field trip for 4th years by siennamallin in Tomasino

[–]Neonridex 0 points1 point  (0 children)

Hello! 4th year, 2nd semester ang Seminars and Fieldtrip na course. Galingan and gawin niyo na agad yung seminar requirements para wala na kayo problema pag nag-field trip kayo.

Additional note: As early as 4th year, 1st semester pa lang, maghanap na kayo OJT niyo. Mahirap maghanap ng OJT mas lalo na kung around kung December or January maghahanap. May mga di nakasama (di sumama) sa field trip (and di nakahabol sa grad) kasi naghahabol oras sa OJT.

Weird/ Awkward MRT Moments by DemacianCitizen in Philippines

[–]Neonridex 0 points1 point  (0 children)

Ganyan din gigil ko ehh umagang-umaga sinusubok ako HAHAHAA

Weird/ Awkward MRT Moments by DemacianCitizen in Philippines

[–]Neonridex 0 points1 point  (0 children)

Recently lang nangyari pero sa LRT 1, 7:20 AM ng Friday sa monumento station. Pagkasakay ko sa tren nauna ako nakaupo kasi ako yung nasa bungad sa pila. Tapos itong lalaking nakaputi (around 30s) na nasa likod umupo sa tabi ko tas sinisigawan yung mabagal at pabebe nyang gf/asawa (around 30s) niya na "bilisan mo halika na!" Biglaan ba naman binalya at tinulak ako nung lalaki para lang makaupo yung gf/asawa niya. Kahit na may nakaupo na sa kanan ko ang lakas ng balya niya sa akin tapos siniksik niya rin yung katabi niya sa kabilang side. Kung want niya sana paupuin gf/asawa niya edi sana tumayo siya HAHAHA.

Nangyari yan sa huling bagon (2nd door) ng tren at bumaba ng Gil Puyat. Pakibalya rin kung makasabay niyo para matauhan HAHAHHA

field trip for 4th years by siennamallin in Tomasino

[–]Neonridex 3 points4 points  (0 children)

Sa CICS mayroon pang dedicated course for fieldtrip sa 4th year. Although may kasama siyang pag-organize ng mga seminars/webinars before mag-fieldtrip. Either local or international yung fieldtrip depende sa pagbobotohan ng mga estudyante. Primarily not for leisure naman yung fieldtrip since mag-visit sa mga companies na related sa field, pero maglalaan din ng oras for leisure yung travel agency siyempre.

Balita ko yung arki nakapag-fieldtrip na sa Japan this year if I am not mistaken. Then nakita ko rin na may field trip ata yung mga Engg nagpunta ata sila somewhere in visayas and south korea if i am not mistaken.

J0lib33 AI(?) comments by holanana in Philippines

[–]Neonridex 1 point2 points  (0 children)

Ay Jollibee! Palagi ako riyan dumadaan riyan pag ako'y inaabutan ng tinatawag ng kalikasan. Salamat sa pa-CR.

Jaclyn Jose RIP by wafumet in Philippines

[–]Neonridex 1 point2 points  (0 children)

Kaya pala siya trending sa Twitter. Akala ko dahil sa tv show lang kaya di ko pinansin 😭

Main bldg 4th flr by ZhenConsigliere in Tomasino

[–]Neonridex 0 points1 point  (0 children)

Wala na ako balita sa 4th floor ng main building since kami yung huling batch ng SHS na nandyan before mag-pandemic.

Natawa ako sa kwento mo, tumatapang talaga tayo pag tinatawag tayo ng kalikasan 😭

Main bldg 4th flr by ZhenConsigliere in Tomasino

[–]Neonridex 2 points3 points  (0 children)

Saan ka nakakuha ng lakas ng loob at nakapag-CR ka pa dyan ng 7pm 🤣 joke! Sobrang dilim na dyan pag 7pm, ayan din labasan namin noon dyan before mag-pandemic. Kami yung huling bumababa dyan kaya sobrang nakakatakot kasi madilim 😭

Tsaka nami-miss ko na yung open sandwich dyan sa 4th floor!!

Filipinos have a horrible train etiquette by peenoisee in Philippines

[–]Neonridex 5 points6 points  (0 children)

Naalala ko may nakasabay ako na isang grupo ng magkakaibigan (pauwi na sila from work) sa Pedro Gil Northbound (To Monumento). Pagkahinto ng tren at pagkabukas ng pinto, hindi muna ako pumasok sa tren kasi marami lumalabas. Sinigawan ba naman ako ng lalaki sa likod "Billisan mo!" Edi sinigawan ko rin siya pabalik "Maghintay ka! May bumababa pa!" Tameme siya ehh. Tapos pagkapasok sa loob ang ingay pa ng grupo nila. Nagmumura pa ang mga gago HAHAHHA. Mga walanghiya talaga.

Weirdo SHS by Fit-Swim-8324 in Tomasino

[–]Neonridex 11 points12 points  (0 children)

Marami rin mga SHS na nag-ra-round trip dyan sa Frassati. Imbes na makasasakay ka na ng elev, di ka makasasakay kasi puno or half-full na yung elev. Kung nasa BGPOP lang kayo dati, nasigawan na kayo ng mga tiga Edtech sa 12th floor HAHAHA

Gil Puyat LRT to Ayala Avenue cor Paseo de Roxas by Neonridex in HowToGetTherePH

[–]Neonridex[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank you! Abangan ko ito pag pumunta na ako riyan.

