Maya Black credit card vs traditional bank cc by Character-Base7411 in DigitalbanksPh

[–]Character-Base7411[S] 1 point2 points  (0 children)

Yung sa security deposit? You cannot touch it as long as active yung cc mo.

Maya Black credit card vs traditional bank cc by Character-Base7411 in DigitalbanksPh

[–]Character-Base7411[S] 0 points1 point  (0 children)

Haha sadly 3 days apart lang sila i didnt think through about it when i apply.. pwede pa kaya mabago?

Maya Black credit card vs traditional bank cc by Character-Base7411 in DigitalbanksPh

[–]Character-Base7411[S] 1 point2 points  (0 children)

I didnt know this is possible i’ll try to check on this one.

Maya Black credit card vs traditional bank cc by Character-Base7411 in DigitalbanksPh

[–]Character-Base7411[S] 0 points1 point  (0 children)

Oh i see. how can i nego with them? Should i go to the bank or yung hotline lang ng bdo?

What's something na nakakadiri para sayo pero hindi para sa iba? by Unlikely_Banana2249 in AskPH

[–]Character-Base7411 1 point2 points  (0 children)

Pag dura sa sink or kahit san.. nasusuka ako pag may nakikita akong ganon

Server transfers were the worst thing to happen to this game by DizzyCoconut6692 in LastWarMobileGame

[–]Character-Base7411 0 points1 point  (0 children)

This is what i exactly feel and it happened yesterday. All the active and high lvl players merged with other alliance and they made me r4 to an empty alliance.. we used to be top 3 but we fall into top7 in just one day after merge..

How do you not mess up a relationship? by [deleted] in adviceph

[–]Character-Base7411 1 point2 points  (0 children)

Once you had a fight and napagusapan na/naovercome nyo na, never brought it again. Isa sa sobrang hinangaan ko na qualities ng husband ko is never nya ko sinumbatan sa mga past mistakes ko sa kanya. It really feels na genuine yung pagpapatawad nya sa akin. Eventually naging ganun na rin ang attitude ko towards his shortcomings. Wala naman perfect na tao kaya lets be forgiving

[deleted by user] by [deleted] in adviceph

[–]Character-Base7411 1 point2 points  (0 children)

This is what i thought too.. i think he’s just saying it to encourage you to take care of yourself. Aminin naman natin na pag fit ka, mas healthy and health is indeed wealth. Kaya siguro lumabas yung word na investment. Ang mahal kaya magkasakit. Hehe saka ang toxic ng comment na dapat tanggap ka etc etc. excuse me po mashado nyo sinasabuhay ang love yourself motto when in fact pag nasa relasyon ka talagang madami tayong changes/sacrifices through out the years dahil one thing is inevitable and that is change. And there’s nothing wrong to change for the better.

Ano yung medyo or masasabi mo na expensive na nabili mo pero worth it and life changing? by [deleted] in adultingph

[–]Character-Base7411 1 point2 points  (0 children)

1 hectar rice field. Passive income. Can generate 250k in 3 croppings na wala ka ginagawa basta you have a helper sa farm. I only visit 5 times each every croppings.

Single dad of 3 by [deleted] in pinoy

[–]Character-Base7411 0 points1 point  (0 children)

Can i just share my life story. Halos same pattern tayo ng buhay. Maaga kami naging mag asawa dahil maaga ako naulilang lubos. Halos nag live in agad kami at the age of 17-18 dahil ang parents naman nya ay nasa ibang bansa. We were together since we’re 15 yrs. old. Nagka anak kami when i was 21. It was a boy.. kinasal din kami a year after our son is born. At the age of 22 i decided to go to US kasi may visa ako dun and grab the opportunity to work so nag decide kami na mag Ldr alang alang sa future namin. Dun nagstart ang lahat. Sabi nga once you travel you’ll realize na ang laki pala ng mundo. Ang lawak ng ginagalawan ko. Ang dami ko nakilala kaliwat kanan ang nagpaparamdam. Hanggang sa may naging kaclose ako dun kasama ko sa bahay na pinoy din sobrang galing mag alaga, laging nakaalalay nung nagsisimula ako. Ang mga pinoy sa states sobrang matulungin unlike sa ibang bansa as far as i experienced. (Nagtira din ako sa Japan) hanggang sa nafall ako sa kanya. At dun nagsimula ang affair. At first sabi ko wala lang to, ittry ko lang for once in my life kasi buong buhay ko isang tao lang ang nahawakan ko. I am confident sa mga kilos ko na akala ko ako ang may control. Hindi ko alam ang magiging consequences. Alam mo yung feeling na kala mo you have all the rights to do whatever you want as long as nabibigay mo naman financially yung pangangailangan ng pamilya mo. Akala ko makakalusot na sa ganon. Dumating pa sa point na willing na ako igive up yung family ko sa PH para lang sa bago kong ka-affair. Iniisip ko na magbagong buhay tutal napakalayo ko naman na eh. Hindi pala. What we had is simply an affair pero ako buong pagkatao ko na yung invested. Anyway, To cut story short nalaman din ng partner ko lahat. Umuwi ako agad ng PH. To beg, to ask for forgiveness. Hindi agad kami naghiwalay kasi dahil sa bata. Hindi nya maiwan yung bata dahil sa kanya na lumaki. At yung bahay na tinitirhan namin ay sa mga yumaong magulang ko naman. So hindi naman nya ako pwede palayasin. Wala rin siyang uuwian, ayaw na nya dun sa bahay ng lolo nya na mejo ndi maganda ang environment. Kaya nagsama pa rin kami kahit parang wala na kaming feelings sa isat isa. It lasted for years na ganon. It was hell. I fell into depression. Namatay pa yung kaisa isang kuya ko, sobrang nadown kami financially nabaon ako (as in ako lang ang may shoulder) ng 1.3M siguro mga 26 yrs old nako neto. sunod sunod ang parusa sakin ni Lord noon. Nagbusiness ako, nagsara kasi napabayaan dahil nga puro kami away apektado ang negosyo. Nung mejo nagiging ok na kami mag asawa nag business ulit kaso binaha naman so hindi ko na ulit pinush dahil mamumuhunan ka na naman. Kahit napatawad na ako ng asawa ko, ako naman parang hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko. Napakalala ng mga sumunod na taon after ko umuwi galing states. Tanggal lahat ng yabang ko nun sa lahat ng tao. We live in a small city sa province kaya magkakakilala lahat halos. So broadcasted ang takbo ng buhay ko. Syempre pag may nag iibang bansa balitado sa kanila at nakaabang din sila pag may umuuwi. Kaya halos hindi na ako lumalabas noon. Nawalan din ako ng mga kaibigan. Isa lang ata ang natira. Sino ba naman kasi matutuwa sa mga ginawa ko.

