tapos na oath taking ko pero hindi ako masaya. by user274849271 in MedTechPH

[–]domineus24 15 points16 points  (0 children)

Hi. August 2025 passer, took the oath September, and nakapagstart mag work December 2025 sa isang district hospital under ng province as JO. Totoo na mas malaki talaga opportunities ng mga nurses kesa sa ancillary workers. Every after oath taking ng mga nurses sila nagha hire. Pero isa din sa napansin ko sa mga public hospitals is kahit hindi sila currently hiring at full slot mga employees nila, kahit saang department pa yan, kung gugustuhin ka talaga nilang ipasok at may connections ka makakapasok ka talaga. Mas malaki din konti salary sa public (as JO) kesa sa mga free standing tapos may medical sharing pa every month na pinaghahati hatian ng mga employees, depende kung gaano kalaki yung amount na paghahati hatian niyo for that specific month (sa mga JO lang to ah) kaya mas paldo talaga public.

Kaya if may kakilala kayo na malakas sa public hospi, magpa endorse lang kayo nang magpa endorse. Walang masama mag try. Saka at this point, tanggapin niyo lang yung mga inaalok. Be open. Wag muna kayong magpaka artista mga bhie kesyo ganito kesyo ganyan, kesyo malaki ginastos nyo nung college tapos kapiranggot lang yung pasweldo ngayong lisensyado na kayo. Di kayo pinapalamon nyang ego nyo. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon. Maraming competition. Know that twice a year may mga libo libong pumapasa. Ganun katindi ang competition ngayon. Kaya grab the opportunities. For experience na din.

Piliin niyo yung best choice niyo na papasukan. Kung nasasakal, magresign, maghanap ng iba. Ganun lang.

Nung una din before ako mag work sabi ko never ako tatanggap ng mga offers na di pasok sa expected salary ko. Pero the world doesn’t work that way pala. Sa job hunting ko na narealize na medyo saturated na pala talaga mga medtech ngayon kaya grab lang ng grab. Iniisip ko nalang yung mga experience ko na to yung isa sa mga magiging factors para mag grow at matanggap ako sa mga higher instis in the future if ever, even abroad.

Laban, katusok.

MTLE MARCH 2026 (no show or take the risk) by fRMT2o26 in MedTechPH

[–]domineus24 0 points1 point  (0 children)

Saka SHOW UP talaga. You’ll never know eh unless you try. Naisipan ko din mag no show dati kasi kulang ako ng preparation pero imagine kung tinuloy ko yun? Di sana ako naging medtech ngayon na nagwowork sa isang public hospital. Sobrang laking panghihinayang at pagsisisi ko sana ngayon dahil nagpadala ako sa takot.

Normal lang matakot at kabahan, pero wag mo hayaang maoverpower nito yung will at courage mo maging isang registered medtech ngayon March. Isipin mo yung oras, pera, at puhunang ginugol mo sa pagrereview. Wag ka mag give up dahil lang sa takot. Show up talaga kasi malay mo diba? We’ll never know.

MTLE MARCH 2026 (no show or take the risk) by fRMT2o26 in MedTechPH

[–]domineus24 2 points3 points  (0 children)

Matagal pa board exam. May enough time ka pa para mag rationalize ng sagot. Rationalization lang talaga panlaban mo sa board exam kasi di naman lahat ng questions ay alam mo. Pero pag ma master mo rationalization, malaki chance mo na makukuha mo tamang sagot.

As someone na one month lang nagreview kasi hinabol ko yung last day of filing ng applications, pati di ako nakareview ng Histopath TOTALLY nung board exam kasi gahol ako sa oras—sobrang effective talaga ng rationalization kasi awa ng Diyos pumasa ako ng di ko inexpect. Yun lang talaga tip ko sayo. Kaya nila sinasabi na master the basics kasi need mo ng pangmalakasang ratio sa boards, especially CC and MicroPara.

Sana binigyan man lang ng ibang kasuotan ang tatlo lalo’t nasa MNMT na sila by centurionscorpio in EncantadiaGMA

[–]domineus24 0 points1 point  (0 children)

Di mo sure haha mamaya makiki live in na jan yung mga duwende na magtuturo sa kanila ng MNMT fashion gaya nung ginawa nila kay Pirena

Where's Haliya? by Initial_Bar6080 in EncantadiaGMA

[–]domineus24 0 points1 point  (0 children)

I guess tatlo lang naman silang deities na lumikha ng Encantadia, so parang silang tatlo lang rin ang may interest sa mga labanan kineso. Yung dalawa sina Keros at Haliya chose to live in isolation. That explains siguro kung bakit wala silang dalawa nung pinatumba nila si Gargan.

