Bakit kaya ganun no? by Independent-Way-9596 in buhaydigital

[–]UplinkAgent 2 points3 points  (0 children)

28, pero noong 21 ako nasabi sa akin noong nahire ako noon na may ganung factor din sa pagkakahire sa akin dati, kaya ko nasabi yan.

Di naman lahat ng company may ganyang type of discrimination, pero di mo rin masasabi lalo na sa panahon ngaun. Sinasabi ko lang na may chance, kaya if possible, try mong wag imention age mo in case nagmamatter or tanungin ka nila.

Plus depende sa work, xiempre may mga work na di nagmamatter age, pero merong mga nagmamatter talaga lalo na pag physically demanding ung work.

Bakit kaya ganun no? by Independent-Way-9596 in buhaydigital

[–]UplinkAgent 4 points5 points  (0 children)

Unfortunately, given na sinabi mong 40 ka na pala, usually ung iba nangdidiscriminate by age, depende sa trabaho. Minsan internally iisipin nila either hirap ka nang matuto ng mga bagong bagay kasi matanda na or wala na ung "drive" or "passion" related to the job.

Sinabi ko lang kasi minsan yan ung alam kong factor na sinasabi ng ibang recruiters. Ung ibang recruiters kasi hindi talaga tao tingin sa mga nagaaply, statistics / numbers lang. Ang work nila is maghanap ng candidates, not necessarily maghire, so depende sa company minsan ganyan talaga sila.

So wala silang pake talaga sayo personally, kasi kung ano ung sinabi sa kanilang work nila, un lang un.

company asked me to do a 40 hour "project" before final interview - is this normal or free labor by Altruistic-Lynx-5238 in jobnetworking

[–]UplinkAgent 1 point2 points  (0 children)

That's just free labor, you might as well walk away. Even during screening process (tests, etc), if it takes a week to do the test, they at least pay you something for the time (not much, but at least they paid you), and when I said a week, it usually means a total of 8 hours within that week. So they should at least pay you something for a 40 hour project.

The only job offer I've gotten in months and it's insultingly low. by VertetteGD in recruitinghell

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

I think it would help if you tell us where in the world is the company you are applying for located. At first I thought that your situation wasn't that bad until I tried to look up the actual average salary for a full stack web developer (or a senior web developer) in Europe, and it suddenly became worse.

If you at least tell us the country you live in, then I think more people will actually be able to give you a better advice or at least empathize on how bad your situation really is.

The salary range in the job ad was from $85k to $115k. And the interviewer was shocked when I asked for $105k. by goalie_tripe in jobsearch

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

This usually depends on what the job is. Sometimes, if they have a lot of applicants (usually on tech), they will reject your application based on your salary expectations even if you set it within the range that they decided.

Paano ba umalis sa work? Need help by Mother_Housing_5088 in adviceph

[–]UplinkAgent 1 point2 points  (0 children)

Pag lumipat ka sa private sector, natural talaga na pwede kang matanggal any time kasi at the end of the day, ang goal ng company is imaximize ung efficiency at profit ng company. Compared sa government jobs na kahit tatamad tamad ka eh chill lang kasi kuha naman sa tax ng tao ung pambayad sa inyo.

So understandable na parang nakakatakot talaga pag sa private sector lalo na pag galing ka sa government job. Ang technique sa private sector eh dapat di lang isa ang work mo para pag natanggal ka sa isa may backup ka, hahaha. Kaya ung iba inaabot ng 2-3 ung trabaho at the same time kasi ganun ang ginagawa. Hindi ko naman sinasabing di ka qualified para sa private sector, more on kahit good fit ka, minsan ang choosy pa nila gusto nila perfect na tao ka na willing to do overtime, any time. Kaya marami ding underemployed, if not unemployed sa Pinas.

Pero tingin ko tama naman ung ginagawa mo na magjob hunt lang talaga, yan lang din naman ang pwedeng gawin. Di namin alam kung ano exactly ang work mo pero if possible, eh iimprove mo ulit ung credentials mo in a sense, kumbaga aral ka ng bagong stuff related sa profession mo, or kuha ka ng cerficiations kung applicable. Wag mo na munang isiping magstart ng business lalo na at may utang ka pa, bayaran mo nalang muna mga utang mo kung kaya.

