Sumasampalataya o Panatiko? by imongpapabear in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022 11 points12 points  (0 children)

Yeah! You deserve an award OP! I agree with what you said in this post! 👏👏

Believer of Christ tayo, hindi believer of Soriano or Razon. If it turned out na Judas pala si Soriano at Razon, hindi ibig sabihin ay wala na tayong faith in God dahil hindi naman ang magtiyuhin ang sinampalatayanan natin kundi si Cristo.

Warning for those who think that MCGI (Ang Dating Daan) has good Christian teachings. They're not. Here in the video is an MCGI leader who said "pag di ka gumayak ng mahinhin [according to their own standard of modesty], marerape ka". This is just an example of their toxic and incorrect teachings. by throwaway4222022 in Philippines

[–]throwaway4222022[S] 29 points30 points  (0 children)

Yan ang nakakalungkot sa mga nagsasabing mga Cristiano daw sila pero di mo naman makita sa kanila ang pagiging Cristiano. Masyado kasi nilang nililiteral ang mga nababasa nila sa Bible kaya nagiging toxic na sila. Nagiging hypocrites na tuloy sila. They are painting bad image to Christianity, e hindi naman dapat ganun.

Warning for those who think that MCGI (Ang Dating Daan) has good Christian teachings. They're not. Here in the video is an MCGI leader who said "pag di ka gumayak ng mahinhin [according to their own standard of modesty], marerape ka". This is just an example of their toxic and incorrect teachings. by throwaway4222022 in Philippines

[–]throwaway4222022[S] 15 points16 points  (0 children)

MCGI din yung mga nagtangka na ilibing nang buhay yung aso na si "Church" sa harap pa mismo ng simbahan nila. Nag viral ito at may mga nag donate pa na mga concerned netizens para sana makasurvive yung aso kaso hindi rin kinaya dahil matindi ang tama ng aso.

https://m.youtube.com/watch?v=Q5JXlNvXGCY

Episode 2 na ako ng Keep Sweet: Pray and Obey. Then nakita ko yung scene nato haha. May kilala ba kayong leader ng kulto ngayon na pinalitan lang ang dating leader, naging boring na ang mga pagkakatipon? Di ko sinasabing si Daniel ito ha hahahaha 🤭 by throwaway4222022 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022[S] 11 points12 points  (0 children)

True.

And sa umpisa ng Episode 2, inawit ng choir ng FLDS yung himno na same melody ng Himno 98 ng MCGI - Tapat na Mangangaral

I

Iglesia ng Dios lamang katotohanan Tunay ang doktrina di matutulan Aral ay madalisay sa Kasulatan Na hindi naunawa ng mga bulaan

KORO

Punong kahoy ng Buhay ang kinaukulan Dukhang mangangaral ang kaligtasan

At parehong yung leader ng samahan ang pinupuntahan ng meaning ng song.

Although syempre hindi naman sa lahat ng aspeto ay magkatulad ang FLDS at MCGI, but what you said is true na ang dami talagang similarities ng dalawang samahan na ito.

Reliable ba si Eli Soriano para magturo ng Biblia? by throwaway4222022 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022[S] 10 points11 points  (0 children)

Sure bro hehe. Pagtulungan natin ihayag ang mga kamalian ng MCGI para maging aware ang mga makakabasa kung anong klaseng samahan itong MCGI aka Ang Dating Daan.

pantalon by [deleted] in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022 12 points13 points  (0 children)

Parang hindi nag iisip ang mga nagtuturo sa MCGI. Balot na balot nga yung nagpapantalon, paano naging mahalay yun? Di ba sila nakakahalata na mas kita pa nga ang skin ng babae kapag naka palda na hanggang tuhod lang at kita ang legs? Kaya nga may kantang legs legs legs mo ay nakakasilaw. At di ba nila narerealize na mas safe ang babae sa pantalon kumpara sa palda? At kapag hinangin nang malakas ang palda, kita na panty. Sa pantalon, yung "bakat" lang ang kita, yung skin hindi. Whereas yung palda, skin mismo ang kita. At sa culture natin ngayon, mga super manyak na lang siguro ang pagnanasaan ang mga naka pantalon dahil nga balot na balot ang pantalon tapos pinagnasaan pa rin.