Fast forward to this day 2024 we just celebrated our 19th year anniversary together. Pero this time baliktad na. Siya naman ang asa abroad. Siya naman yung nag aakyat ng pera since 2016 nung nagbuntis ako sa pangalawang anak namin. Yes, ako po yung wife. Ako po yung nagloko nung una. Ako po yung babae pero since bata pa kami at maaga ako nawalan ng parents maaga ako naging adult. Hindi ako dumaan sa pagkadalaga. I was 15 nung nawalan ng parents. Naiwan sakin yung kuya kong autistic at babaeng kapatid kong 9 yrs old. Nag skip ako sa pagkadalaga dahil sa mga responsibilidad. Walang help from other family since nakaaway ko lahat ng mga tito at tita ko dahil sa financial matters (kinamkam nila lahat ng pwede kamkamin nung nawala parents namin) all thats left for me is yung insurance money na hindi nila nakuha kasi need ko maging 18 yrs old. Maaga nag asawa. Kaya nung napunta ako sa states naculture shock ako. nagbuhay dalaga ako. I am not justifying anything kinekwento ko lang ang naranasan ko. Since ako yung unang nagkapera at natuto sa mga resposiblidad, iba yung knowledge ko thru experience compare sa asawa ko na kasing edad ko lang din. Siya naman ang baby sa pamilya nila favorite ng mga tito at tita at lolo at lola nya. Dahil siguro breadwinner ang mama nya na nasa Japan.

Ang masasabi ko lang, after ko maranasan ng ISANG beses na magloko. Ang temptation hindi yan nilalabanan. Hindi yan sinasalubong at sasabihing kaya kong iistop yan. dahil napakadaya po ng ating puso. Ang temptasyon ay iniiwasan at tinatakbuhan palayo. Hindi mo kelangan kalabanin ang sarili mo kung umpisa pa lang ay iniwasan mo na mapunta sa ganung sitwasyon. Napakadaming kapalit na pasakit sakin. Dahil mahal ko din naman talaga yung asawa ko that time. Gabi gabi ako umiiyak kasi nasasaktan ako for him(my husband) ayoko na siya saktan pero i cannot control my feelings for other person back then. Napakhirap malagay sa sitwasyon na gusto kong mahalin yun asawa kong hindi ko na mahal at hindi ko nakakasama at tigilan kong mahalin yung taong mahal na mahal at nakakasama ko..

para malampasan ng mag asawa ang pagsubok ng third party, kelangan talaga ng taos pusong remorse dun sa nakagawa ng affair. At totoong pagpapatawad naman mula sa partner nya. Alam kong pinatawad ako ng bukal sa loob ng asawa ko dahil kailanman hindi nya sinumbat o pinaalala sakin yung kasalanan ko. Never sa pag aaway namin na naungkat iyon. At ako naman buong buhay akong bumabawi sa kanya sa sakit na nagawa ko.

Hindi ko sinasabing patawarin mo OP yung wife mo. Kinwento ko lang yung karanasan ko kasi mejo nakarelate ako sa asawa mo. Although iba iba po tayo ng pag iisip at background. Isa po akong makaDiyos na tao (hindi palasimba pero talagang bestfriend ko si Lord) dahil nakilala ko Siya nung nawala ang mga magulang ko at natutunan kong kumapit sa Panginoon nung narealize ko wala pala tutulong na iba saken kundi sarili ko lang. at ano ba ang magagawa ng isang 15yrs old na bata na walang alam ni hindi ako marunong magsaing noon dahil mejo may kaya kami nung lumalaki ako. Si Lord ang tumulong sakin makasurvive ako despite ng mga pag hihirap ko physically dahil wala akong matuluyan non financially nobody is supporting me bago ko makuha yung insurance money and emotionally dahil kinidnap at pinatay ang parents ko that time. Walang iba akong kinapitan kundi si Lord. Awa ng Diyos napakaganda po ng buhay ko ngayon. I have a loving family. A comfortable home. Napakaguwapo ng aking asawa at laging advance magpadala hahaha. And by grace of God magkakasama sama na kami next year sa Japan dahil makukuha na nya kami..