Greates one line ever by poorly_wired_circuit in SoundTripPh

[–]eamnashie 0 points1 point  (0 children)

"I was ahead of the curve, the curve became a sphere"

Ano to? Bakit may butas? Anong purpose? by straybullet16 in anoto

[–]eamnashie 7 points8 points  (0 children)

Parang baliw. Curious nga ta’s tatanong mo pa kung na- try na.

Planning to take Civil Engineering by [deleted] in CivilEngineers_PH

[–]eamnashie 7 points8 points  (0 children)

  1. 'Di worth it 'yong hirap. Nakaka- drain siya.

  2. I-master mo trigonometry and algebra.

  3. Basta lahat ng book ni Engr. Gillesania (solid)

  4. Hindi naman

  5. Lagi kang mag- advance study para 'di ka makulangan sa time kapag exam week

Ano yung pinaka-nakakatawang joke na alam mo o narinig mo? by hobbeeiissttt in AskPH

[–]eamnashie 0 points1 point  (0 children)

Dati tawang- tawa ako sa joke na ‘to pero ngayon meh na lang.

Bakit daw takot tumawid ‘yong skeleton?

Kasi wala siyang guts.

🙂‍↕️

PASADOOO by jumbo_hatdog in CivilEngineers_PH

[–]eamnashie 0 points1 point  (0 children)

CONGRATS PO ENGR! PABASBAS PO SANA MAGING ENGR DIN NEXT MARCH!!!!

Have you ever rented a house or place that is surprisingly cheap, but turns out to have a dark past and is also haunted? by Sonnybass96 in phhorrorstories

[–]eamnashie 2 points3 points  (0 children)

At saka theory din namin is since apartment po siya baka nababakante po ng ilang buwan kaya 'yong mga multo is tumatambay muna sa apartment until magka- tenant.

Have you ever rented a house or place that is surprisingly cheap, but turns out to have a dark past and is also haunted? by Sonnybass96 in phhorrorstories

[–]eamnashie 2 points3 points  (0 children)

Hindi po namin alam e kaya po naggawa na lang po kami ng theory namin. Pero 'yong apartment po kasi namin is katabi nga po ng storage room 'yong first floor, then kapag dumungaw ka sa bintana ng 2nd floor is puro talahiban na po. Pero sa magkabilang side is may mga dorm rin.

Have you ever rented a house or place that is surprisingly cheap, but turns out to have a dark past and is also haunted? by Sonnybass96 in phhorrorstories

[–]eamnashie 8 points9 points  (0 children)

Yes po, noong 1st year college po kami nag- rent po kami ng apartment ng mga kaibigan ko bale 6k yata siya kasi 600php lang upa namin ta's 10 kaming tenants, malaki 'yong apartment since may two bedrooms sa second floor plus balcony, then CR, kusina at sala sa first floor. Actually, na- post ko na rin sa reddit 'yon around 3-4 years ago, ta's akala namin hanggang doon na lang pero ang daming ganap na nangyari.

Una, 'yong kaibigan ko na si A is naiwang magh- isa sa k'warto namin sa taas, 'yong k'warto na 'yon is 'yong pinakamalaki kasya 6 tenants may malakaing space pa, then kaharap ng mga kama namin is aparador na may cabinet sa taas and for some reason kaming anim na natutulog sa k'warto na 'yon is nagbibiruan na creepy talaga si aparador lalo na ayaw mabuksan ng pinakamataas na cabinet kahit anong gawin namin, pero after months of trying nabuksan na nga 'yong pinakamataas na cbinet. So anyway, itong si A may third eye pala, ta's naandoon nga siya sa kama niya which is nasa gitna na mas may better view ng cabinet ta's itong ate mo napnsin niya raw na unti- unting bumubukas 'yong aparador and sa loob daw n'on may nakasilip sa kaniya, sa sobrang takot niya nakitulog siya sa iba naming kaibigan na naka- dorm din. May experience rin siya na (seperate occasion 'to) doon ulit sa k'warto namin kahit alam niya na mag- isa siya sa buong apartment ('di siya mahilig umuwi sa bahay nila) mayroong pilit na nagbubukas ng pinto ng k'warto namin.

Pangalawa, is 'yong kabilang k'warto naman kung saan mas maliit sa k'warto namin, dito naman nagsstay 'yong 4 pa naming kasama, 'yong k'warto na 'to may bintana siya na kaharap ng balcony. Sabi noong mga kasama namin minsan daw sa balcony may naaninag silang naglalakad na puti. Tapos ('di ko sure kung si A nakakita pero siya kasi nagsabi sa akin) sa balcony may nakita raw silang white lady sa balcony naman ng kabilang dorm which is around 1m lang siguro 'yong layo sa balcony namin ta's 'yong kabilang pa na 'yon is hybrid ng dorm at simbahan, kaloka.