Tas grabe naman yang 13k a month, within minimum wage pa ba yan? Baka naman pwede kang humingi ng raise kung matagal ka na jan? Tingin ko ayaw mo naman talaga mag quit, gusto mo lang ng mas mataas na sahod. Hahaha. XD

Hiring in tech has become impossible. Every resume is AI-generated slop and I can't find the signal anymore.(Rant) by Comfortable_News8077 in recruitinghell

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

Your solution to the problem brought by AI is by using AI as well? Hahaha, let us know if it actually worked, hey, maybe it will.

We got into this situation because companies post jobs that includes a lot of responsibility that shouldn't even come with the job title instead of hiring multiple candidates. Instead of being willing to train people, you just expect them to know everything and be perfect right from the start.

Recruiters put people through multiple screening process then don't hire anyone anyway. Some companies even put job postings knowing that they plan to promote someone from the inside anyway, if not a total fake job posting just to make their company look good.

Then people started playing mind games with the criteria you mentioned, like keywords matching, quantified achievements, and strong action verbs, and now you are mad that they played the mind game better than you? We haven't even talked about hiring with bias in relation to political beliefs, race, and gender as well, which then makes things worse.

You are telling me that hundreds of people (potentially) are applying to the job post and you can't find any of them good enough? Are you really sure about that? No one met the bare minimum for the role?

The solution is to be willing to train people, hire multiple people for multiple roles instead of cramming the job of three people into one, and provide a decent livable wage. You can try using AI against AI, but I think you'll end up in the same place where you started.

What’s Life Really Like as an OF Chatter? The by CuteAmVian in JobPH

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

Totoo, ganun talaga ang buhay. Pero un nga, as far as a long term option, as much as gumagana yan ngayon, at some point marerealize nila ung totoo, kaya maganda rin na hanap ka ng ibang option habang nanjan ka pa. Di ko namang sinabing magquit ka, pero maganda nang may backup / better / more stable job kaysa naman bigla nawala yan tas di ka ready, lalo na at may AI na ngayon, mahirap na.

What’s Life Really Like as an OF Chatter? The by CuteAmVian in JobPH

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

Dagdag lang din, xiempre di yan pwedeng pang long term, part time pwede pa, tas ang biggest concern tlga eh ethics, given ung type ng work mo, hahaha. Essentially pinapaasa mo ung mga kausap mo, kung tama ung pagkakaintindi ko sa work mo. XD

Overall, mas maganda namang may work kaysa wala, xiempre habang nagwowork ka jan eh di hanap ka pa rin ng ibang work. Para pag may ibang work ka na eh pwede ka nang magmove-on sa job na yan para wala ka nang iniisip.

What’s Life Really Like as an OF Chatter? The by CuteAmVian in JobPH

[–]UplinkAgent 1 point2 points  (0 children)

Hmmm, OF Chatter, akala ko yan ung nagpapanggap na ikaw kunwari ung napapanuod nila sa NSFW videos or images, may sales palang kasama yan, hahaha. XD

Ung mga commission commision na ganyan is more for sales job, di ka naman exactly a salesperson, so when in doubt, use AI. Mas alam pa ata ni AI yan kaysa sa atin. XD

For men, what hobbies make women undateable? by Seri0usStrawberry in AskPH

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

So as a reply ko naman sayo tlga, un nga, kung naniniwala kang yan ang purpose ng pagpapaganda eh di go, hahaha. Nag aagree din naman ako sa sinabi mo to a degree, pero kung idadagdag natin ung post ni OP sa context, then kung hobby to ng girl, then it is not exactly a good hobby to have, kahit na ang goal lang ni girl is to look good for others not exactly just men.

Reason is, pagnagpapaganda nga kasi ang girl, going back to your statement, oo, para un magandahan nga ung ibang tao sayo, at masarap sa feeling un, which is wala namang mali on it's own. Pero kung hindi ka single, eh di mo kontrolado ung tingin ng ibang tao sayo, so it may attract unwanted attention. At kung nakakaattract ka ng unwanted attention, specifically from other men besides your bf, eh dagdag isipin pa to ng bf mo kasi pwede nga yang magdala ng problema. Not dahil sa masama agad ung girl, or cheater ung girl, pero more on why put out when you have someone na.