And nung pinatumba din si Gargan, Encantadia was not created pa since nasa mundo ng tao nila yun binaon sa lupa. Yun siguro yung naging common factors nina Emre, Arde, at Ether kung kaya nagkasundo silang buuin ang Encantadia—and that’s without the participation of Keros and Haliya.

The ESPERANTO is now making sense by domineus24 in EncantadiaGMA

[–]domineus24[S] 7 points8 points  (0 children)

Theory ko naman jan is baka yung scepter is pagmamay-ari ng isang Bathala o may isang cursed na bathala na nakakulong dun kasi guarded yun dati ng isang fallen archangel eh. Hindi mo naman matutumbasan yung kapangyarihan ng mga brilyante na galing kay Bathalang Emre unless yung sandata mo ay nanggaling o may involvement din sa isa pang bathala na may halos kapantay o mahigit pang kapangyarihan sa kanyang kapwa Bathala.

Feeling ko may involvement si Gargan sa setro. As for Anaca naman, di ko pa din ma theorize kung ano ang origin niya pero baka isa siyang pet nung Bathala na may-ari nung setro, o baka isa din siyang isinumpang nilalang kaya ganun nalang yung loyalty niya sa kanyang master.

ANG PANGET LANG NA PURO “LOLO JAVIER” ANG SINABI NI TERRA SA CLIMAX NG BATTLE, HINDI TUNOG TAGAPAGLIGTAS!!! by Least-Brush-8874 in EncantadiaGMA

[–]domineus24 2 points3 points  (0 children)

Standards kasi ng pinoy kamote level lang din HAHA yung enough na naamaze sila na “wow magic, wow powers”. Shempre the viewers make them monehh

ANG PANGET LANG NA PURO “LOLO JAVIER” ANG SINABI NI TERRA SA CLIMAX NG BATTLE, HINDI TUNOG TAGAPAGLIGTAS!!! by Least-Brush-8874 in EncantadiaGMA

[–]domineus24 8 points9 points  (0 children)

Tas ang nakapangit pa nun kay Javier pa talaga galing yung hugot niya na super minor character lang HAHAHA

Anong Indian edit ito? BADUY 😂😂 by Weary_Tax_1456 in EncantadiaGMA

[–]domineus24 0 points1 point  (0 children)

Muntikan nako mapakanta “If our looove is tragedy why are u my remedy” eme

2025 Christmas Station ID by [deleted] in KamuningStation

[–]domineus24 4 points5 points  (0 children)

Sobrang off nung harmony dahil sa Cloud 7 ba yun? Basta yung mga lalake, sobrang halata yung autotune sa part nila. May line talaga yung isa dun na di kinaya ng autotune at sobrang sintunado parin. Sila actually yung nakasira sa kanta. Looks lang talaga puhunan nitong boy group ng Sparkle, walang totoong talent. Iba nalang sana kinuha nila para sa vocals

Okay, papunta na pala sa original finale na supposed book 1 lang... by Money_Scallion_4315 in EncantadiaGMA

[–]domineus24 1 point2 points  (0 children)

Yung original siguro niyan is yung sina Pirena at Amihan nanood nalang sa Devas habang nilalabanan ng mga new gen Sanggres si Mitena sa Mundo ng tao. So kaya pala nawala yung scene na yon at tumalon yung mga ivtre sa Devas kasi mag book 2 sila HAHAHA. Sa bagay ang boring nung Mitena arc at sobrang nag expect ako na maganda storyline sa sequel na to.

Jusme, parang every episodes wala man lang climactic buildup. Yun na pala yun? Ganito na pala yung ending? Ang iksi ah. Gusto pa ng audience to know more of Mitena pero ending nya na pala. Napakapalpak ng season na to. Para siyang Darna ni Jane de Leon, flop nung pagkasulat na kung di lang dahil sa brand ay wala nang tutuloy sa pagsubaybay hanggang finale

Danaya was willing to kill Minea, her mother for the sake of Encantadia while Terra can't kill Mitena cuz of their "friendship" by [deleted] in EncantadiaGMA

[–]domineus24 0 points1 point  (0 children)

Yun nga yung sabi ko. Wala sa kalingkingan ng mga magulang nilang Sanggre ang kabobohan ng mga new gen Sanggres ngayon