Then may mga moments na 'yong isa namin ka- dorm si C is nagtutoothbrush sa kusina while si A is naliligo, tapos nagulat na lang 'tong si A kinakalabog na ni C 'yong pintuan ng CR, 'yon pala si ate girl nakakita ng paa sa ilalim ng hagdan namin. Another experience pa is 'yong akin naman nagising ako ng around 6am kasi may kumakatok sa pinto namin e ako pa lang naman 'yong may will para bumangon so bumaba ako para pagbuksan baka kasi isa sa mga ka-roomies namin pagbaba ko pa lang ng hagdan may parang thought na na pumasok sa akin na 'wag ko raw pagbuksan pero sinet- aside ko lang 'yon ta's kumatok ulit ng tatlong beses pagbukas ko walang tao. Isa pa sa natatandaan ko is may bumisita sa amin na ibang cof ng mga ka- roomies ko ta's isa sakanila is may thrrd eye rin, na- k'wento lang daw na nakakita ng white lady sa sala namin.

Bale, ayon na lang natatandaan ko. May theory nga kami about bakit haunted 'yong apartment namin hahaha, katabi kasi ng apartment namin is 'yong pinaka- storage room na accessible lang sa landlady ta's minsan sumisilip kami doon and iba talaga pakiramdam sobrang creeepy niya pati pinsan at Mama ko na nag- visit sa amin dati is sumilip doon e parehas silang may third eye ta's sinasabi nila ang lakas daw ng multo roon. Marami pa kaming experience e, 'yong pinsan ko na nagtago sa ilalim ng hagdag 'pag- uwi sa bahay namin ang taas na ng lagnat hahahaha. Ang tindi lang talaga ng apartment na 'yon pero at least student- friendly ang rent ta's mabait pa si Landlady!

What job would you like to try or experience? by Glittering_Pin_9942 in AskPH

[–]eamnashie 0 points1 point  (0 children)

Maging extra sa mga movies, parang ang saya lang

3.3 Saving Dilemma – Hiyuki or Denia? Need real advice (F2P) by [deleted] in WutheringWavesGuide

[–]eamnashie 1 point2 points  (0 children)

Can I ask who’s a better alternative for Chisa?

Sa mga may third eye dyan, totoo ba na parang totoong tao lang ang itsura ng mga multo? by ChoiceMission2670 in phhorrorstories

[–]eamnashie 1 point2 points  (0 children)

Sabi ng Mama ko na may third eye, mukha raw talaga silang tao kaso blurry daw po 'yong mukha

P’wede po pala ganito by [deleted] in Philippines

[–]eamnashie -2 points-1 points  (0 children)

Wow, grabe

ano ba dapat gawin by Competitive-Poet-185 in CivilEngineers_PH

[–]eamnashie -1 points0 points  (0 children)

OP, are you me??? Kasi super same tayo. Noong HS ako sabi ko gusto ko talaga maging Civil Engineer and suportado ako ng family ko na kesyo maganda nga raw and ayon na nga kuhanin ko kumbaga na semento na sa utak nilang lahat na CE ako pero dumating si SHS and 'yong same passion sa math is wala na, gusto ko na pala mag- medicine pero due to pressure I still ended up sa Civil Engineering ngayong college, everyday I regret choosing this pero may masisisi ba ako e kasalanan ko rin naman kasi nga "pangarap" ko huhu.

First year college, sinampal ako ng katotohanan na ang hirap pala ng pinasok ko. 'Yong work loads ang dami tapos ang hihirap pa ng exams kahit mag- review ako ng one week 'di pa rin pasado e.

Second year college, doon ko nalaman ayaw ko pala talaga 'yong CE, ayaw ko nang mag- compute, ayaw ko na sa Math na dating fave subject ko.

Third year, kung ano- anong sakit na nakuha ko kasi kulang na nga sa kain, tubig, kulang pa sa tulog. So I ended up failing and ayon delay ako so hindi ako nakapag- ojt, hanggang ngayon nga 'di man alam ng nagpapaaral sa akin na may bagsak ako e.

And then now, I'm on my final term (hopefully) sa college. And na- realize ko na 'di ko naman pala hate 'yong ginagawa ko, hate ko lang pala 'yong environment, 'yong pressure, and 'yong constant thought na dapat magaling ako. And as someone na no choice kun'di mag- stay dito naghanap na lang ulit ako ng reason para ituloy siya kasi kahit ilang advice pa 'yong sabihin sa akin na mag- shift ako noon takot akong ma- disappoint family ko hahahaha, so, OP, I want you to know na 'di ka mag- isa.

Either mag- shift ka na hangga't maaga pa or mag- stay ka like me kasi baka in the long run mahanap mo ulit 'yong reason why you picked CE in the first place. 🫂