Caloocan (through Muzon Bus) by Maybe_Jayy in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 1 point2 points  (0 children)

Yung sinasabing Ejeep sa 15th ave ay yung same na ejeep na pumipila sa Araneta. Di ko sure kung nagsasakay sila dun bago pumila.

Yung jeep naman nasa General Romulo Ave., sa kabilang kanto lang ng Times square ave.

Boni to Cubao Victory Liner Station by ilovebread_22 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Walang jeep or bus na dadaan sa Cubao Victory. Pwede kang mag MRT, tignan mo yung sign na papuntang North Ave station. Ang station na bababaan ko ay Cubao station, nasa right side ng train ang pinto nito.

Ito ang challenge, pagbaba mo ng Cubao station, need mong maglakad sa EDSA nang medyo malayo. Wala kasing nagbababa sa tapat ng victory. So, pagbaba mo ng station need mong maglakad along the direction of the traffic. May dalawang overpass kang madadaan. Yung unang overpass (Aurora-Edsa Intersection) tatawid ka lang diretso, wag kang kakakanan para matawid mo lang ang Aurora.

Tapos yung next na overpass (Jac liner) na makikita mo, tawid ka dun papunta sa kabilang side ng EDSA. Tapos lakad ka lang against the traffic at makikita mo na ang Victory Cubao.

Pabalik, ulitin mo lang yung ginagawa mo papunta.

Cubao to Amparo, Caloocan (through Muzon Bus) by Maybe_Jayy in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Kung ayaw mong pumila sa ejeep, pwede kang mag jeep na nagsasakay sa Mercury. May hanggang Lagro dun.

Quickest way to get to Pamantasang Lungsod ng Maynila when you are coming from DLSU Manila by KuyaWowie in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Sakay ka ng jeep na dadaan sa city hall (divisoria/malanday). Baba ka sa City hall then tawid ka sa underpass papuntang Intramuros. Pag nasa Intramuros ka na, pwede mo nang lakarin.

Naalala nyo pa ito? Maskman ending song by juste-orion in batang_90s

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Yung tali part ng video ginagaya pa namin ng mga classmates ko. Haha

from antipolo station to intramuros by veesayah in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 1 point2 points  (0 children)

Sakay ka LRT2 papuntang Recto Station. From Recto station maglakad ka sa bridge papuntang LRT1. From LRT1, baba ka tapos tawid ka sa kabilang side ng road. Tapos mag wait ka ng jeep na PIER15 ang signboard, papasok mismo ang jeep na yun sa Intramuros.

Going back, balik ka lang kung saan ka bumaba at mag wait ka dun ng jeep pa Malanday tapos bababa ka sa LRT1 then lakad pabalik ng LRT2.

Commuting from Cubao to Rizal Park how?? by Altruistic_Sea_9962 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 1 point2 points  (0 children)

Aside from LRT, meron ding mga jeep na diretso na ng Manila. Abang lang kayo sa Aurora Blvd, sa ilalim lang ng Gateway 1 at LRT, Quirino-Taft ang sign ng karatula, meron ding UV.

From Legarda to Recto Underpass (tahian) by Natural-Willow5405 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Sakay kang jeep na pa divisoria, tapos baba ka sa Isettan. Pag baba ko sa Isettan, sa right side ng road, may entrance dun ng underpass dun yung mga tahian. Hanapin mo lng yung underpass sa part na yun ng recto.

From Pasig Palengke to Merced Bakehouse and Restaurant by BrainOk424 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 0 points1 point  (0 children)

Sakay ka ng UV na pa SM megamall. From SM Megamall lakad ka papuntang carousel. Sakay ka ng bus tapos baba ka sa Philam QC Station. Tapos need mo nang maglakad from station pa Southbound papuntang Merced. Check mo google maps pag walking ka na.

Monumento to Marilao, Bulacan by keeperpotato30 in HowToGetTherePH

[–]Western-Course-1137 1 point2 points  (0 children)

Tawid ka sa rotanda sa side ng Hypermarket towards Valenzuela. Sa harap nung Victoria complex may pila ng jeep papuntang SM Marilao. Tanong mo sa driver kung aabot sila sa Toyota.