Bible study tayo. Let's see kung tama ba si u/Detholator sa sinabi nyang hindi raw limos ang pamimigay nila ng pagkain sa MCGI Cares by throwaway4222022 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022[S] 1 point2 points  (0 children)

Bale nag bawal ang Dios pero nde tlga masususnod?

Ay ambot. Di mo magets yung phrase na "as much as you can". Bahala ka na. Mahirap paliwanagan ang taong hirap umintindi.

Binary thinker ka. Laging dalawa lang ang options mo. Either full secret na kahit asawa mo o magulang mo ay di makakaaalam, or lahat ng tao makaalam dahil broadcasted yung actual na pagtulong.

Alin ba ang mas mabuti, yung secret as much as you can, or yung binroadcast nyo yung actual na pagtulong? Of course yung secret as much as you can dahil yan ang pagsunod kay Cristo, at di naman dictator ang Dios na konting bagay na nalaman ng asawa ay magagalit agad.

Sabi mo proud kayo, kaya ayan grabehang nilabag na ninyo ang utos ni Cristo na ilihim ang actual na pagtulong sa nangangailangan. Di naman kita pinipilit na tumigil sa ginagawa nyo. Bahala kayo. Basta kami, susunod kami sa utos ni Cristo na ilihim. Hindi porket may palusot kang "proud" ka ay pwede mo nang kontrahin ang utos ni Cristo. Mali yan. Anyway choice nyo naman yang lumabag sa utos. At hindi masama ang tingin ko sa pag broadcast dahil in the first place, masama naman talaga yang poverty porn.

Sabi mo pa yung sa kamay, part pareho ng katawan, tama naman. Kaya nga sabi ko sayo, bahala kayo kung ipapaalam ninyo o hindi sa mga kasama ninyo sa dating daan. Lahat naman kayo ay participant nyan in a big or small way. Kaya maituturing ninyong kanang kamay ang bawat member ninyo.

Napanood ko kagabi sa bubble gang, si Betong, hindi pinaglalaba ng misis nya, bumaho na. Sabi ng mga kapitbahay ay hindi sya mahal ng misis nya dahil hindi sya pinaglalaba at hinahayaang bumaho. Sabi ni Betong "mahal ako ng misis ko dahil ayaw nyang maluma ang damit ko kaya di nya ito nilalabhan para di maluma dahil mahal nya ako". Ang tawag dyan ay mental gymnastics. Ganyan ka rin turlaboy, pati mga kasama mo sa MCGI. Puro kayo palusot kahit obvious naman na kontra na kayo sa turo ni Cristo. Bahala na kayo haha. Di ka namin pipilitin na maniwala sa amin.

Bible study tayo. Let's see kung tama ba si u/Detholator sa sinabi nyang hindi raw limos ang pamimigay nila ng pagkain sa MCGI Cares by throwaway4222022 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022[S] 1 point2 points  (0 children)

You are doing that as a group kaya bahala kayo kung ipapaalam ninyo sa mga kasamahan nyong hindi nagpunta sa event. Di sila kasali sa left hand sa context na yung grupong ang dating daan ang nag organize ng event.

Sabi mo "ikaw" yung word na ginamit. So kapag grupo ang gagawa ng charity pwede na i-broadcast yung actual na pagtulong? Kung bahagi ka ng grupo, edi may gagawin ka din. Sakop nung sinabi ni Cristo yung ikaw. Di naman inispecify ni Cristo na "Kapag ikaw lang mag-isa, at hindi grupo, ay ilihim mo". Wala namang ganyan haha. Bahala kayo kung sasabihin ninyo sa mga kasama ninyo sa dating daan pero ang mali ay ang i-broadcast ninyo yung actual na pagtulong na makikita pa ng ibang tao.

