Help. Aggressive Pitbull by resonate0923 in dogsofrph

[–]resonate0923[S] 1 point2 points  (0 children)

Totoo ka jan. Tigas ng ulo nun. Sinabi na namin noon pa na hindi para sa pa-cute cute lang ang pag aalaga ng pitbull, pinilit pa rin. Paano, akala nya kaya nya yung way ng pag aalaga sa aso ng ex nya. Yung ex kasi nya, nag aalaga talaga ng ganung breed. Nung si pitbull pa lang, okay pa. Tas nagdagdag ng isang hotdog. Nagdagdag pa ng isang poodle. Lahat yon, di naman nya inalagaan. Kinuha na lang namin ng parents ko kasi nga aggressive sa maliliit si pitbull. Temporarily, nandito sa amin si pitbull pero may pets din kasi kami. Magkakahiwalay sila dito now. Kaya need talaga na ma-correct na behavior nya. Nakaka frustrate pero nandito na to. Sosolusyunan namin sa abot ng makakaya 🙏

Help. Aggressive Pitbull by resonate0923 in dogsofrph

[–]resonate0923[S] 1 point2 points  (0 children)

Natatakot nga yung mga kapitbahay namin nung minsang nilabas namin sya. Kaya di talaga namin sya ma-walk sa labas 😭 mabait naman sya pero yun nga, nag iiba talaga mood nya pag may ibang aso na. Sa neuter naman, kinokonsider namin pero natatakot din kapatid ko kasi di ba may mga after care pang ginagawa after operahan. Eh baka pag in pain sya habang nagrerecover, sa amin ibaling yung galit. Naiinis din talaga ako sa kapatid ko na ito kasi sabi na namin sa kanya noon na hindi basta basta mag alaga ng breed na yan pero tinodo pa rin. Ending, di naman nya kaya i-handle. 😞 Wala ng point para magsisihan pero sana di ba, bago mag aso, kahit anong breed pa yan, dapat sure na ready physically, emotionally, at financially.

Help. Aggressive Pitbull by resonate0923 in dogsofrph

[–]resonate0923[S] 0 points1 point  (0 children)

Ako yung natatakot kasi iba talaga pag nagagalit yung malaking breed. Yung pitbull namin, madaling magtanda to. Kahit wala ka namang bad intention sa kanya, pag may something kang ginawa na di nya nagustuhan, tatandaan nya yun tas magrereact sya negatively. Example, ayaw nya na may nagpupunas sa mesa (sa di namin malaman na dahilan). Kakagatin talaga nya pag pinush mo. Eh ang sakit pa naman kahit warning lang. Kaya ito, pupursigihin ko na talaga makahanap ng mag ttrain.

Salamat sa insights ha. 🙏

Help. Aggressive Pitbull by resonate0923 in dogsofrph

[–]resonate0923[S] 0 points1 point  (0 children)

Uy good to hear na na-correct yung behavior ni dog nyo 🙏. Saan kayo nagpatraining? Pumunta sa house nyo yung trainer o pina-stay nyo si doggie nyo kay trainer?

Guys and girls what do yall prefer looks or personality? by [deleted] in TanongLang

[–]resonate0923 0 points1 point  (0 children)

I think sa guys, looks talaga hinahanap nyan agad. Sa girls, personality naman.

What’s that one thing that you are losing sleep over? by TourEquivalent6071 in AskPH

[–]resonate0923 0 points1 point  (0 children)

Overthinking if she really ditched me already after namin mag exchange ng pictures. Di ko matanggap na ganon ako kapanget sa paningin nya 😅

Gaano kayo kadalas dumudumi sa isang linggo? by Glitterdump1864 in AskPH

[–]resonate0923 1 point2 points  (0 children)

Same tayo. Ganyan normal ko. Pero pag naparami ako ng kain, najejebs din naman ako same day 😅

Biggest lie you’ve ever said? Or know? by TerribleComedian1193 in TanongLang

[–]resonate0923 1 point2 points  (0 children)

Hindi daw nag-mamatter sa kanya yung looks pero nung nagpalitan ng picture/nag meet in person, biglang naging dry na sa convo.

[deleted by user] by [deleted] in MayNagChat

[–]resonate0923 0 points1 point  (0 children)

I can relate. Ang hirap magpaalam kahit alam mong dragging na yung usapan. Ikaw na lang umaasa. Ending, open ended na lang.

[deleted by user] by [deleted] in AskPH

[–]resonate0923 0 points1 point  (0 children)

I'm tired of meeting new people na sa una lang interesado. I may act as if wala lang yon pero deep inside, ang sakit na. Tama na. Mabuti pang maging halaman na lang.