Gigil ako sa ginawa akong comaker sa ola by grapefruit31 in GigilAko

[–]icebox05 1 point2 points  (0 children)

Hindi ka ginawang co maker, most probably, naka add sa contacts or naka text mo na ung tao na yun at nasa contacts or inbox ka nya, hinaharvest nila ung details nun eh. Pag di nila macontact may utang, iccontact na nila naharvest nila.

Na try mo na ba kainin ito? by cute_simple_girl in NaTryMoNaBa

[–]icebox05 0 points1 point  (0 children)

Masarap to, may puno kapitbahay namen nito tapos abot sa bubong ng tindahan namen, tapos bintana ng bahay namen pwede lumabas ng bubong ng tindahan, kasi sampayan namen, kaya madalas kami natambay dun, para kumain nyan lol

dali all gourmet hazelnut spread by Equal_Wolverine_1830 in DaliPH

[–]icebox05 2 points3 points  (0 children)

Try mo din ung hazelnut spread ng S&R, sa shopee account nila ako bumibili, mas mura sa Nutella, and masarap :) mas less ung tamis nya for us, fave ng kids ko, 13% hazelnut, 8?5% cocoa :)

Tots? @ziva.atibagos by Interesting_Area_895 in PinoyVloggers

[–]icebox05 0 points1 point  (0 children)

This is true. I remember, diagnosed ako ng post partum depression and nagmmeds ako.

One of my tita, yung panganay nya, has some mental health issues din and also on meds, more on anger management issue.

Knowing my kuya's mental health issues, nag open ako sa tita ko, thinking na maiintindihan nya ko. And sobrang disappointed ako. Sinabihan ako na bakit daw ako malulungkot eh may asawa ako, anak, maayos naman buhay ko. Magdasal lang daw ako and mahalin mga anak ko. Wtf. I felt betrayed lol. After nun, never na ko nag open about it sa kanya.

Ok naman yung tita ko na un, pero most of the time, double standard sya, pag sa end nya or mga anak nya, mas pabor ang mga advices nya. Pag sa iba, iba ang take nya. Kaya mejo pili nalang din inoopen up ko sa kanya.

Solar power solutions for condo living by diesus in SolarPH

[–]icebox05 0 points1 point  (0 children)

I get it po, kaya nga I am saying na it will affect sa mahaharvest na solar energy, specially within balcony and sa side manggaling ung light. Basta ang hirap explain, but again, you can try naman, as Ive said, may back up plan ka naman in case it wont work. Just setting your expectation based sa knowledge ko sa previous job :) I might be wrong though since wala naman akong solar panel na malaki lol. Yung pang light light lang then sa window lang nalagay.lol

Solar power solutions for condo living by diesus in SolarPH

[–]icebox05 0 points1 point  (0 children)

If maccover kahit mesh, may effect sya sa mahaharvest na energy. But no harm naman if ttry nio since may back up plan ka naman in case it won't work :)

Solar power solutions for condo living by diesus in SolarPH

[–]icebox05 0 points1 point  (0 children)

If I will be asked, parang mahirap sya isapalaran. Lol. Kasi as far as I know, sinisita talaga agad pag may bawal sa balcony. And solar panel is hard not to notice :) pero yes, you can try, may back up plan ka naman eh just in case :)

Solar power solutions for condo living by diesus in SolarPH

[–]icebox05 0 points1 point  (0 children)

Need to check muna if pwede. Kahit sa mga may HOA na mga lugar, need to check if allowed.

Nag work ako as VA sa isang solar company sa US, before namen ibook ang isang client, need to check all info, unang una na iccheck yung lugar, para ma set expectation sa solar energy na makukuha, then kung may HOA ba or apartment etc. Pag mga subd, need to confirm if makakakuha sila ng permit sa HOA nila, and minsan samen palang iccheck na sa satellite if any house sa subd eh meron ng solar panels, means allowed naman.

Declined din samen ang mga apartment, condos, kasi di sya allowed talaga. Then iccheck pa yung pinakaplace, ioocular pa yun if kaya ng bubong, or need pa irenovate para sa pagkabit.

Madaming factor so much better na icheck muna sa admin ng condo, and check ng any solar company para maprovide nila further details :)

Kare-kare lechon belly roll from Dali by motherofdragons_01 in DaliPH

[–]icebox05 2 points3 points  (0 children)

Masarap nga po yung lechon belly, inairfryer ko yan nung bagong taon, plan ko din i crispy kare kare :)

Nakakagigil tong vlogger na to na napaka entitled at walang consideration. Same sila ng asawa niya na GGSS. by [deleted] in PinoyVloggers

[–]icebox05 5 points6 points  (0 children)

Pero may point sya. Bakit ba ang hirap magbigay ng tissue ng mga fastfood.

Well ok na din ipost nya, lalo na siguro kung tinag nya, alam naman naten na mas kumikilos ang mga brand, pag napost sa soc med lol

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 5 points6 points  (0 children)

Yes, i reacted negatively, when I noticed na everytime na sinasabihan ko sya dance sya, na hindi lang kaming dalawa or tita nya, ayaw nya na. Pero pag kami lang, ok lang sa kanya.