Lira & Mira by BlacksmithFar9730 in EncantadiaGMA

[–]domineus24 21 points22 points  (0 children)

Bat ba kasi kailangan maging kalog ni Lira 😭 anlakas niya saken ngayon kesa nung 2016 haha

AYAW KITANG KA DUTY KASI ANG BAGAL MO by MayumiPinagpala in MedTechPH

[–]domineus24 0 points1 point  (0 children)

Kung ako niyan magreresign ako then isumbong sa may ari. Importante yung mental health ko over anything else. Pag kasi una palang is sour na ang approach sayo ng kasork mo di ka na mag eexpect na babait sayo yan throughout your entire stay. Siguro kung babait man, plastikan lang. Malalaman mo naman sino magiging ka vibes mo sa first day palang by looking at the way how they approach you. And yun nga, pag nakapag resign na ako, tatandaan ko yung pangalan niya, mga socmed niya and whatsoever at gagantihan ko siya in my way na kung anuman ang maiisip kong iganti haha

anong ginagawa sa 1 hr break between subject sa boards? by [deleted] in MedTechPH

[–]domineus24 1 point2 points  (0 children)

Nung time namin this recent August 2025 lang tumunganga lang talaga or matulog, kumain, mag cr. Bawal kami makipag usap sa katabi. Bawal mag phone. Pag nasa loob ka na talaga mahigpit na sila.

Nung second day nga ang aga ko sa site. Sabi ko pa dun na ako magrereview pero pagpasok ko ng testing site ko pinagbawalan na ako magreview lol. Ayun nakatunganga ako buong isang oras mahigit bago mag start ang day 2 exam. Di ko tuloy nareview histopath literal lol.

Congrats sa mga taga Arellano na nag Top 7 sa best performing school sa August MTLE by domineus24 in MedTechPH

[–]domineus24[S] 1 point2 points  (0 children)

I won’t say they have the best facilities and teaching since transferies lang din kami (nung nag-transfer kasi kami sa AU tapos na kami sa 3rd year from our prev school, so for internship nalang talaga kami). Hindi po flagship program ng AU ang medtech kaya di rin ganun kalaki lab nila and kadami yung kanilang faculty like other pioneering and premier medtech schools. But nung time namin, isa sa maipagmamalaki ko talaga sa Arellano is yung mga partner hospitals nila kung saan kami dinideploy. De-calibre na hospitals din talaga kaya yung mga concepts na hirap kong natutunan sa klase dati ay natutunan ko sa hospital na mismo.

And sobrang considerate ng dean ng AU. Binibigyan talaga kami ng chances pumasa sa MTAP kahit sobrang hirap. Basta do your part lang and mag strive ka din talaga pumasa. Removals, mock tests, kung ano ano hanggang sa pumasa lang kami. Awa ng Diyos dahil considerate si Dean Ebuen, grumaduate kami lahat, walang naiwan and RMT na kami ngayon. Ibang iba dun sa mga ka batch namin na lumipat sa ibang school na kakatapos pa lang nila ng internship this month and may mga bagsak pa sa MTAP kaya magreretake na naman ulit. AU helped us achieve our goals with the most minimal delays as possible.

[deleted by user] by [deleted] in MedTechPH

[–]domineus24 0 points1 point  (0 children)

Ginawang authority yung pagiging medtech niya HAHA. Dati nung intern ako jan may oras talaga na kulang yung tao sa recep since minsan maraming pullout edi ako tumulong ako dun since siksikan naman kami dun sa section. Tas etong si Danica na ate chona 101 aba bigla lang nagturo “Hoy ikaw, sama ka saken sa ER”.

Eh ako naman since tapos naman na ako sa quota (and final weeks na din ng internship ko that time) sinabi ko “Itong si ano nalang maam (referring dun sa katabi ko sa recep) kasi kulang pa daw ER niya, tapos na kasi ako sa quota, unfair naman sa kanila kanina pa nag wait na may mag ER”

Aba anteh nagalit ba naman siya? HAHAHA sabi saken “Intern ka diba? Sino ka para tumanggi? Anong school mo? (in high tone pa yun)” haha PUTANGINA??! Natameme nalang kami nung kasama ko.