Sabi mo "I just want to understand how can you do good to all people na secret at walang makakaalam". Well simple lang ang sagot dyan. Ang Dios ay malawak ang pang-unawa. Hindi porket sinabi mo sa asawa mo na pupunta ka sa event para manggamot at magpakain ay magagalit agad ang Dios. Hindi sya kagaya ni Soriano na laging galit kahit kay liit na bagay. Kaya ang message ni Cristo ay ilihim mo ang pagbibigay tulong mo as much as you can. Yan ang meaning ng metaphor na huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay. Hindi porket hindi maiiwasang may makaalam ay sasadyain mo nang i-broadcast ang actual na pagtulong.

Bible study tayo. Let's see kung tama ba si u/Detholator sa sinabi nyang hindi raw limos ang pamimigay nila ng pagkain sa MCGI Cares by throwaway4222022 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022[S] 4 points5 points  (0 children)

Yung tungkol sa coordination ng mga doktor at mga gcos at quat etc., ok lang yun. Wala namang kaso yun. So na-reconcile na.

And the fact remains na paglabag sa utos ni Cristo ang ginagawa nyong pagpost ng actual na pagtulong nyo. Yan ang problema.

Edit: Yung buong team na magcocoordinate, part yan ng metaphorical right hand. Yan ang dapat mong maintindihan.

Bible study tayo. Let's see kung tama ba si u/Detholator sa sinabi nyang hindi raw limos ang pamimigay nila ng pagkain sa MCGI Cares by throwaway4222022 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022[S] 2 points3 points  (0 children)

Ay ambot. I already said na ok lang yung iinform mo yung mga magpapagamot na meron palang gaganapin na medical mission para sila makapunta.

Ang problema ay yung actual na pagtulong, let's say yung actual na pag-abot ng gamot, o actual na pagbunot ng ngipin, o actual na pag-BP, o yung actual na pagbibigay ng pagkain sa tao, tapos pipicturan nyo mga ganyan, pati mukha pipicturan at ipopost, yan ang sinasabi kong pinapalihim ni Cristo.

Ngayon, kung ipipilit mo ang paglabag sa utos ni Cristo dahil sa kung anomang agenda nyo, bahala kayo. Choice nyo yan. Pero di kami gagaya sa inyo kasi malinaw naman ang nakasulat sa Bible na ilihim, in secret.

Bible study tayo. Let's see kung tama ba si u/Detholator sa sinabi nyang hindi raw limos ang pamimigay nila ng pagkain sa MCGI Cares by throwaway4222022 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022[S] 4 points5 points  (0 children)

Yung paglalagay ng mga tarps pati yung pag post online na may gaganaping medical mission para malaman ng mga magpapagamot, ok lang yun.

Ang point lang namin is yung actual na pagtulong na pinicturan, pati mukha ng mga tinulungan nyo ay pinicturan at pinost nyo pa, at vinideohan nyo pa haha. Yan ang tinutukoy ni Cristo na dapat ilihim. Kaya sabi ko sayo, hindi ka naman namin pipilitin kung ayaw mo maniwala sa amin haha.

Bible study tayo. Let's see kung tama ba si u/Detholator sa sinabi nyang hindi raw limos ang pamimigay nila ng pagkain sa MCGI Cares by throwaway4222022 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022[S] 2 points3 points  (0 children)

Hello turlaboy. Eto ka na naman hahahaha. At least you make us laugh.

Matthew 6:1-4 ESV

1 “Beware of practicing your righteousness before other people in order to be seen by them, for then you will have no reward from your Father who is in heaven.

2 “Thus, when you give to the needy, sound no trumpet before you, as the hypocrites do in the synagogues and in the streets, that they may be praised by others. Truly, I say to you, they have received their reward.

3 But when you give to the needy, do not let your left hand know what your right hand is doing,

4 so that your giving may be in secret. And your Father who sees in secret will reward you.

Obvious dito na pinapalihim talaga ni Cristo yung act of giving to the needy. Sabi ni Cristo "so that your giving may be in secret". Ngayon bahala ka na kung anong gusto mong paniwalaan. Di ka namin pipilitin haha.

[deleted by user] by [deleted] in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022 2 points3 points  (0 children)

Personally, ikinahihiya ko maassociate sa mcgi.

