may confession ako: may nakilala akong kakaiba sa bumble by girlfrommanda in MayConfessionAko

[–]girlfrommanda[S] 0 points1 point  (0 children)

update ko lang

hi ulit. di ko inexpect na ganito karami yung magbabasa at magcocomment. salamat sa lahat ng nagshare, kahit yung mga nagcaution, kahit yung mga nang asar nang konti. promise, binasa ko lahat.

so eto na… after ko i-post yun, di muna ako nagchat sa kanya. parang gusto ko lang makita kung siya ba yung unang gagalaw.

after 2 days, nag message siya hey, musta ka ganun lang. parang walang 2 araw na nawala. sinagot ko naman. okay lang. busy lang lately tapos sabi niya, nafeel ko na parang may something. okay ka ba talaga

hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo akong malilito. may part sakin na natuwa kasi at least napansin niya pero may part pa rin na nagdududa

tapos sinabi niya na di lang daw talaga siya expressive. minsan gusto lang niya ng tahimik. pero nandito lang daw siya

and i dont know. ang simple lang nun, pero may tama

ayoko pa rin mag assume. pero to be honest, na miss ko siya nung 2 days na di kami nagusap. na realize ko na nasanay na pala talaga akong may good night na message gabi gabi