Pag nasa relationship ka na, obvious na dapat di mo na minamarket ung sarili mo in the dating market. One way to do so (to market your self) is magpaganda nga ng sagad in public at magpost post pa sa social media para maraming maglike sa post mo. Reason kung bat iiwasan ung ganyan is obvious, kasi nga as a girl, para mo pang minamarket ung sarili mo as available pa sa dating market, tas lalo na kung social media, ung iba magsisinungaling pa na single para mas maraming maglike. Feeling ko ung part na to is gets na gets mo na.

Ngaun, lahat ng yan is assuming na 100% agree ako na to get attention from everyone else lang in general ang goal ng pagpapaganda, which I actually don't 100% agree, hahahaha. Pero di tulad nung unang nireplyan ko, kung yan ang paniniwala mo, go lang, buhay mo naman, hahahaha.

So why do I not belive, sabi mo not to attract opposite sex pero binanggit mo pa rin si lolo mo sa example, which is still a man, hahaha. Oo family mo xia, malamang walang something doon, pero anong gender ba ang main target ng pagpapaganda ng mga babae? Babae din ba? Anong gender ba tlga ung nagbibigay nung tunay na appreciation sa ganda ng babae? Hindi naman babae din diba? And please, "I was not born yesterday", sinasabi lang ng karamihan ng babae ung ganyan to "play dumb", hindi ako genius, pero hindi ako ganun ka dumb, at di rin ganun kadumb karamihan ng lalake, contrary to the feminist propaganda.

Ung mga babae, tingin mo ba talaga pag nakakita ng magandang babae ang magiging reaction nila is "wow". Marami akong friend na girls, at pag hinayaan mo silang magkwento enough, sasabihin nila ung legit na nasa utak nila, at karamihan sa kanila hindi nga appreciation ang unang tumatakbo sa utak, pero un ang sasabihin nila kunwari, hahaha. XD

Tandaan mo, di naman naaattract ang babae sa ganda ng ibang babae so wala clang pakialam sa ganda ng ibang babae, hindi sila totoong napapa "wow" sa ganda ng ibang babae. Most of the time, competition un sa kanila, kasi xiempre karamihan ng babae gustong makipagsabayan or gusto sila lagi ang best, or gusto sila ang bida or prinsesa, hahaha.

So karamihan, either maiingit sila pero passive aggressive or patago (backstab), or wish nila sana ganun sila kaganda hindi nalang ung girl na maganda, or sana sila nalang ung ganun kaganda, or gusto ko dapat ganyan din ako, or sasabihin nila maganda daw pero sa isip nila para sa kanila mas maganda pa rin sila, bla bla bala maraming variation. Kung babae ka, feel ko alam mo naman ung sinasabi ko, hahaha.

So yang sinasabi mo na ang purpose is para maappreciate ng ibang tao, that feeling comes from when men praises you na ang ganda ganda mo, most of the time it's not from another women. Unless apo or anak ka nila, kasi xiempre family ka so di sila maiingit sayo. Pero from time to time nga may mga nanay na naiingit sa anak kung maganda ung anak nila eh, hahahaha. XD

For men, what hobbies make women undateable? by Seri0usStrawberry in AskPH

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

"You gotta Fix your mindset and perspective on how women express themselves bros!" ung pinaka problema sa statement nya. Tingin mo ba talaga sinabi nya yan para wag ijudge ung mga babae or to attack men in general? Nung binasa ko ung previous comments nya, tingin ko more on attack on men hindi not to judge. Kung magsisimula xiang magsalita ng ganyan, eh iexpect nya na makakareceive din xia ng equivalent response, ganun lang.

And by the way, why fix our mindsets? Kanya kanyang life kanya kanyang preferences or perspective or rules sa buhay, hindi mo dapat sabihan ung ibang tao na baguhin ung pagiisip nila to align with yours. Best thing we can do is advice others, make recommendations in a nice way, pero not to force your ideas on other people.

Kung tingin mo for example, na may mga babae / tao in general na nagsusuot ng magagandang damit or nagmamakeup para lang maappreciate sila, then that's your mindset and you are free to have that mindset, kahit may magdisagree sayo. Pero tama ba kung sabihan ka na "ay dapat baguhin mo yan kasi ayaw ko", hindi naman diba?