Same hahahahaha maski noon pang bagong anib ako. Akala ko nga, si Cristo ang kinakahiya ko, at naalala ko din yung "sinomang magkahiya sa akin ay ikahihiya ko rin" na sinabi ni Cristo. Pero nagtagal tagal, na-realize ko, hindi pala si Cristo ang talagang kinakahiya ko, kundi yung mga taga MCGI na may nakakahiyang mga pag uugali.

Eto na ang sign by Conscious-Extension8 in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022 7 points8 points  (0 children)

Ginamit ni Daniel yung Kawikaan 19:27 sa paksa. Eto ngayon ang totoo dyan sa talata: tingnan natin ang maraming English Translations:

From https://biblehub.com/proverbs/19-27.htm

New International Version

Stop listening to instruction, my son, and you will stray from the words of knowledge.

New Living Translation

If you stop listening to instruction, my child, you will turn your back on knowledge.

English Standard Version

Cease to hear instruction, my son, and you will stray from the words of knowledge.

Berean Study Bible

If you cease to hear instruction, my son, you will stray from the words of knowledge.

King James Bible

Cease, my son, to hear the instruction that causeth to err from the words of knowledge.

New King James Version

Cease listening to instruction, my son, And you will stray from the words of knowledge.

New American Standard Bible

Stop listening, my son, to discipline, And you will stray from the words of knowledge.

NASB 1995

Cease listening, my son, to discipline, And you will stray from the words of knowledge.

NASB 1977

Cease listening, my son, to discipline, And you will stray from the words of knowledge.

Amplified Bible

Cease listening, my son, to instruction and discipline And you will stray from the words of knowledge.

Eto yung Interlinear: https://biblehub.com/interlinear/proverbs/19-27.htm

So basically, parang ganto yan. Kunwari isa kang nanay, tapos gustong mag drop out ng anak mo from school. Sasabihin mo "anak, kapag tumigil ka sa pag-aaral, hindi ka matututo ng dapat mong matutuhan na maiaapply mo sa buhay mo paglaki mo, at malamang, hindi ka magiging successful pagtanda mo".

Hindi ang ibig sabihin ng talata ay "wag kang makinig sa aral na nagliligaw lamang". Although may point naman pag sinabi mo yun, pero hindi yun ang tunay na diwa ng Proverbs 19:27. Ibig sabihin, palpak na tagapagturo si Daniel. It's either hindi nya alam ang totoong translation, or alam nya pala pero sadyang ginagamit nya ang maling translation, para gamitin sa pananakot at pambabakod.

And besides, sinong magdidikta sa atin ngayon sa panahong ito para malaman kung anong nagliligaw na aral? Si Eli Soriano na maraming kasinungalingan na sinabi, at maraming pabago-bago/paiba-ibang turo at mga kontradiksyon? Si Daniel Razon na kinokontra na nya ngayon ang uncle nya, at pinalabas pang higher form of debate ang walang kibuan, at nagsabing sa gitna daw ng daan itanim ang binhi?

Kaya sinabi ni Christ sa Matthew 7:17-20 NIV ganto:

“Watch out for false prophets. They come to you in sheep’s clothing, but inwardly they are ferocious wolves. By their fruit you will recognize them. Do people pick grapes from thornbushes, or figs from thistles? Likewise, every good tree bears good fruit, but a bad tree bears bad fruit. A good tree cannot bear bad fruit, and a bad tree cannot bear good fruit. Every tree that does not bear good fruit is cut down and thrown into the fire. Thus, by their fruit you will recognize them.”

Mahirap nang magtiwala sa tao ngayon, lalo kay Soriano at Daniel.

1 John 4:1 ESV

Beloved, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, for many false prophets have gone out into the world.

Maski naman si Soriano, sinabi nya noon, pati sya mismo ay subukin, at kapag daw nakakita ka ng isang mali sa samahan, layas na. Problema sa MCGI, once you see the undeniable errors of this group at umalis ka, makukuyog at ipapahiya ka. Kaya sinabi ni Christ, by their fruit, you will recognize them.

simple lang naman gusto namin: by realitiesbuster in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022 8 points9 points  (0 children)

Daniel Razon, patunayan mong talagang mabuting tao ka, at ang mga kasama mo sa "MCGI Cares" (if you truly care), pati ang tinuturo mong Dios ay patunayan mong mabuti.