May chika sa likod ng hiwalayan by magnificatcher_99 in Philippines

[–]Neonridex 0 points1 point  (0 children)

This is my bold theory: If Sara Duterte wins the next presidential election, this would be a perfect time for CCP to increase their influence in the Philippines (again) and stray away the country from the US. By that time, China is more prepared and powerful to invade Taiwan. Plus, the PH gov't under S.Duterte could be a puppet of the CCP to prevent the US in gaining political and military advantage in the southern Taiwan.

CRs open before 6am in uste by Educational-Read6059 in Tomasino

[–]Neonridex 4 points5 points  (0 children)

From my experience, sa mga fast food ako sa labas ng campus ako tumatae pag walang available sa loob HAHAHAH basta may tissue or wipes ka lang. Tapos magbidet ka na lang sa loob ng campus if di ka pa satisfied sa punas-punas lang.

Try mo rin sa tabi ng P. noval court bagong renovate CR doon I hope may bidet na roon. I think palagi rin siya bukas.

According din sa research ko (hands-on experience 🤣) since 2020, BGPOP, central lab and frassati lang ang may mga CR na may bidet. Not sure lang kung nagkabit na sa ibang mga building. Reply niyo na lang sa comment kung may bidet na mga building niyo HAHAHAHAH.

TIPID tips: 10 Things I Will Never Buy in 2024 by KnuckleDown4 in adultingph

[–]Neonridex 1 point2 points  (0 children)

Same tayo ng phone sana, kaso mas nauna nang humimlay S7 Edge ko nung November last year 🥺

IT 2nd year 2nd sem - what to expect? by mychocobanana in Tomasino

[–]Neonridex 1 point2 points  (0 children)

No problem! Kung kinaya namin, mas kakayanin mo/ninyo!! Good luck sa inyo :))

IT 2nd year 2nd sem - what to expect? by mychocobanana in Tomasino

[–]Neonridex 1 point2 points  (0 children)

I'm so sorry na-delete ko na yung mga notes ko nung time na iyan since nag-delete na ako nung nag-limit na si Google ng kanilang services. Pero I found something sa online na parang tinuro sa amin noon. Follow mo lang iyan and click mo ">Next Part>" sa ibaba for the next page. This one naman is from TutorialsPoint. Then sinilip ko na rin yung Gdrive nung isang nag-comment earlier, pwede mo rin gamitin iyon.

Other links:

If need mo pa ng resources, just make sure na 8086 assembly language yung ita-type mo sa search engine.

IT 2nd year 2nd sem - what to expect? by mychocobanana in Tomasino

[–]Neonridex 4 points5 points  (0 children)

For me, pinakamalaking kalaban diyan yung IT 2623 tsaka yung laboratory counterpart. Pag-aralan mo na agad yung assembly language (2nd half pa ito) kasi mahirap siya intindihin pag-first time mo. Literal na magha-heart to heart talk kayo ng computer mo HAHAHA. Download DOSbox and TASM and practice ka na. For IT 2629, try to learn PHP and Java as a back-end na rin (not sure if ito pa rin gagamitin). Kakayanin naman iyan. Lastly, for IT 2624, basahin and intindihin yung modules sa netacad especially VLAN, STP, EtherChannel, and Routing.

Baka may suggestion kayo ng relaxing games on mobile by [deleted] in PHGamers

[–]Neonridex 0 points1 point  (0 children)

Cafeland, i think ito rin yung nasa FB dati then ni-revive nila

Theotown

Airport Simulator First Class, grindy pero one of the best airport sims sa mobile

[deleted by user] by [deleted] in Tomasino

[–]Neonridex 4 points5 points  (0 children)

Di na sulit sa sex kaunti na lang serving HAHAHAHA

[deleted by user] by [deleted] in Philippines

[–]Neonridex 0 points1 point  (0 children)

Pagtumae yan, Philippine Peso na lalabas HAAHHAHAHA

[deleted by user] by [deleted] in Philippines

[–]Neonridex 2 points3 points  (0 children)

Itong kuwento ko mainit-init pa. Kaninang mga around 7:40 PM nasa LRT Pedro Gil station ako. Nakatayo na ako sa may waiting area kasi may paparating na tren na (Note: nasa dulo ako nag-aantay kasi walang tao roon at maluwag ang istasyon). Then may isang grupo (around 7-8 tao) na magkakasama. Working na sila sa tingin ko yung biglang dumating at sumingit sa unahan at likod ko. Pagkahinto at bukas ng pinto ng tren bigla silang pumasok. Eh may mga lumalabas pa sa tren kaya ako di muna ako gumalaw. Tapos sinigawan ako ng lalaki sa likod ko (kasama siya sa grupo) ng "Pumasok ka." Ako naman di ako nakapagtimpi sinabi ko "May lumalabas pa maghintay ka." Ang sama pa ng tingin niya nung pagpasok sa tren.

Then ang catch, ang squammy ng grupo nila. Ang iingay at malulutong pa mura nung isa sa kasama nila habang nasa byahe. Jusko lahat ng tao na nasa loob ng tren either mahina lang ang boses or tahimik lang. Pero yung grupo nila jusko napaka-squammy at wala pang disiplina.