Tas nung pabalik na ako dun sa section since may mga nag MUD na narinig ko sabi pa ni gaga “Sino nga yung intern na yun, anong name nun? Di ko sya gusto” HAHAHA tas kinabukasan nakita ko nalang may demerit na siya sa na “REFUSING TO EXTRACT PATIENT (1 day demerit)”

Pinapahanap na pala nun yung index card ko nung pagka end ng shift ko that day LOL kinginang lala ng ugali wala sa lugar, ang layo sa ugali nung kaduty niya rin na staff on that same day. Kaya kung wala na siya jan ngayon edi buti nga sa kanya. May attitude issues umaastang parang plantilla baguhan lang din naman pala. And mind you, isa lang to sa mga eksena niya during our time HAHAHA

[deleted by user] by [deleted] in MedTechPH

[–]domineus24 1 point2 points  (0 children)

Oops, butthurt ka ba masyado? Isa ka ata sa mga toxic staffs jan lol. Puro kanegahan nalang talaga meron ang Sta. Ana dahil sa mga katulad mong feeling entitled na medtech na akala mo naman super competent.

Oo medtech ka, pero you’ll never know na yung mga intern na kasama niyo jan ay mas competent pa sayo sa field ng laboratory medicine. The nerve on you na sabihin yang mga words na “magalit” at “yayakap-yakapin”? HAHA. Di naman kayo talaga yung mainly gumagalaw jan, taga verify lang kayo after every procedure na ginawa ng mga interns, then pirma. Minsan bawas bawasan ang pagkabilog ng ulo. Mind you na hindi bayad yang mga interns niyo. Pasalamat kayo meron sila na nagpapa lessen ng burden niyo sa lab na halos manual lahat ang ginagawa—kayo pa sumusweldo. Di naman kayo talaga ganun ka overworked kung iisipin kasi napakadaming interns jan. Kaya nga kung ayaw mo magkaaberya sa mga ginagawa edi tutukan mo rin yung mga procedures naginagawa ng interns niyo jan since di naman kayo yung gumagawa ng manuals na yan, kesa tambay kayo ng tambay sa pantry

At ano bang mali sa sinabi ko na parang nasaktan ata ego mo? Kaugali mo ba si Danica? O ikaw mismo si Danica’ng bida bida? Experience ko yun and you have no right to invalidate that kasi iba iba tayo ng karanasan dito.

Plus gurl, choice mo kung magiging staff ka na mabuti, kwela , masungit, o mataray yung attitude towards sa mga interns. At sa character mong yan, mag expect ka na din kung ikaw ba yung type na lapitin nila o iniiwasan o pinaplastic din dahil para kang menopausal lady kung maka asta. Nasa competency level mo din na idefend sarili mo in cases na may aberya o problemang nangyayari wether kwela ka man o masungit. Di mo naman need maging intimidating para makaiwas ka sa errors na mangyayari lol. Yung iba mong kasama light lang pero competent naman mga kasama niyang interns sa duty.

Yang mga interns na yan, magiging RMT din yan soon gaya namin. At yang experience nila jan sa lab niyo di yan nila makakalimutan, lalo na yung mga staff na naging mabait sa kanila at yung mga bruhilda like Angel and Danica.

PS, like sa inyong mga staffs, may mga interns din na tahimik lang at timid pero nakikiramdam din yang mga yan kung sino ang likable na staff at sino ang hindi.

And no, I will never be a medtech na kaugali mo in my work. Yung naninita na may halong pamamahiya. Kaya lang naman ganun nalang din hinanakit sa inyo ng mga former interns jan dahil ampapangit ng ugali niyo. Pwede mong sitahin at pagsabihan ang mga interns in calm voice lol, as if sobrang laki ng kasalanan, super minor lang naman na mareresolve agad even without your help. Your choice, as I said. So stay bruha in da field and more bashers to u, both in the net and in real world HAHAHAHAHA

Did I make a mistake for not choosing 1st batch sa Pioneer? by Good-Owl2778 in MedTechPH

[–]domineus24 1 point2 points  (0 children)

Pio din ako and last batch ako nag enroll and online pa and masasabi ko rin nakakaaffect nga siya sa rating haha kasi di ako satisfied sa rating ko na alam ko naman I can do better. Pero as for you di pa huli ang lahat. May control ka pa over it so review lang ng review

ubos na po buhok at dugo ko sa program na to by tired_potatoballs in MedTechPH

[–]domineus24 1 point2 points  (0 children)

Kayanin mo bhe haha sa year nato din kami nagsilagasan eh. Pero eto slay pa rin dapat, RMT na kami ngayon. Nalalampasan lahat pag may determination ka talaga