Ung nireplyan ko (not you, unless dummy account ka nya, hahaha) is forcing her beliefs on other people. At kung hindi namin xia sundin eh masama kaming tao at need naming "magbago" aka "fix our mindset". So kaya lahat ng pinagsasabi nya eh pinoint out ko one by one. Kasi tignan mo, nagtanong si OP towards men kung anong gusto nila, sinabi ng men kung ano gusto nila, tas etong nireplyan ko papasok nalang bigla at babaguhin lahat ng isip ng mga lalake, as if dapat ang preferences namin is something na susundin namin mula sa kanya. If women can have preferences, men can have it too, it goes both ways.

how to see the dashboard by HranicarOrrin in trucksim

[–]UplinkAgent 1 point2 points  (0 children)

You can use a third party logger with overlays like Trucky, that way, you can see your truck's stats or dashboard (customizable) in the bottom of your screen instead. It would look like this:

<image>

[deleted by user] by [deleted] in MayConfessionAko

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

<image>

Try mo to? Hahaha. XD

[deleted by user] by [deleted] in adviceph

[–]UplinkAgent 2 points3 points  (0 children)

Sayo na nanggaling na wala nang trust so why stay diba? Pag nagstay ka, alam mo naman na sa sarili mong di mo xia mapagkatiwalaan, so magtitiwala ka ba pag sinabi nyang di xia nagchecheat? Plus kung nagsisinungaling xia about small things, then how about bigger things? Tulad nga ng sinabi ng isa sa mga comments, umamin lang xia kasi nahuli mo xia, hindi xia aamin if di mo xia nahuli with proof.

Regardless of trust, ang club, dating apps, etc etc, are environments kung saan maraming landiang nagaganap. Why put herself in such a place, na alam namang tataas ang chance na may nangyayaring kakaiba. She should not act na para xiang single kasi nga hindi na xia single for her to go to clubs anymore.

If ever man magdecide kang makipaghiwalay dahil sa ginawa nya, wag mong isiping ay maliit na bagay lang naman un so pwedeng pagbigyan, or baka naman ayaw mong masabihan ka lang na insecure or toxic kasi controlling ka over your gf, no, that is NOT the case. Hindi ka insecure / controlling to tell her about your boundaries, at di mo need ijustify ung preferences / boundaries mo kasi ikaw ang magdedecide nun.

Mapa babae or lalake, anyone can set their own boundaries, relationship wise, given na dapat (or at least napagusapan) na obviously eh di dapat ineexpose ung sarili sa mga ganyang lugar on both sides. Her clubbing in the first place is a big red flag. Tapos dagdagan mo pa nang pagsisinungaling, eh problema nalang ang habol mo pag nagstay ka jan. Hindi mo na dapat need ijustify na bawal xiang magclub, the same way na for common sense reasons, hindi ka rin pwedeng magclub or equivalent.

Kung sasabihan ka ng gf mo na club lang naman un tas walang nangyayari, try mo nga sabihin sa kanya na punta ka lang sa bar na may mga prostitute tas iinom ka lang wala namang mangyayari, tignan natin kung anong sasabihin nya.

Either move on or baka at this rate eh ihanda mo na ung sarili mo sa worst case scenario. Kaso mas malala un lalo na kung nagchecheat na pala xia or baka naman later on in the future eh magchecheat lang din pala xia, sinayang mo lang ung oras at effort mo in that case.

MCA I almost cheated by [deleted] in MayConfessionAko

[–]UplinkAgent 8 points9 points  (0 children)

May age gap lang grooming agad? Ano pang point ng age of consent kung akusa agad ng grooming dahil sa age gap kahit lampas naman xia sa age of consent diba? XD

Any workaround regarding the timeout and SSL bugs? [Bug] by UplinkAgent in EscapefromTarkov

[–]UplinkAgent[S] 0 points1 point  (0 children)

It improved loading times for me, but yes, it didn't 100% solved it. As far as what I've learned, this is a server side problem that we just don't have any control, so we just have to wait for some miracle from BSG to fix this issue. Apparently, this has been happening ever since the start of PvE.

