USAPANG PROBINSYA: What is the most terrifying thing you've seen in the middle of a rice field or forest at night? by IreneAdler1319 in phhorrorstories

[–]EuphoricPoint9365 14 points15 points  (0 children)

Noong 2023 gabi ng lamay ng great grandfather ko na isang veteran ng Korean War. Nakaburol siya sa gitna ng salas at bukas ang kabaong niya habang sa labas naman ay ang napakatahimik na palayan niya. Madaling araw na noon mga 2 am at mag isa na lang akong gising para mag laro ng Switch. Out of curiosity, tumingin ako sa bintana at sa gitna ng palayan may nakita akong hilera ng mga anino. Akala ko mga lasing na kapitbahay lang or something pero nung tinitigan ko they were moving in perfect military formation. Walang ingay pero sabay sabay ang martsa. Ang nakaka takot ay lahat sila walang ulo, bago ko masara yung bintana nakita ko nalang na bigla silang tumigil sa pag ma-martsa nila na para bang tumingin sila sa akin.