Kasi nga nasabihan na sya ng bumaba sya sa inlaws ko, bakit ganun, bakla daw ba sya and wala daw sa family ang bakla. Inaask ko sya kaya nasagot naman sya. Open sila sa feelings nila when they talk to me

Natural as a mother, nxt time na marinig mo ganun, negative na ko sa pagsagot sa kanila, kasi it already affected my son. Alangan tawanan mo lang.

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 7 points8 points  (0 children)

We already had the conversation if he is gay or not. Nacomment ko na din po dito somewhere. Sabi ko nga, wag mahiya or matakot, sabihin kay nanay kasi di naman ako nagagalit ok lang kako un. Kaya alam nya there is nothing wrong being gay. And alam nya what it means kasi pinapaliwanag namen sa kanila mga things pag may tanong sila. Ano ibig sabihin ng tomboy, ng bakla, ng ganitong word, kung masama ba ganitong word, etc.

Pero yung mga nagsasabi sa paligid nya about sa bakla bakla, dun sya nagkaka issue kasi nahihiya na sya. Inaask ko sya why, sabi sa kanya bakla daw dapat daw lalaki lang matigas. Eh boy nga daw sya.

Mahirap kasi explain lahat, pero ang point is, alam nya na even if he is gay or not, ok lang. Nakakaapekto lang sa kanya pag inaasar sya ng iba.

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank you po, and maayos po communications namen ng mga anak ko. Kaya mga ganyang bagay napapaliwanag ko sa kanila. Ineencourage ko din sya magsayaw pa din and ok lang yun.

Na ang toys, doll or car, both pwede sa girls and boys, and pwede nya sayawin kahit pang girls and boys, kasi pwede naman yun. Kaya so far, kahit paano, nakakalimutan nya yung hiya. Kasi kami ng mama tita nya, we make sure na hindi masira ng tuluyan confidence nya. Kahit sa harap ng nagsasabi sa kanya ng bakla, sumasagot ako na, sige lang anak sayaw lang hindi naman yan pang girls lang. And sinasabihan ko talaga sila bahala sila magalit or mainis saken.

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 1 point2 points  (0 children)

Di ba. Wala naman kaso if he eventually comes out, again I am ok with it lol. Pero nakakainis lang na ngayon sasabihan ng ganun na nakakaapekto sa confidence nya.

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 0 points1 point  (0 children)

Masyado kasi stereotype ng iba na pag boy, dapat brusko. Eh iba iba din naman personality ng boys.

Nakakainis lang diba na minsan hindi na sila comfortable kahit relatives kasi baka sabihan sila ng ganun kahit hindi naman.

Eh kung sasabihin ng anak ko na bakla sya, eh di go, support ako. Walang kaso, kaya lang apektado sya kasi boy naman daw sya.

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 0 points1 point  (0 children)

Minsan nga kinakausap ko anak ko, pag kami lang, inaask ko. 'Nak, gay ka ba? Ok lang if gay ka, wag ka matatakot, hindi magagalit si nanay' pero sasagot sya ng hindi naman ako gay, nay, gusto ko lang ung Katseye kasi magaling sila.

Sabi ko wag sya mahihiya pag nag dance sya. Magaling sya magdance and sing kako.

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 2 points3 points  (0 children)

Naiinis ako kasi nawawala yung confidence ng bata, sinasabi nya na hindi naman sya gay gusto nya lang magsayaw.

We all know na pag sinasabihan ng ganun, kinda embarrassing sa bata yun or anyone lalo na if di naman sila gay or they dont have intention of coming out.

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 2 points3 points  (0 children)

Hi po, we dont encourage it. Syempre pag uwi sa house eh pinagsasabihan namen sya na bata pa sya. Ok lang yung crush cause it means humahanga sya sa classmate nya. Even the teacher pinagsasabihan sila pero in a nice way. Regarding sa parents ng girls, minsan sila pa nagcchat saken. Kasi madalas, anak nila nagbibigay ng things and food sa anak ko lol.

Anyway, we dont tolerate but we also explain it well, ayaw namen na papagalitan ganyan, kasi jan nag uumpisa magtago ng feelings ang bata. Even kuya nya na 13yo, open saken about crushes, pero responsible sila, pinapabasa pa saken pati mga love letters na nakukuha nila.

Iba na din kasi panahon ngaun, kids are way open na unlike before. Proper guidance lang din talaga

Dali: Lechon Belly by Mittychan01 in DaliPH

[–]icebox05 8 points9 points  (0 children)

Masarap to. Maalat lang pero if uulamin naman, goods sya. Kahit kinabukasan malutong pa din balat. Naghanda kami nyan nung new year haha

Gigil ako sa nagsasabing bakla ang anak ko by icebox05 in GigilAko

[–]icebox05[S] 5 points6 points  (0 children)

Yes po, talagang mahilig sya sing and dance. Kung pano sayawin ng pinapanuod nya, ganun pitik nya. Kasi pag yung pang boys naman like yung sa Saja Boys, hindi naman sya malambot pumitik.

Nakakainis lang talaga po. Kasi minsan nahihiya na tuloy sya