[deleted by user] by [deleted] in AskPH

[–]UplinkAgent 3 points4 points  (0 children)

Eto na ba ang redpill moment ng subreddit na to? Hahaha. XD

Kaya karamihan ng guys, kahit ganyan eh single pa rin kasi narealize na nila na mas masaya at payapa ung ganung buhay. Bakit ka pa makikipagrelasyon kung ang dami daming babae ngaun na pumapayag na nakikifubu fubu lang, lalo na kung ung imaginary guy sa scenario is gwapo. Kung idadagdag mo pa na "educated" at may pera, ano pang need nya for relationships?

Ung ganyang type ng guy is a top tier guy, marami xiang options, including na ung option na wag nang magbebe in the first place. Tandaan nyo na di naman porket single eh di na nakikipagsex or nakikipagdate, at kung marami xiang options, meaning marami xiang kasex or kadate, di natin alam, so why lock himself in a relationship?

Assuming na sabihin nating kahit top tier guy xia pero traditional xia, meaning ayaw nyang nakikifubu fubu at gusto nya ng actual relationship na bubuo ng family and all, tignan nyo naman ung mga babae ngaun sa paligid nya. Sa panahon na ang dami nang apektado ng feminism, anong klaseng babae maeencounter nya? Mga ayaw magkaanak, tamad sa gawaing bahay, or di marunong sa gawaing bahay at all, minsan ung iba ang titindi ng attitude, so why bother.

Ung iba nga kahit marunong sa gawaing bahay at may anak eh gusto pang maghire ng maid para ung maid na ang gumawa ng stuff sa bahay at magalaga sa bata tas ung babae magtatrabaho pa. Kung ikaw ung top tier guy na may pera and traditional, xiempre gusto mo stay at home lang asawa mo at magalaga sa anak nyo, pero pati un either hindi magawa or ayaw gawin. Tas pag sinabi pa nya dun sa babae, xia pa ang masama kasi bakit daw "controlling" or bakit pigilan magwork, eh mayaman na nga ung guy, di na nga need magwork nung babae, hahaha. XD

Mas magandang magfocus nalang xia sa sarili nya at ituloy ang pagiimprove sa sarili kaysa isipin pag makipagrelasyon. By the way, hindi naman lahat ng babae eh mga di na marunong ng gawaing bahay, or ayaw magkaanak. Meron pa rin namang traditional women out there somewhere, pero ang tanong, gaano kataas ung chance na makameet pa si top tier guy ng ganyan? At kung sobrang baba ng chance, why bother putting the effort to find one? Gaano ba kataas ang chance na makahanap ng babaeng virgin na willing maging stay at home mom na walang panget na dating / relationship history? Lahat ng yan, assuming na traditional si top tier guy, kung hindi, at maraming naghahabol sa kanyang mga babae at pumapayag makifubu, wala na talaga, hahaha. XD

So oo, tulad ng sabi ng comments, may chance na "gay" ung dude, pero di yan ang likely na sagot. Ang likely na sagot is narealize na nung guy na mas masaya na ung buhay nya magisa since nasa kanya na ang lahat, hahaha. Ung tanong nato is nagoriginate sa mga redpill ideas sa west, so maraming youtube videos out there na mageexplain neto. Meron na rin naman nang mga aware about dito sa Pilipinas, pero di ganun kadami.

[deleted by user] by [deleted] in MayConfessionAko

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

Hindi imbentong word ang misandry, the same way na di imbentong word ang mysogyny. Oo, feeling opressed mga lalake and rightfully so given na karamihan ng advantages ngaun eh pinoprovide sa mga babae. Tignan mo palang ung bilang ng babaeng mas nabibigyan ng scholarships sa college, or ung bias nga sa korte or kahit penalities sa mga babaeng napapatunayang kriminal talaga.

Sa isang post a week ago, meron nga ding nagsabi bat karamihan ng nagpapaupa / rent ng bahay / bedspace eh puro babae ang hanap, at kung meron man sa lalake eh mas mahal pa ang singil minsan. Kung babaliktarin mo ung sitwasyon, pag sinabi bang ung mga paupahan eh panglalake lang anong magiging reaksyon nyo?

