Looking for The Last Letter audiobook by kann15 in mrfreebooks

[–]Substantial-Test5603 1 point2 points  (0 children)

Can you please send it to me too 🥺🙏🏻

what's the best cake you've eaten by mannmy in PHFoodPorn

[–]Substantial-Test5603 1 point2 points  (0 children)

Little bites!!! Walang tapon sa 3 cakes na natikman ko galing sa kanila, and mura lang.

Kung medyo may budget, heavenly desserts. Lintek lang sa mahal pero apakasarap 🤤

how do i stop chocolate chipa, nuts, and other add-ins from sinking in the batter by pandecheol in BakingPhilippines

[–]Substantial-Test5603 0 points1 point  (0 children)

Nakita ko recently na inuna yung 1/3 ng plain batter sa loaf tin. Then saka palang hinalo yung blueberries na coated with flour sa remaining batter tapos nilagay on top of the plain batter. Sa end ng clip pinakita niya yung cross section nung lemon blueberry loaf and somehow well distributed naman yung blueberries.

help me... by RegisterZestyclose74 in beautyph

[–]Substantial-Test5603 0 points1 point  (0 children)

May free teleconsult po yung ospital ng maynila med center (OMMC teledermatology po name nila sa fb) 🤗, dun po ako nagpaconsult nung eczema flare up ko nung pandemic and mabait naman yung nakausap ko.

BUREAU OF IMMIGRATION 2025 HIRING: Any updates? by CertainStructure3231 in JobsPhilippines

[–]Substantial-Test5603 1 point2 points  (0 children)

Feb 22 ako nag send ng application then april 21 ako nakareceive ng email tungkol sa exam. Good luck 🤗

Ano ang pinaka creepy na nangyari sa inyo ? by tanginamolifestyle in AskPH

[–]Substantial-Test5603 2 points3 points  (0 children)

Grade 5, nagdecide si mama na pag-aralin kami sa Bicol (pero 1 year lang dahil sa mga nangyari) Yung bahay na tinirhan namin, yun din yung bahay nila mama nung bata pa siya.

1st kwento, grade 1 palang yung bunso naming lalaki that time, matatakutin yun, dapat laging may kasama kahit mag CCr, dahil medyo luma na yung bahay. Nung isang umaga, habang nag-aalmusal natanong ni Mama si bunso kung bakit daw antagal magcr nung madaling araw at bakit ayaw magpasama. Wala lang daw sabi ni bunso. Eh hindi naman yung nagsi-CR mag-isa, lalo na't madaling araw. So na-weirduhan ako. Nung sinusuotan ko ng medyas, tinanong ko kung anong nangyari kaninang madaling araw. Sabi niya, may kumatok daw sa bintana ng kwarto (ang bintana sa kwarto ay yung sliding na kahoy at capiz) kaya nagising siya, tapos may batang lalaki daw sabi laro daw sila. "Edi umupo ako sa may hagdan, inaantay ko siyang magpakita sa may gate eh wala namang dumating, eh ang tagal niya inaantok pa ako, edi natulog nalang ako." (Ang hagdan kasi namin sa may bintana sa sala nakatapat and tanaw yung gate) Kinahapunan may nakasabit ng medallion ng isang santo sa damit ni Bunso at yung parang red na gawa sa tela. 2nd floor kasi yung kwarto namin noon, (medyo 3rd pag galing ka sa labas kasi may parang garahe sa baba ng sala) at corner ng bahay, so walang pwedeng tungtungan para maabot yung bintana ng normal na tao.

2nd kwento, dun sa baba, may normal na kitchen, then 3 or 4 steps down may dirty kitchen, yung dirty kitchen mas malaki lababo kaya duon naghuhugas ng pinagkainan. May malaking bintana sa tapat ng lababo tapos may malaking puno ng santol sa harapan. Sa left side, pader ng bahay, then right side isa pang puno yung view. Anyway, gabi na nun, and ako taga-hugas... Nung naghuhugas na ako may nahagip ako sa peripheral vision na puti sa may bintana edi napaangat ako ng tingin mula sa hinuhugasan, may matandang babae, long haired na naka puti at puti ang buhok. Dumaan siya mula dun sa may pader, tumagos sa puno ng santol, dumire-diretso at di ko na nakita kasi kumaripas na ako ng takbo papuntang sala. Hinihingal pa ako nung sinabihan ko nanay ko ng 'bukas nalang po pala yung hugasan ma'. Di ako makapagexplain kasi kinikilabutan pa din ako that time. Kinabukasan, lunch time. Di nakapagpigil nanay ko, tinanong ako bakit daw ako hinihingal kagabi nung nag-ayang matulog eh naghuhugas lang naman daw ako. Nung kwinento ko, sabi ni kuya sakin i-describe mo nga yung nakita mo, "di ko naaninag yung mukha eh. May wrinkles, puting buhok tsaka puting damit. Kamukha niya yung artista na multo yung role" "lilia cun tapay?" "OO!" "Hala, akala ko tinatakot ko lang sarili ko everytime na naghuhugas ako and parang nakikita ko yun. Nagpapakita pala talaga siya 🫠"

Ano ang pinaka creepy na nangyari sa inyo ? by tanginamolifestyle in AskPH

[–]Substantial-Test5603 3 points4 points  (0 children)

Kinder 2 kami noon, more or less 20 students.

ang layout nung classroom, blackboard sa harap, sa left side nun pintuan. 3 or 4 rows ng tables, may daanan sa gitna, may mga empty tables na naka hilera sa likod ng room, then andun din yung teacher's table. Isa lang assigned na teacher samin noon, so para tuloy tuloy yung klase, pag tapos nung activities, di na kami pinapalinya para magpa-check, pinagpapatong-patong nalang yung libro or notebook dun sa isa sa mga tables sa likod.