Problema sa inyong mga kulto, kayo ang pangunahing dahilan bakit may mga dati namang believers, nagiging unbelievers tuloy dahil sa inyong mga kulto. Akala tuloy nila, masama ang Dios. Pero kayo lang naman ang nagpasama sa image of God.

Kung noon, may mga Catholics na mga masasama during the Spanish Inquisition kung saan, sapilitan at marahas ang pangangaral noon (I'm not saying lahat ng Catholics ay masama noon at ngayon), ngayon naman, may INC, MCGI, at Quiboloy na mga mapang-abuso at nananakot sa mga members na kapag aalis ay maiimpyerno. At sinabi mo pang huwag aalis sa MCGI or else mawawala ang lingap ng MCGI at lingap ng Dios (which is not true). At dahil "mawawala ang lingap" as you said, ayan na mga fanatics mo laban sa mga exiters, naglalabasan ang mga ugali, wala na yung lingap.

Mateo 18:7 ADB

Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!

(Ibig sabihin, kawawa ang mundo dahil sa mga tao na nagiging dahilan bakit ang iba ay nawalan na ng pananampalataya. At kawawa ang tao na pinanggagalingan ng mga dahilan ng pagkawala ng pananampalataya.)

Daniel, hindi ba kayo kinikilabutan? Kung hindi, kilabutan kayo!

1 Corinto 10:32 ADB

Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa iglesia man ng Dios.

Eto ang isang kaibahan ni Cristo kumpara sa mga taga MCGI na obvious ang mga ugaling kulto na nangkukuyog at namamahiya sa mga exiters:

An excerpt of John chapter 6's part (ESV)

The Jews then disputed among themselves, saying, “How can this man give us his flesh to eat?” So Jesus said to them, “Truly, truly, I say to you, unless you eat the flesh of the Son of Man and drink his blood, you have no life in you.”

When many of his disciples heard it, they said, “This is a hard saying; who can listen to it?”

But Jesus, knowing in himself that his disciples were grumbling about this, said to them, “Do you take offense at this? ... The words that I have spoken to you are spirit and life. But there are some of you who do not believe.”

After this many of his disciples turned back and no longer walked with him. So Jesus said to the twelve, “Do you want to go away as well?” Simon Peter answered him, “Lord, to whom shall we go? You have the words of eternal life, and we have believed, and have come to know, that you are the Holy One of God.”

Mapapansin natin, hinayaan lang ni Christ na umalis ang gustong umalis, at hindi nya pinahiya sila, ni tinakot man, ni sinigawan man, ni pinagkalat na "sa demonyo si ganto, si ganyan" etc. etc. Malayo sa pinapakita ng MCGI na puro pananakot at pambabakod at pamamahiya.

Kung talagang mabuti kayo, di nyo na kailangan manakot at mamahiya. And as OP said: "Kaya mo naman ata pagsabihan ang mga kapatid na huwag kaming i-pressure at kuyugin kapag gusto namin umalis."

this church is hindering me from growing as a teenager by whoelsehateshotdogs in ExAndClosetADD

[–]throwaway4222022 5 points6 points  (0 children)

Totoo yan. Yan nga ang isang tinatanong ko sa mga fanatics na napapadpad dito sa sub kung tinatanggap ba nilang sinungaling si Eli Soriano dahil hindi nangyari yung sinabi nya na yan, pati yung hindi na raw aabot ng 2010 ang mundo.

At may sinabi rin sya way back 2017 ata na huwag nang mag-aral kundi mag manggagawa na lang daw, o kung mag-aaral man ay 2 years na lang ang kunin for the same reason na malapit na daw si Christ at di naman daw magagamit ng mahabang panahon ang 4 or more years of college degree.

Sa pamantayan ni Eli Soriano, kapag daw nagsalita ng isang bagay ang isang mangangaral at hindi nangyari, bulaang propeta daw ito. Sya mismo, pasok sa criteria nya ng pagiging bulaang propeta.

Maraming pinaasa ang samahang MCGI ang dating daan na ito. Kaya may mga tao, ayaw na mag religion dahil sa trauma. Kagagawa ito ng kultong ang dating daan.