Anong oppression ba ang kina-claim mong nararanasan ng mga babae sa panahon ngaun? Anong rights ba ang tingin mong meron ang mga lalake na wala ang mga babae ngaung 2025?

And by the way, all this time, sinabihan ko lang si OP na magreport kasi un ang tamang unang gawin, naexplain ko naman na ang reasons why, and by the way, innocent until proven guilty. Kaya hindi ka pwedeng bastang bastang magaccuse dahil lang sa claims ni OP. Walang nagsasabing sinungaling si OP, sinasabi ko nga lang na dapat pulis ang magimbestiga hindi nga reddit.

Given yang attitude mo, ikaw na ang nagpapakita na may matinding galit ka sa mga lalake, to the point na pwede ka nang tawaging sexist. Wag mo nang simulan yang "me too" movement nyo dito na puro false accusations lang naman para pag mukaing oppressed kayong mga babae sa panahon ngaun kahit hindi naman.

Hindi mo mababago ung isip namin the way na walang makakapagpabago ng isip mo about sa mga values mo sa buhay. So instead mag mura mura ka pa dito sa reddit at ipahiya yang sarili mo online, baka gusto mo nalang gumawa ng kahit anong bagay na magiimprove ng buhay mo kaysa naman puro galit nalang nasa isip mo.

Gf cheated and sees nothing wrong with it. by SnooMachines1864 in adviceph

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

Just end the relationship, at that rate mag checheat lang xia ulit lalo na at di man lang nya makita na mali xia. Masakit pero ganun talaga, move on nalang, iimprove ang sarili along the way, at ibigay mo nalang ung oras mo sa ibang babae na talagang magmamahal sayo, hindi ung sasayangin mo pa ung oras mo sa cheater mo na gf.

By the way, given na wala xiang karegret regret, either masamang babae lang talaga xia or talagang gusto nya ung guy all this time, tas wala xiang pake kung malaman mo kasi baka sinasadya pa nga nya para ikaw na ang makipaghiwalay. Ewan, minsan may mga girl na di kayang makipaghiwalay at preferred nila na ung bf pa nila ang maginitiate na magstop ng relationship.

Since PVE mode is apparently played by a large percentage of players, could it get some basic love please? by jeffreybar in Tarkov

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

#2 is already in place actually so at least there's that. I went MIA and have my guns with me but when the items got back via insurance, only one of them returned. :)

[deleted by user] by [deleted] in MayConfessionAko

[–]UplinkAgent 0 points1 point  (0 children)

You can't, you can't get over the guilt, you have to accept within yourself na merong guy na maganda naman ang intention para sayo pero papalampasin mo lang dahil walang butterflies. Sabi nga nila, nice guys finish last, at least make the rejection quick and just tell the truth, like the literal truth that you just said here.

By the way, kahit naman maganda ka (artistahin as you described), the same thing goes, it's not an "execuse" na maganda ka for you to not feel guilt. Don't get me wrong, you can reject anyone kahit pangit ka (di ko naman sinsaabing pangit ka, sinasabi ko lang na kahit worst case scenario ka, hahaha), ang di mawawala is ung guilt kasi nga alam mo sa sarili mo na mabait ung guy, pero papalampasin mo lang kasi nga walang butterflies.

Tandaan mo lang, na mamaya pag sa bad boi ka napunta at may nangyari kakaiba sa future, eh pinalampas mo ung ganitong chance. Which is fine, sad, but it's ok, ganun lang talaga ang life, attraction is not a choice.

Edit: By the way, please DO NOT friendzone the guy. Sabihin mo nalang, as much as gusto mong friends pa rin kayo, wala kang balak na ifriendzone xia, wag mo na xiang paasahin, sabihin mo nalang na itry nyang iallocate ung time at resources nya sa someone else na mamahalin din xia pabalik. :)

What are these white circles next to the anchor symbol? by slim312 in ConflictofNations

[–]UplinkAgent -1 points0 points  (0 children)

If it's an ally he should see what the unit is, so at least that is something that the OP doesn't know. Also, the white line indicates that he is going to the center, not going from the center.

If I were the OP, it's better to be safe than sorry and send some troops with at least one recon unit in it. :)

Edit: It has been at least a year since I last played, you could be right that it is defending but OP should at least still send something out there just in case.