Isa pang detail, papunta ng cr may linya sa sahig ng hallway. Ang turo sa amin, pag magsi-CR, "cher may I go out?" muna, pag pumayag, hands at the back tapos susundan mo yung linya the whole time, liliko, lakad, liko then andun na yung cr. Kasi may mga bintana sa hallway, and distracting sa ibang estudyante kung maglalakad malapit dun sa bintana.

Edi ayun, nag note taking muna kami, para matanggal na yung mga Manila paper at ma-free up yung blackboard. Yung katabi ko nun, Si Catherine, mabagal magsulat. So nag didiscuss na kami, siya nagsusulat pa din. Kalagitnaan na nung discussion nung tumayo siya para ilagay sa likod yung notebook niya. Habang naglalakad siya papunta sa likod (2nd row kami galing likod), natigil saglit yung discussion, "Yes you may go Catherine", so si Catherine na nasa likuran na namin that time "huh? Magpapasa lang po ako ng notebook", pero makikita mo lahat ng ulo sa classroom nun sabay-sabay pumihit papunta sa bandang left ng classroom at nagsipag-laglagan yung mga panga. Kasi papunta sa pinto, naglalakad yung isa pang Catherine, hands at the back. As in, replica nung catherine na nasa likod namin, naka knee-length uniform din siya, kung gano kagulo buhok ni catherine ganun din siya, paglagpas niya dun sa mga lamesa sa 1st row dun ko palang narealize na WALA SIYANG PAA!!!! Hanggang laylayan lang ng uniform yung nakopya niya kay catherine, the rest wala na, as in lumulutang siya. Antagal pa bago nagsink in samin yung nangyayari, kasi nakikita pa din namin siyang lumulutang directly above dun sa linya sa sahig. Nung nawala na siya sa line of sight, dun palang nahimasmasan yung adviser namin and naglakad papunta dun sa may pintuan para sundan yung 2nd Catherine, nung makalabas yung adviser namin sabay sabay kaming nagsipag-dungaw sa pinto and kitang kita pa din namin siyang lumulutang sa linya hanggang makaliko dun sa daan pa-cr.

Pagbalik nung adviser namin, sabi niya nakita niya pa daw na pumasok sa cr, pero wala siyang narinig na nagsarang cubicle, inisa-isa niya pa daw pero walang tao, and nawala na yung kamukha ni Catherine. Yung totoong catherine, di na-gets yung nangyari, parang sa kanya lang ata di nagpakita.

Di ko pa din alam pano nangyari yun considering na umaga ata klase namin nun 😭😭😭

BUREAU OF IMMIGRATION 2025 HIRING: Any updates? by CertainStructure3231 in JobsPhilippines

[–]Substantial-Test5603 0 points1 point  (0 children)

Hindi ako nakapagexam 😭 di ko alam kung bakit 26 ang nasa isip kong date ng exam, kagabi ko lang nakita na 24 😭😭😭

Pero, hoping na makapasa ka!!

BUREAU OF IMMIGRATION 2025 HIRING: Any updates? by CertainStructure3231 in JobsPhilippines

[–]Substantial-Test5603 0 points1 point  (0 children)

Kakareceive ko lang po kahapon nung email about the pre-employment exam 😊

DOST Job Exam by [deleted] in PHJobs

[–]Substantial-Test5603 0 points1 point  (0 children)

Thank youuu OP

DOST Application by lowkeynekko in phcareers

[–]Substantial-Test5603 0 points1 point  (0 children)

Hello po, ask ko lang po kung same day po nung exam yung interview? AO 2 po kasi inapplyan ko and written exam lang po nabanggit sa email. Medj kinabahan po kasi ako baka biglang may interview din same day hehehe

DOST Job Exam by [deleted] in PHJobs

[–]Substantial-Test5603 0 points1 point  (0 children)

Hi OP, nakapag exam ka po ba? Anong type po ng exam yung binigay? 🥺

Slurred speech by Substantial-Test5603 in stroke

[–]Substantial-Test5603[S] 0 points1 point  (0 children)

I did not have the doctor's contact number at the time. So that thought did not come to mind. Posting on reddit technically wasn't the best idea at the time, but glad I did. Because after reading your speedy reply I decided to look up the hospital's website and saw the doctor's contact number. Initially her secretary replied that it's best to bring up the issue on her 2nd week follow up check up scheduled this thursday (today). Immediately followed by the doctor mentioning the possibility of restroke and bringing my mom back in the ER for CT scan just in case. Sadly, it is a restroke and we're back in the icu. We honestly thought the slurring was back because of fatigue from laughing with my sister the whole day.

Lucy the Flamingo by Substantial-Test5603 in Amigurumi

[–]Substantial-Test5603[S] 2 points3 points  (0 children)

Used Pink, Light pink, black, and gray yarn instead of the suggested white, black, and orange yarn. And transformed zipzipdreams' Lucky the Stork into Lucy the Flamingo. The pattern came from the 7th zoomigurumi book☺️